KARNAP NA MOTORSIKLO NADISKUBRE SA ONLINE

ARESTADO sa entrapment operation ang isang 21-anyos na lalaki nang nabuking na ang motorsiklong kanyang ipinagpapalit sa pamamagitan ng online, ay isang nakaw matapos nagduda ang kausap nito sa Pasig City nitong Huwebes ng madaling araw. Hawak na ng Bacoor City Police ang suspek na si Bon Bryan Catungal y Alminteros, 21, ng Silang, Pasig City Nag-ugat ang pagkakaaresto sa suspek dahil sa reklamo ni Ericson Abordo y Mojales, 38, isang Lalamove rider, ng Brgy. Milagrosa, Carmona, Cavite, kung saan tinangay ang kanyang kulay red/black na motorsiklong Suzuki Raider 150 noong Abril 26,…

Read More

PARESAN OWNER PINAGBABARIL, PATAY

CAVITE – Masusing iniimbestigahan ng Cavite Police ang pagkamatay ng isang may-ari ng paresan matapos pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang suspek sa harapan ng kanyang tindahan sa bayan ng Silang sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng umaga. Namatay sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si Mharc Allen Sagano y Pollarco ng Brgy. San Miguel 1, Silang, Cavite, dahil sa mga tama ng bala sa katawan. Ayon sa ulat ni Police Corporal Ralph Jayson Santos ng Silang Police Station, dakong alas-6:30 ng umaga nang mangyari ang insidente sa harapan ng tindahan…

Read More

TSERMAN PATAY, MISIS SUGATAN SA LEYTE AMBUSH

LEYTE – Patay ang isang barangay chairman habang sugatan ang misis nito matapos pagbabarilin ng hindi kilalang riding in tandem gunman habang sakay ng multicab sa Sitio Laray, Brgy. Naghalin, sa bayan ng Kananga, sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng tanghali. Kinilala ng Kananga Police ang napatay na si Raul Cosinillo, 56-anyos, chairman ng Brgy. Mataloto, sa bayan ng Leyte sa Leyte province. Sugatan naman at nilalapatan ng lunas sa ospital ang misis nito na si Mercedes Cosinillo, 56-anyos. Batay sa imbestigasyon ng Kananga PNP, minamaneho ng kapitan ng multicab at sakay ang kanyang misis nang tambangan…

Read More

Mga estudyante inararo sa gilid ng kalsada 1 PATAY, 12 SUGATAN SA PICK-UP

EASTERN SAMAR – Patay ang isang estudyante habang 12 pa ang sugatan matapos na araruhin ng isang pick-up habang nasa gilid ng highway sa Barangay Naparaan, sa bayan ng Salcedo sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng umaga. Ayon sa report ng Salcedo Police, ang mga biktima ay pawang mga babaeng junior high school student ng Salcedo Vocational High School. Nabatid sa imbestigasyon, dakong alas-11:55 ng umaga, nag-aabang ang mga biktima ng sasakyan pauwi, habang ang iba ay bibili ng pagkain, nang biglang salpukin ng Isuzu DMAX na minamaneho ni Manuel Wanijan,…

Read More

PARTNERSHIP NG PH-VIETNAM PALALAKASIN

KAPWA sinang-ayunan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vietnamese Prime Minister Pham Minh Chinh na palawakin ang kanilang kooperasyon pagdating sa usapin ng agrikultura. Sa idinaos na bilateral meeting sa Indonesia, kapwa rin nangako ang dalawang bansa na palakasin ang kanilang partnership pagdating sa usapin ng kalakalan at pamumuhunan, turismo at maging sa tanggulan at seguridad. Binigyang diin naman ni Pangulong Marcos ang yumayabong na kalakalan sa pagitan ng dalawang bansa partikular na sa agricultural products. Sinabi ng Pangulo, napakahalaga nito sa food supply ng bansa. “I think that the…

Read More

19TH CONGRESS NAKAPOKUS SA PAG-ANGAT SA KAHIRAPAN

BASE sa mga batas na binabalangkas ngayon sa lower house, kapansin-pansin na nakasentro ang mga panukala nilang batas para sa mahihirap. Nasa 3rd reading na ang pagbasura ng ‘no permit, no exam policy’ ng mga paaralan. Ayon kay Speaker Martin Romualdez, nakapokus ngayon ang 19th Congress na maibsan ang kahirapan ng mga tao. “Galing tayo sa pandemic, siyempre, we in Congress are looking for ways na mabawasan ang paghihirap ng mga tao na dulot ng Covid,” ayon kay Speaker Romualdez. “Ang hindi pagbigay ng exam sa bata dahil sa delay…

Read More

LEARNING RECOVERY TRUST FUND APRUB SA QUEZON CITY

NI JOEL AMONGO SA layuning tiyakin ang kinabukasan ng mga kabataan, isang natatanging ‘trust fund’ ang nakatakdang itaguyod ng Quezon City government, sa bisa ng ordinansang pinagtibay ng Sangguniang Panlungsod bilang suporta sa learning recovery programs sa mga pampublikong paaralan. Sa kalatas ng Public Affairs and Information Services Department (PAISD), inaasahan ang agarang implementasyon ng Learning Recovery Trust Fund matapos lagdaan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang SP 3182 na inakda nina Konsehal Dorothy Delarmente, Aly Medalla, at Shay Liban, “A crisis of this magnitude requires all stakeholders to…

Read More

CONSIGNEE NG OPIUM TIKLO SA NAIA

INARESTO ng Inter-Agency Drug Interdiction Task Force Group (IADITF) ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang Indian national habang kini-claim nito ang limang kilong dried opium poppy buds, sa loob ng Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Pasay city. Kinilala ang suspek na si Amamdeep Singh, residente ng Brgy. Burol, Dasmarinas, Cavite. Ayon sa impormasyon, ang mga opium ay ipinadala kay Amamdeep Singh ng nagngangalang Sammee Singh, residente ng Navarro De Hato 2430700 ng Murcia, Spain. Nadiskubre ang mga droga sa tinatawag na interdiction operation ng mga tauhan ng…

Read More

Pinoys love their Nanays: GrabAds insights show how busy Filipinos get around Mother’s Day

The GrabAds SEA Mother’s Day Insights Report 2023 showcases how the leading superapp helps its users create special moments with their moms during the beloved holiday   MANILA, PHILIPPINES, 11 May 2023 – Having close family ties is one of the hallmarks of Filipino culture. Hence, it comes as no surprise that holidays celebrating the family unit are much beloved in the Philippines. Among the most anticipated is Mother’s Day – and insights from GrabAds, the advertising arm of the leading superapp, show that Pinoys do get busy creating special…

Read More