NAIS ng isang bagitong mambabatas na ideklara ang Quezon City bilang Film and Television Arts Capital of the Philippines o bilang ‘Hollywood of the Philippines’. Sa kanyang House Bill (HB) No. 475, sinabi ni Quezon City Rep. Arjo Atayde na panahon na para kilalanin ang Lungsod Quezon bilang Kapitolyo ng film, television and arts hub ng bansa dahil dito aniya nakasentro ang nasabing mga industriya. “Nagsisilbing creative hub ang QC lalo na sa film at tv, kaya napapanahon na kilalanin at gawing opisyal. Recognizing the city as the country’s Film and Television Arts…
Read MoreAuthor: admin 2
SEXUAL ABUSE SA MGA MAG-AARAL PINAAAKSYUNAN
NANANATILING walang komprehensibo at mapagpasyahang aksyon sa parte ng pamahalaan para mapagtuunan ng pansin ang napaulat na isyu ng pang-aabuso, panghaharas at iba pang uri ng marahas na insidente laban sa mga estudyante ng Philippine High School for the Arts (PHSA). Nauna rito, may lumutang umanong isyu ng pang-aabuso, panghaharas at iba pang usapin ng karahasan sa PHSA. Ang nasabing patuloy na pang-aabuso ay lumabas sa artikulo ng VICE World News noong nakaraang Hunyo 28. Ayon sa Child Rights Advocates sa ilalim ng Child Rights Network (CRN), labis ang kanilang pagkabigla…
Read MoreIMPORTER STRIKE 2 SA MICP
WALA pang dalawang linggo ang nakalipas, muling nabulilyaso ng mga alistong tauhan ng Manila International Container Port (MICP) ang panibagong tangka ng isang importer na magpuslit ng mga produktong agrikultura mula sa bansang Tsina. Sa kalatas ng Bureau of Customs (BOC), nasabat ng mga operatiba ng MICP ang P6-milyong halaga ng mga sibuyas na laman ng isang 40-foot container na una nang idineklara ng kumpanyang Silverpop Dry Goods Trading bilang “steamed buns” mula sa bansang Tsina. Buwan ng Hunyo nang mahagip naman ng MICP ang isa pang kargamentong naglalaman ng…
Read MoreBOTCHA, SILAT NA NAMAN!
SILAT sa mapanuring mata ng mga kawani ng Bureau of Customs (BOC) ang hindi bababa sa P30-mil- yong halaga ng mga iladong karne o higit na kilala sa tawag na botcha sa mga pamilihang bayan. Sa kalatas ng kawanihan, hagip ang limang 40-footer container vans na pawang naglalaman ng botcha, makaraang makatanggap ang BOC ng isang timbre mula sa kanilang impormanteng nagbigay babala hinggil sa kargamentong nakapangalan sa kumpanyang Lycan Consumer Goods Trading sa Manila International Container Port. Sa atas ni Customs Deputy Commissioner Romeo Allan Rosales, agad namang naglabas…
Read MoreBOC-CLARK HUMATAW SA COLLECTION TARGET
PATULOY ang pagpapakitang gilas ng Port of Clark makaraang makapagtala ng tumataginting na P228.58-milyong koleksyon para sa buwan ng Hunyo, batay na rin sa pinakahuling datos ng Bureau of Customs Financial Service Office (BOC-FS) Sa naturang datos, lumalabas na lumabis pa ng P11,673,306.51 ang nakalap ng naturang tanggapang tinokahang lumikom ng P216.907 milyon mula sa buwis at taripang kalakip ng pumapasok at lumalabas na kargamento para sa buwan ng Hunyo ng kasalukuyang taon. Higit pa sa doble naman ang naturang halaga kumpara sa naipasok na ganansya ng BOC-Clark para sa…
Read MoreCHINESE SMUGGLERS TIMBOG, P256M YOSI BULILYASO SA CAVITE
APAT na Tsinong pinaniniwalaang bahagi ng isang sindikato sa likod ng malawakang pagpupuslit at pamemeke ng sigarilyo ang arestado sa isang operasyon ng Bureau of Customs (BOC) sa lungsod ng Trece Martires sa lalawigan ng Cavite. Bitbit ang Letter of Authority at Mission Order na pirmado ni Commissioner Rey Leonardo Guerrero, pinasok ng Customs Intelligence and Investigation Services ng Manila International Container Port, kasama ang mga operatiba ng National Bureau of Investigation – Special Action Unit (NBI-SAU), at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang isang bodega sa kahabaan ng…
Read MoreKAPIT-TUKO
IMBESTIGAHAN NATIN Ni JOEL O. AMONGO SA pagtatapos ng termino ng punong ehekutibong nagtalaga sa kanila sa pwesto, higit na angkop na sabay rin silang magpaalam sa kani-kanilang tanggapan sa gobyerno. Pero sa Bureau of Customs (BOC), iba ang uso. Dangan naman kasi, may ilang district collectors na pilit nagkukumapit sa kanilang trono. Bakit kamo? Nanghihinayang siguro sa mawawalang ganansiyang mula sa kanilang diskarteng pilipit sa nasasakupang distrito. Habang ang kanilang puwit ay nakapagkit, patuloy naman ang paggapang ng mga switik. Ang kanilang puntirya – papirmahin si Pangulong Ferdinand Marcos…
Read MoreHindi COVID ikinamatay ng high-profile inmates KASONG MURDER SA 22 NCRPO COPS
TALIWAS sa paniwala ng marami, hindi COVID-19 ang dahilan sa pagpanaw ng mga klasipikadong high-profile inmates na na noo’y nakapiit sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa City. Giit ng National Bureau of Investigation (NBI), pinaslang ang mga kilalang sentensyadong personalidad, kasabay ng pahayag kaugnay ng kasong murder na isinampa sa Department of Justice laban sa 22 pulis na miyembro ng National Capital Region Police Office (NCRPO). Ayon kay NBI Deputy Director Ferdinand Lavin, ang 22 pulis na sinampahan ng kasong pagpatay ay pawang nakatalaga lamang sa Bureau of Corrections noong…
Read More2 CHINESE NATIONAL ARESTADO SA P102M SHABU
TINATAYANG aabot sa 15 kilo ng hinihinalang shabu na hinihinalang nagkakahalaga ng P102 milyon ang nakumpiska ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang buy-bust operation sa Malate, Manila kamakalawa ng gabi, na nagresulta rin sa pagkakaaresto sa dalawang Chinese nationals. Ayon kay PDEA Director General Wilkins Villanueva, ang mga dayuhang suspek ay nakilalang sina Bin Hu, 42, tubong Hunan, China at residente ng Ecoland Phase 1, Matina, Davao City, Davao del Sur at Jiankang Liang, 40, tubong Hunan, China a ng 1329-A Filmore St., cor Gil…
Read More