WALA sa plano ng Philippine women’s football team na bumitaw sa liderato ngayong gabi kontra Malaysia sa ginaganap na 15th Asean Football Federation Women’s Championship sa Rizal Memorial Stadium. Huling hinagupit ng World Cup bound Filipinas ang Singapore, Miyerkoles sa dominanteng 7-0 panalo para agawin ang liderato sa Group A ng torneo. Giniyahan ni Team captain Tahnai Lauren Aniss ang Pinay booters sa ikalawang sunod na panalo, matapos ma-upset ang no.12 world ranked Australia (1-0) noong Lunes. Umiskor si Aniss sa ika-10 minuto mula sa goal ng Singaporean na si…
Read MoreAuthor: admin 2
PANGALAN NG NAIA, PINAPAPALITAN NI CONG. ARNIE TEVES
IBA’T IBANG reaksyon sa social media ang lumutang dulot ng panukala ni Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves Jr. na layong palitan ang pangalan ng NAIA o Ninoy Aquino International Airport. May mga pumuri pero may mga bumatikos din. Sabi ng ilang netizens, mas maiging pagtuunan daw ng pansin ng mga mambabatas ang patong-patong na problema ng bansa. Mahalaga raw ang COVID-19 response, pagpapabuti sa ekonomiya, at marami pang iba. May mga tumawag pa nga sa kanya na “sipsip” kay Pangulong Bongbong Marcos Jr. Sa palagay ko naman, wala…
Read More6 koponan ng RSA at MVP pasok sa PH Cup Top 8
HINDI pa tapos ang elimination round ng 47th PBA Philippine Cup ngunit gaya ng dati, mga pamilyar na mukha ang nangunguna sa Top 8 na papasok sa quarterfinal round. Nitong Miyerkoles, tinablahan sa liderato ng Barangay Ginebra, na pansamantalang minementor ni interim coach Richard del Rosario na humalili sa nasa US na si head coach Tim Cone, ang San Miguel Beer nang selyuhan ng Kings ang 106-82 panalo kontra Terrafirma Dyip sa Araneta Coliseum. Ngayon ay pantay na muli sa 6-1 panalo-talo ang sister teams na pag-aari ni San Miguel…
Read MoreKALIWANG BRASO NI DIDAL REDI NA SA 2024 OLYMPICS
NAGPALAGAY si Margielyn Didal ng Olympic rings na tattoo sa kanyang kanang braso bilang alaala sa makasaysayang skateboard debut niya sa Tokyo Olympics noong nakaraang taon. Kaya marami ang humuhula na nirereserba niya ang kaliwang braso para sa 2024 Paris Games. Sa una sa maraming qualifying meet sa Paris Olympics, nakapasok si Didal sa round of 32 skaters at kinalaunan ay tumapos sa ika-18 puwesto sa World Street Skateboard Championships sa Rome, Italy. Ang Asian Games gold medalist ay nakatipon ng 37.95 puntos sa Open qualifier at nadagdagan pa ito…
Read MoreAgri, infra, bilateral ties tinalakay PAG-UUSAP NINA PBBM AT WANG PRODUKTIBO
(CHRISTIAN DALE) NAGING maayos at produktibo ang pag-uusap nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Chinese State Councilor at Foreign Minister Wang Yi sa Malacañang Palace. Sa katunayan, nagbahagi pa si Pangulong Marcos ng kanilang pagpupulong ni Wang sa kanyang official Twitter account. “I am grateful to Minister Wang Yi for extending the message of congratulations and support from President Xi Jinping,” ayon sa Pangulo sa kanyang tweet. Ani Pangulong Marcos, pinag-usapan nila ni Wang ang mga isyu ukol sa “agriculture, energy, and our commitment to maintaining the strong relationship…
Read MorePanawagan kay PBBM ni Hataman PAGTATALAGA NG BARMM TRANSITION TEAM, SALAIN
MASUSING pagkilatis ang giit ng isang kongresista sa napipintong pagtatalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga itatalagang opisyal ng Bangsamoro Transition Authority. Ayon kay Basilan Rep. Mujiv Hataman, nakasalalay sa kamay ng BTA ang katuparan sa pangarap na kaunlaran at kapayapaan sa mga lalawigang sakop ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). “Nais natin na masigurong ang mga uupo sa susunod na BTA ay may sapat at angkop na kakayahan para matugunan ang lahat ng pangangailangan ng Bangsamoro at ng mamamayan nito. Kaya ang aking mungkahi – masusing…
Read MoreSa kabila ng iniutos na refund MERALCO WALANG OVERCHARGING
BINIGYANG-diin ng Energy Regulatory Commission na walang overcharging na nagawa ang Manila Electric Company (MERALCO) kasunod ng kautusang ibalik nito ang labis na singil na nakuha mula sa kanilang customers. Sa Laging Handa briefing, sinabi ni ERC Chairperson Agnes Devanadera na hindi naman overcharging ang nangyari at sa halip ay diperensya lamang sa kanilang naging projection noon at base sa aktuwal na pinagbabayaran ng MERALCO. Aniya, kadalasan talaga ay nagkakaroon ng diperensya at wala aniyang mali ukol dito. Tinatayang, aabot sa 21.769 billion pesos ang iniutos ng ERC na i-refund…
Read MoreBlue Ribbon comm. ibinigay kay Tolentino CAYETANO TABLADO
KINUMPIRMA ni Senador Migz Zubiri na nagdesisyon na ang supermajority ng Senado na ibigay kay Senador Francis Tolentino ang pamumuno sa Senate Blue Ribbon Committee. Matatandaang naging kondisyon ni Senador Alan Peter Cayetano ang paghawak sa naturang kumite bago sumanib sa majority bloc ng Senado. “Eh ‘yan ang gusto ng majority bloc, they prefer it to be amongst the members of the supermajority. That’s how it is,” pahayag ni Zubiri. Sinabi ni Zubiri na magiging pormal ang chairmanship ng mga komite sa pamamagitan ng eleksyon sa pagbubukas ng sesyon. “It’s…
Read MoreSALVAGE VICTIM ISINAKO
PINANINIWALAANG biktima ng summary execution ang natagpuang bangkay sa loob ng sako, na tadtad ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan at nakatali ang dalawang kamay sa Baseco, Port Area, Manila, umaga nitong Huwebes Tinatayang nasa 25 hanggang 30-anyos ang hindi pa nakikilalang biktima na nasa 5’4 ang taas, nakasuot ng itim na t-shirt at asul na short pants. Base sa ulat ni P/Lt. Col. Rodel Borbe, commander ng Manila Police District-Baseco Police Station 13, bandang alas-6:00 ng umaga nang matagpuan ng isang tauhan ng Department of…
Read More