JV KAY PBBM: WANGWANG IPAGBAWAL

NANAWAGAN si Senador JV Ejercito kay Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na sugpuin ang ilegal na paggamit ng wang-wang at mga blinker sa mga kalsada. Sinabi ni Ejercito na nawala na ang mga wang-wang at blinkers noong panahon ng yumaong Pangulong Benigno Aquino III subalit muli itong namamayagpag ngayon. “Sana ipagbawal ni PBBM mga naka blinkers, wang wang at may mga escorts na naka-wangwang,” pahayag sa twitter ni Ejercito. Napansin pa niya na ginagamit ang wang-wang at blinker para maunahan ang mga motorista sa kabila ng kautusan na dapat limitahan…

Read More

LAYSON NANAWAGAN NG “GREEN REVOLUTION”

NANAWAGAN ng “Green Revolution” ang Magsasakang Reporter na si Mer Layson. Isa sa mga guest at resource speaker si Layson sa ginanap na Bagong Balita Media Forum sa Quezon City kahapon. Bukod kay Layson, guest din sa forum sina Department of Agriculture (DA) Undersecretary Ariel Cayanan at BFAR Director Eduardo Gongona. Ang batikang TV at Radio personality na si Gani Oro ang siyang moderator at host ng Forum na ginanap dakong alas-9 hanggang alas 12:00 ng tanghali sa Max’s Restaurant sa Quezon Avenue, Quezon City. Ibinahagi ni Layson ang kanyang…

Read More

Sa Candelaria Bypass Road, Quezon LGU PINAAAKSYON SA PAMBABATO SA MGA MOTORISTA

INIREREKLAMO ng mga motorista ang nangyayaring pambabato sa dumaraang mga sasakyan sa bahagi ng national highway  sa bayan ng Candelaria, sa lalawigan ng Quezon. Ayon sa reklamo ng mga motorista, perwisyo ang kanilang inaabot sa mga nambabato na nangyayari kapag bumabagtas ng gabi sa Candelaria Bypass Road partikular sa bahagi ng Barangay Mangilag Sur. Nito lamang Hunyo 30, nabiktima ang isang Arnaldo Fermo habang nagmamaneho ng kanyang kotse. Narinig na lamang niya ang malakas na kalabog at sinundan ng pagkabasag ng salamin sa tagiliran ng kanyang kotse. Ayon pa sa mga motorista, walang…

Read More

PEKENG LTFRB EMPLOYEE TIKLO CIDG

BATANGAS – Timbog ang isang pekeng empleyado ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na nangingikil sa mga operator ng mga pampasaherong sasakyan sa Purok 4, Brgy. Lodlod, sa bayan ng Lipa sa lalawigang ito. Tinukoy ni P/Col. Marlon Santos, Regional chief ng CIDG RFU 4A, ang suspek na si Virgilio Franco alyas “Toto”. Base sa ulat ng pulisya, hinuli ng mga operatiba ng  Criminal Investigation and Detection Group (CIDG ) 4-A si Franco sa bisa ng search warrant na ibinaba ni Judge Leo-Jon Ramos ng Regional Trial Court, Branch 85 ng Lipa City, Batangas. Inireklamo si Franco…

Read More

EX-VICE GOV NG BATANGAS ARESTADO SA ARMAS

ARESTADO si Richard “Ricky” Recto, dating vice governor ng Batangas, dahil sa iba’t ibang uri ng armas na hindi lisensyado na nakumpiska ng mga tauhan ng PNP Anti-Cybercrime Group at Eastern Police District (EPD) sa lungsod ng Pasig. Batay sa ulat ni PNP-ACG OIC P/BGen. Bowenn Joey Masauding, si Recto ay nahuli sa implementasyon ng warrant to search, seize, and examine computer data (WSSECD) nang ireklamo ito ng dating nobya dulot ng umano’y paglabag sa Anti-Violence Against Women and their Children Act na may kaugnayan sa Cybercrime Prevention Act. Sa…

Read More

7 SUNDALO SUGATAN SA LANDMINE

NORTHERN SAMAR – Pitong mga tauhan ng Philippine Army ang nasugatan, dalawa sa kanila ang nasa kritikal na kalagayan nang biglang sumambulat ang hinihinalang roadside bomb na itinanim ng mga communist terrorist sa bayan ng Mapanas sa lalawigang ito. Ayon sa ulat na ibinahagi ng Army 8 Infantry Division, isang anti-personnel mine ang pinasabog ng mga NPA habang nagsasagawa ng road clearing operation ang mga sundalo sa Barangay Magsaysay bandang alas-6:15 kahapon ng umaga. Kabilang sa mga sugatan ang isang sergeant, apat na privates first class, isang corporal, at isang private…

Read More

BIHASANG OPISYAL KAILANGAN NI PBBM SA DA

ITINUTURING na matibay na pundasyon at hudyat ng mga prayoridad ng bagong administrasyon sa pagpapalago ng agrikultura ng bansa ang pamumuno ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa Kagawaran ng Agrikultura. Ito’y isa ring hudyat sa pag-unlad ng sektor na pinadapa ng COVID-19 pandemic at talamak na smuggling activities, ngunit ang Pangulo ay nangangailangan ng isang operations man sa Agriculture Department na titiyak sa pagkamit ng administrasyong Marcos sa adhikaing agriculture self- sufficiency at food security, ayon sa National Coalition of Filipino Consumers (NCFC). Sinabi pa ng grupo, maaaring hindi…

Read More

PULIS SIBAK SA PAMAMARIL SA QC

pulis

SINIBAK sa serbisyo ng Quezon City People’s Law Enforcement Board (PLEB) ang isang pulis dahil umano sa pamamaril sa isang lalaki habang umiiral ang election gun ban sa Barangay Greater Lagro, Quezon City. Sa 10-pahinang desisyon, hinatulang guilty ng PLEB si PSMS Chester Garchitorena ng Conduct Unbecoming of a Police Officer at Grave Misconduct, ayon kay Atty. Rafael Calinisan, Executive Officer ng PLEB. Sinabi ni Calinisan na si Garchitorena, na nakatalaga sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Camp Crame, ay tumanggap ng parusa na dismissal sa serbisyo na…

Read More

MARCOS WALA PANG NAPIPISIL NA PNP CHIEF

POSIBLENG ma-extend pa ng ilang linggo si Police Lt. General Vicente Danao Jr., bilang Officer-in-Charge ng Philippine National Police. Ilang araw na ang nakalipas mula nang opisyal na nanungkulan bilang ika-17 Pangulo ng Pilipinas si Presidente Ferdinand Bongbong Romualdez Marcos Jr., ay hindi pa naghahayag ang Malacanang kung sino ang itatalagang chief PNP ng administrasyon nito. Inihayag ni Department of Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos na maaaring abutin pa ng ilang linggo bago maitalaga ang unang hepe ng Pambansang pulisya sa sa ilalim ng administrasyong Marcos Jr. Ayon…

Read More