SINO SA MGA OPISYAL NG ORIENTAL MINDORO PASOK SA JUETENG PAYOLA?

PATULOY na inirereklamo ng concerned citizens sa pahayagang SAKSI Ngyon ang anila’y pananahimik ng ilan nilang pinagkakatiwalaang opisyal sa Oriental Mindoro sa pamamayagpag ng operasyon ng BINGO NG BAYAN cum jueteng na may dalawang resulta sa isang araw- alas-12:00 ng tanghali at alas-8:00 ng gabi. Hiling ng mamamayang Mindoreño kina Governor Humerlito “Bonz” Dolor, Oriental Mindoro Provincial Director PCol Samuel Delorino at Police Regional Office MIMAROPA Regional Director PBGen Joel Doria ang pagtutok sa nasabing suliranin sa lalawigan. Ayon sa mapagkakatiwalaang source, isang maimpluwensyang politiko na may inisyal na “LM’…

Read More

P100K SHABU NASAMSAM, DRUG DEN NALANSAG

CAVITE – Tinatayang mahigit sa P100,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska at nalansag isang drug den makaraang madakip ang apat na hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa isinagawang buy-bust operation sa Imus City noong Martes ng gabi. Kinilala ang mga arestado na sina Michael Baltazar y Graes 43; Mark Anthony Fuenzalida y Cortiz, 35; Paul Villaflor y Obid, 52, at Pilwardo Patiño y Ching, 43-anyos. Ayon sa ulat, dakong alas-10:00 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) – Cavite Police Provincial Office (PPO)…

Read More

43 ARESTADO SA SABUNGAN SA LAGUNA

LAGUNA – Nadakma ng mga awtoridad ang 43 katao at nakumpiska ang mga kagamitan sa pagsusugal, sa pagsalakay sa isang sabungan  sa bayan ng Pakil sa lalawigang ito, noong Martes, Mayo 9, 2023. Ang pagsalakay ay isinagawa ng mga tauhan ng Provincial Special Operations Unit (PSOU), Laguna Provincial Police Office (LPPO), at Pakil Municipal Police Station (MPS) sa Barangay Kabulusan. Ayon sa pulisya na nakatanggap sila ng tip-off na may nag-o-operate ng sabungan sa lugar nang walang permit. Agad nagkasa ng operasyon ang pulisya sa sabungan na nagresulta sa pagkakadakip sa…

Read More

DYOWA PINATAY, ISINILID SA DRUM NG KANO

CAVITE – Selos ang hinihinalang dahilan kaya pinatay at isinilid sa drum ng isang retiradong Amerikano ang kanyang kinakasama sa Bacoor City. Kinilala ang biktimang si Mila Loslos y Narciso, 48, habang naaresto naman ang suspek at live-in partner nito na si William Tomas Worth, dating artist designer at retiradong US Citizen, kapwa residente ng Brgy. Habay 1, Bacoor City, Cavite Ayon  kay Police Lt. Col. Ruther Saquilayan, hepe ng Bacoor City Police Station, selos ang nakikita nilang dahilan sa pagpatay ng retiradong Kano sa biktima. Nabatid sa ulat ni Police Corporal Marco Romero Cupo…

Read More

NGCP KINASTIGO SA PAGPAPABAYA

WALANG puwang ang kabi-kabilang brownout kung sinunod ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang panuntunan sa ilalim ng Electric Power Industry Reform Act (EPIRA), ayon sa isang bagitong kongresista. Sa isang pahayag, hindi naitago ni Anakalusugan party-list Rep. Ray Reyes ang pagkabugnot sa aniya’y malinaw na kapabayaan ng NGCP. Para kay Reyes, nakakaubos ng pasensya ang NGCP na inilarawan niyang punong-dahilan sa kakulangan ng supply sa kuryente sa mga lalawigang sakop ng Luzon at Visayas region. Hayagang paratang ni Reyes, hindi ginagawa ng NGCP ang itinadhana sa EPIRA…

Read More

PAMANGKIN NI MISIS, SEX SLAVE NI MISTER

HINDI nag-aksaya ng panahon ang Alvarez Police Community Precinct ng MPD Station 3, at agad inaresto ang isang lalaki na umano’y ginawang sex slave ang 17-anyos na dalagitang pamangkin ng kanyang misis sa Sta. Cruz, Manila. Isinelda ang suspek na isang 26-anyos delivery man makaraang madakip ng mga awtoridad sa pangunguna ni Police Major Arnold Echalar, hepe ng Alvarez PCP, sa kanilang bahay sa Sta. Cruz, Manila. Salaysay ni biktimang si “Amor”, huling naganap ang panghahalay ng suspek sa kanya noong Mayo 7, 2023. Una umanong dumaing ang dalagita sa…

Read More

5 ILLEGAL ALIENS TIMBOG SA BI

BUMAGSAK sa kamay ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang limang illegal aliens sa magkakahiwalay na operasyon na ikinasa ng mga tauhan ng BI Intelligence Division sa iba’t ibang lugar sa bansa. Ayon sa report ng BI Intelligence Division na nakarating sa opisina ng Immigration sa Intramuros, Manila, ang limang dayuhan ay kinabibilangan ng dalawang Indian national, isang American citizens, Pakistani, at Vietnamese national. Batay sa impormasyon, ang American national na si Victor Florendo Carpiso ay nahuli noong Abril 28 sa kanyang pinagtataguang bahay sa Baguio City. Kasunod nito,…

Read More

HARASSMENT KAY GOVERNOR AT LEGAZPI MAYOR ROSAL, INALMAHAN

INALMAHAN ng mag asawang sina Albay Governor Noel Rosal at Legazpi City Mayor Geraldine Rosal ang patuloy umanong pangigipit sa kanila ng kalaban nito sa pulitika at itinanggi ang alegasyon ng Commission on Elections na nagkaroon ng vote buying kaya ito nanalo sa nakaraang halalan. Iginiit ng dalawa na matapos matalo sa recount ang kanilang kalaban sa pulitika  na si former Congressman Alfredo  “Pido” Garbin ay ginamit nito ang kanyang impluwesya at  nagdesisyon ang Comelec na ito ang ideklarang nanalo sa eleksyon. Ayon kay Mayor Rosal, wala umanong ebidensya na…

Read More

Fraudsters na sangkot sa “love scam” huli sa pagtutulungan ng GCASH-QCD-ACT

SA patuloy na pagpapaigting sa kanilang crackdown sa cybercrimes at iba pang fraudulent activities, matagumpay ulit na tinulungan ng GCash, ang nangungunang mobile wallet sa bansa, ang Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) Cyber Response Unit sa pag-aresto sa isang Filipina at isang Nigerian national na sangkot sa tinatawag na “love scam” dahil sa panloloko ng mahigit PHP2 million mula sa kanilang biktima. Ayon sa complainant, nakipagkaibigan siya at nagkaroon ng online romance sa isang nagngangalang “Demir Balik” sa isang dating app na nagpanggap na isang Turkish national. Sinabi ng…

Read More