PUMATAY SA LADY ENGINEER, NABITAG

IPRINESENTA noong Huwebes ng gabi nina Governor Daniel Fernando at Bulacan PNP Acting Director Col. Charlie Cabradilla sa mga mamamahayag ang sinasabing suspek sa pagpaslang sa lady engineer na natagpuang naaagnas na sa madamong lugar sa Barangay Tikay, Malolos noong Martes, Hulyo 5. Ang inarestong person of interest (POI) ay kinilalang si Darwin De Jesus na nadakip ng pinagsanib na puwersa ng Bulacan PNP, Malolos City Police at Guiguinto Police sa isang paupahang bahay malapit sa tirahan ng biktimang si Princess Dianne Dayor, 24-anyos, residente ng Barangay Tabang, Guiguinto, Bulacan.…

Read More

4 NPA NALAGAS SA SAGUPAAN

MULING nalagasan ng armadong galamay ang Communist  Party of the Philippines nang mapatay ng mga tauhan ng AFP Visayas Command (VISCOM) ang apat na rebeldeng New People’s Army sa engkwentro sa Negros Island. Ayon kay Lieutenant General Robert C. Dauz, commander ng VISCOM, malaking pagkapilay ang dinanas ng nalalabing NPA sa Negros Island bunsod ng mga inilunsad na internal security operations sa Negros Island nitong nakalipas na linggo. Nitong Huwebes, apat na CPP-NPA rebels ang napaslang ng mga tauhan ng 94th Infantry Battalion nang makasagupa nila ang 14 communist terrorist sa…

Read More

ABU SAYYAF TIMBOG SA NAIA

ARESTADO sa mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG). Ayon sa report, kinilala ang suspek na si Hajar Binadbul Mubina alyas “Abu Asrie, Mhieradz, Muadz, Muhadz”, 30-anyos, tubong Bubua Island ng Basilan. Batay sa impormasyon, si Mubina ay dumating sa NAIA nitong Biyernes sakay ng Malaysian Airlines mula sa bansang Malaysia. Nadiskubre ng PNP na si Mubina ay mayroong nakabinbing warrant of arrest na inisyu ng Zamboanga City Regional Trial Court kaugnay sa pagkakasangkot nito sa…

Read More

Bahagi ng pagbabantay sa kaso kontra droga DILG MAGTATALAGA NG TAUHAN SA PISKALYA

SA hangaring tiyaking wasto ang proseso ng pagsasampa ng mga kasong may kaugnayan sa droga, plano ngayon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na magtalaga ng sariling kawani sa mga piskalya para magsilbing testigo laban sa drug suspects. Paniwala ni DILG Secretary Benhur Abalos, higit na kailangan bantayan ang mga isinampang kasong may kinalaman sa droga, kasabay ng giit na kailangang maiwasto ang maling prosesong nakasanayan ng Philippine National Police (PNP) sa pagsasampa ng asunto. Ayon kay Abalos, isa sa kanilang nakikitang dahilan sa likod ng kabi-kabilang…

Read More

RESSA AT DATING WRITER BIGO SA CA

NABIGO si Maria Ressa ng Rappler at ang kasama nitong dating writer na si Reynaldo Santos Jr. na mabaligtad ang naunang hatol ng korte kaugnay ng kasong cyber libel laban sa kanila. Ito ay makaraang hindi katigan ng Court of Appeals ang apela ng mga ito kaugnay ng hatol ng korte na pagkakulong ng anim na taon matapos mapatunayang guilty sa nasabing kaso. Una nang natalo sa Manila Regional Trial Court ang dalawa kaya umapela sa CA noong Hunyo, 2020. Umaasa sina Ressa at Santos na pagbibigyan ng Kataas-taasang Hukuman…

Read More

MARK HERRAS TINANONG ANG DIYOS

Sa interview ni Kim Atienza kay Mark Herras, inamin nito na nawalan daw siya ng direksyon sa buhay at hindi iningatan ang kanyang mga kinikita sa pag-artista. Pag-amin rin niya na nakaranas siya ng depresyon dahil nagkasunod-sunod ang pagpanaw ng kanyang mga mahal sa buhay. “Namatay yung lola ko, then my dad, then my mom, then my tito, Sunud-sunod sila, eh, (Year) 2011 si lola, 2014 is my dad. After two years, my mom, then after six months, my tito,”balik tanaw ni Mark. Hindi raw siya nakapag-mourn nang maayos dahil…

Read More

ARJO DEDMA SA BASHERS

MARAMI ang na-touch sa Facebook post ni Sylvia Sanchez para sa anak na si Arjo Atayde habang nanunumpa bilang Congressman sa district 1 ng Quezon City. Ang mensahe niya sa anak na isa nang ganap na Congressman: “Ang saya-saya ng puso ng isang INA kapag nakita niya na nagtatagumpay ang anak niya sa larangang gusto niya. “Isa ako sa pinakamasayang ina sa araw ng iyong panunumpa bilang congressman ng Distrito Uno ng lungsod ng Quezon City. “At  sa araw na ito, anak, July 1, 2022, ikaw na ang official na…

Read More

MARK PAWALWAL NOON DAHIL SA DEPRESYON

Pag-amin ni Mark Herras sa interbyu ni Kim Atienza sa kanya, nagkaroon daw ng direksyon ang kanyang buhay dahil sa mag-ina niyang sina Nicole at Corky. Nawalan daw talaga ng direksiyon ang kanyang buhay at hindi iniingatan ang kita dahil sa nangyari. Aminado ang Kapuso aktor na  nakaranas siya ng depresyon nang magkasunod-sunod na pumanaw ang mga mahal niya sa buhay. “Namatay ‘yung lola ko, then my dad, then my mom, then my tito. Sunod-sunod sila eh. 2011 si lola, 2014 is my dad. After two years my mom, then…

Read More

LARAWAN NI KATHRYN KASAMA SA PAINTING COLLECTION NI JULIUS BABAO

COLLECTOR ng paintings ang broadcaster na si Julius Babao. Nag-trending kamakailan ang artist at architect na si Neil Christian Simon Onza, na tubong Abulug, Cagayan. Dahil ang kanyang mga obra ay nilalagyan niya ng twist. Unique ang naisip niyang twist sa mga paintings na ginagawa. Paborito niyang medium ang oil at saka lalagyan ng nakakaintrigang twist. Sa unang tingin ay aakalain na nakabalot sa plastic at may lubid pa ang kanyang mga paintings. Pero “painting” din pala ang plastic at lubid. Noong May 13, 2021 ay nag-post ang pintor ng…

Read More