SUMIPA sa 47 ang active COVID-19 cases sa Valenzuela City batay sa pinakahuling ulat ng City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) matapos na 13 ang nagpositibo sa virus at isa lamang ang gumaling. Ayon sa ulat ng CESU, hanggang 11:59 ng gabi ng Hulyo 4, sa nasabing 47 ay 34 ang naka-home quarantine, siyam ang nasa isolation facility at apat ang naka-admit sa ospital. Pumalo na sa 44,241 ang cumulative confirmed COVID cases sa lungsod, at dito ay 43,257 na ang gumaling at 937 ang namatay. Samantala, sa gitna ng…
Read MoreAuthor: admin 2
DENGUE CASES TUMAAS PA – DOH
MAS tumaas pa ang bilang ng mga kaso ng dengue ngayong taon kumpara sa nakalipas na kaparehong panahon noong 2021. Ayon sa datos na inilabas ng Department of Health (DOH), mayroong 51,622 dengue cases na iniulat mula Enero 1 hanggang Hunyo 18, 2022. Sa kabuuan, ang mga kaso sa taong ito ay 58% na mas mataas kumpara sa mga naiulat na kaso sa parehong panahon noong 2021 (32,610). Karamihan sa mga kaso ng dengue ay iniulat mula sa Region III: 6,641 (13%); Region VII: 6,361 (12%), at Region IX: 4,767 (9%). Sa…
Read MoreThe Relentless Rizaly
Twenty years ago, high school student Rizaly Lim and her four siblings would watch in awe every time they pass by the construction of the first SM City in her hometown Sta. Rosa, Laguna. All five children, packed in the tricycle their father rides for a living, were all excitedly looking forward to happy family weekends they would be spending at the huge mall. Today, after graduating Summa Cum Laude through a scholarship from SM Foundation, Rizaly is now a Certified Public Accountant (CPA) working as Accounting Manager for the…
Read MoreBULONG PALIT PWESTO TABLADO KAY CONG. SANDRO
HINDI makikialam at walang planong sumawsaw ang kongresistang presidential son sa usapin ng pagtatalaga ng mga posisyon at chairmanship ng mga komite sa Kongreso. Pag-amin ni Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos, may ilan na aniyang kapwa kongresista ang nagtangkang lumapit at nakiusap sa kanya para maitalaga sa pwesto o makasungkit ng isang komite sa Kamara. “Hindi ako nakikialam sa anumang appointment especially in Congress,” pahayag ng batang Marcos sa ambush interview kahapon matapos dumalo sa orientation seminar para sa mga bagitong mambabatas. Sa datos ng Kamara, tanging ang pwesto ng…
Read MoreDRUG WAR, TULOY — ABALOS
MAGPAPATULOY ang kampanya ng pamahalaan laban sa salot na droga, pagtitiyak ng bagong talagang kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG). Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Abalos na personal pa siyang sasama sa mga drug raids upang ipakita sa mga mamamayan na seryoso sila sa layuning masugpo ang illegal drug trade sa bansa. Nais rin aniya niyang mabigyan ng motibasyon ang mga pulis upang tiyaking ang lahat ng operasyong gagawin ay alinsunod sa itinatakda ng batas. “The drug war will be pursued relentlessly in accordance with…
Read MoreRIDER PATAY SA SALPUKAN NG MOTOR, BUS
HINDI nagawa pang isinugod sa pinakamalapit na pagamutan ang isang 37-anyos na rider makaraang magsalpukan ang minamanehong motorsiklo at isang Carousel bus sa Quezon City, Linggo ng gabi. Kinilala ang biktima sa pangalang Fernando Bullo Baltazar Jr., ng Binondo, Maynila. Agad namang naaresto ang driver ng Carousel bus na si Ramil Valdez De Guzman, 48 anyos at nakatira sa Pines Village Subdivision, Barangay San Isidro, bayan ng Taytay sa lalawigan ng Rizal. Sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD) Traffic Sector 1, bandang 9:30 ng gabi nang maganap ang…
Read More2 WANTED PERSONS NALAMBAT SA QC
INIHAYAG ni Quezon City Police District (QCPD) Director, P/BGen. Remus B. Medina, ang pagkakadakip sa dalawang most wanted persons sa magkahiwalay na lugar sa nasabing siyudad. Kabilang sa naaresto ng mga awtoridad ang no.10 most wanted person ng Payatas Bagong Silangan Police Station (PS-13) sa Quezon City. Batay sa report ng PS-13, sa pamumuno ni PLt. Col. Roldante S. Sarmiento, kinilala ang suspek na si Amy Revaner, 46-anyos. Siya ay inaresto dakong ika-4:10 ng hapon noong Hulyo 2, 2022 sa Upper St., Brgy. Payatas B, Quezon City, sa bisa ng warrant of arrest para sa…
Read MoreOperasyon sa 3 metro cities P.6-M DROGA NASABAT SA 10 DRUG SUSPECTS
ARESTADO ang pitong drug suspects dahil sa pagbebenta ng umano’y shabu sa isinagawang magkahiwalay na buy-bust operations sa Quezon City. Ayon sa pahayag ni Quezon City Police District (QCPD) Director, P/BGen. Remus B. Medina, nagkasa ng operasyon ang PS-14 sa pamumuno ni P/Lt. Col. Jeffrey Bilaro, dakong ika-3:50 ng hapon noong Hulyo 2, 2022, sa kahabaan ng Luzon Ave., Brgy. Pasong Tamo, Quezon City na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek na kinilalang sina Johnson Base, 36; Efren Lopez, 44, at Ferdinand Manois, 24-anyos. Nasamsam mula sa mga suspek ang 20 gramo ng…
Read MoreMURANG BIGAS, PETROLYO HIRIT NG MILITANTENG GRUPO
MAKARAANG ipaalala kay Pangulong Ferdinand ” Bongbong” Romualdez Marcos Jr. ng grupong Socialista, ang pangakong nitong pabababain ng hanggang P20.00 ang kilo ng bigas, at ang tumataas na presyo ng langis at kuryente, ay payapang nilisan ng mga raliyista ang Chino Roces Bridge na dating Mendiola, sa Legarda St., Sta. Mesa Manila, Lunes ng umaga. Ayon sa grupo na pinamunuan ni Ding Villasin, secretary general, isa sa naging pangako ng bagong pangulo ng Republika ng Pilipinas ay mapababa ang presyo ng bigas at ibaba rin ang bayarin sa kuryente at pigilan ang pagsirit…
Read More