RAPE SUSPECT NABUSLO SA CIDG

ARESTADO ng mga operatiba ng CIDG Manila DFU (lead unit) kasama ng mga tauhan ng MPD PS-9, sa bisa ng warrant of arrest, ang isang suspek sa kasong rape sa Sampaloc, Manila noong Linggo ng hapon. Kinilala ang suspek na si Herminigildo Delpozo y Samaniego, no. 11 most wanted person, district level. Inaresto ang suspek sa CIDG Flagship Project Oplan Pagtugis at Oplan Salikop, sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Rosalio G. Dela Rosa ng RTC Branch 28 National Capital Judicial Region. Ang arestado ay miyembro…

Read More

Lider ng gun for hire, holdup group MURDER SUSPECT NABINGWIT NG CIDG

ANTIPOLO CITY – Swak sa kulungan ang 38-anyos na wanted sa kasong murder at umano’y lider ng gun for hire at robbery hold-up group, makaraang masakote ng magkasanib na puwersa ng pulisya sa lungsod na ito. Kinilala ang naaresto na si Jed Patrick Real, binata, nakatira sa Brgy. Mambugan sa lungsod. Ayon sa ulat, dakong alas-11:00 ng umaga noong Hulyo 2, inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Rey Rangco Lor, ng Fourth Judicial Region, RTC Branch-138 Antipolo City, ang suspek sa kasong murder at walang…

Read More

Anak nadamay OBRERO PINATAY SA LOOB NG BAHAY

patay

QUEZON – Patay ang isang construction worker habang sugatan ang menor de edad na anak nito matapos na pagbabarilin ng hindi kilalang suspek sa loob ng kanilang bahay sa bayan ng Candelaria sa lalawigang ito, noong Linggo ng gabi. Dead on the spot ang biktimang si Abril De Luna Buenavista, 34-anyos, dahil sa mga tama ng bala sa likod. Base sa report ng Candelaria Police, dakong alas-9:00 ng gabi, nasa loob ng kanyang bahay sa Barangay Pahinga Norte ang biktima kasama ang anak na si Khizalhayn, nang puwersahang pasukin ng suspek na…

Read More

LUCKY 8 STAR QUEST NAG-REMIT SA GOV’T NG P2.6-B, PITMASTER NAG-DONATE NAMAN NG P1-B (PART 1)

ANG Lucky 8 Star Quest Inc. ay hindi lamang isa sa mga pinakamalaking taxpayers sa bansa dahil namahagi rin ito ng tinatayang P1 bilyong halaga ng mga donasyon sa pamamagitan ng iba’t ibang programa. Nakapag-remit ito ng P2.6 bilyon sa pamahalaan sa pamamagitan ng buwis (P985 milyon) at P1.64 bilyon naman sa Philippine Amusement and ­Gaming Corporation (PAGCOR). Nangyari ito sa loob lamang ng isa’t kalahating taong operasyon ng kompanya. Nasa P955 milyon ang nai-donate nito sa various programs, siyempre, kasama na riyan ang COVID-19 response and vaccination; hospital equipment…

Read More

PINK NOON, BLACK NGAYON

TILA nagluluksa si dating Vice President Atty. Leni ­Robredo sa kanyang pagkatalo sa nagdaang halalan matapos ang unang araw ng Hulyo na muling humarap ito sa publiko suot ang itim na damit upang ilunsad ang kanyang Angat Buhay non-government organization. Kasama ang ilang dating private partners at staff nito mula sa Office of the Vice President, binuksan ni Robredo ang kanilang dating Leni-Kiko Headquarters sa QC upang ipagpatuloy umano ang kanilang nasimulan noon na sentro sa pagtulong sa edukasyon, kalusugan, disaster response at community engagement. Kaugnay nito, handa namang suportahan…

Read More

MAS EPEKTIBONG PAMAMAHALA SA ILALIM NG BBM ADMIN TIYAK NA

SA unang araw ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., isang memorandum circular ang ­nilagdaan ni Executive Secretary Atty. Victor D. Rodriguez, na magbibigay sa mga sangay ng pamahalaan ng mas pina­igting na “recommendatory” power para sa mga prayoridad na serbisyong nais nilang ipa­tupad. Ayon kay Executive Secretary Rodriguez, ang paglagda sa Memorandum Circular No. 2 o ang “complete staff work requirements at standards” ay magdudulot ng mas mabilis na assessment at approval ng pangulo sa mga programa ng bawat kawani ng gobyerno. Sa ilalim ng Memorandum Circular, mas…

Read More

BARAKONG BARAKO!

SA kabila ng inihaing diplomatic protest ng nakalipas na liderato ng Department of Foreign Affairs (DFA), tila walang pakialam ang bansang Tsina sa pananatili sa ating teritoryo. Mistulang balewala rin sa mga Tsino ang posisyon ng bagong pangulo na minsan nang nagpahiwatig ng disgusto sa literal na pananakop ng mga Tsino. Ani Pangulong Ferdinand Marcos Jr., bagamat hangad niyang maging kaibigan ang lahat ng estado sa buong mundo, hindi niya papayagan kahit na sino na bumawas maski isang metro kwadrado sa teritoryong laan lamang para sa mga Pilipino. Naghahamon ba…

Read More

PAGTATALAGA KAY GARCIA SA PAGCOR, FAKE NEWS

HINDI pa rin nagtatalaga si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng bagong pinuno ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR). Ang paglilinaw ng Malakanyang ay kasunod ng ulat na di umano’y itinalaga na ni Pangulong Marcos si Atty. George Erwin Garcia para pamunuan ang ahensya. Itinatwa ni Press Secretary Beatrix Rose “Trixie” Cruz-Angeles ang balitang pagtatalaga kay Atty. Garcia. “I would like the public to be informed that there is no truth to the statements being made on social media that a certain George Erwin Garcia has been appointed Pagcor…

Read More

ILANG EXECUTIVE POSTS DINEKLARANG VACANT

BAKANTE  pa rin ang ilang posisyon sa executive department. Base sa Memorandum Circular 1 na nilagdaan ni  Executive Secretary Victor Rodriguez, nakasaad dito ang mga posisyon na kinokonsiderang bakante simula noong tanghali ng Hunyo 30, o nang magsimulang umupo sa kanyang tanggapan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. Ang mga ito ayon sa MC 1 ay “all presidential appointees whose appointments are classified as coterminous; all presidential appointees occupying positions created in excess of the authorized staffing pattern; all non-career executive service officials occupying career executive service positions; and contractual…

Read More