APAT na kaso ang kinahaharap ng isang opisyal ng Bureau of Internal Revenue (BIR) makaraang sampahan ng National Bureau of Investigation (NBI). Kinilala ang suspek na si Revenue Officer lV Flora Albao ng BIR Revenue District Office – 9 3A (RDO). Ayon sa ulat na isinumite ni NBI Regional Director Moises Tamayo , kay NBI Director Eric Distor, ang mga kasong inihain kay Albao ay paglabag sa Art. 294 ng Revised Penal Code; Tax Reform Act of 1997; Anti-Graft and Corrupt Practices Act; at Code of Conduct and Ethical Standards for…
Read MoreAuthor: admin 2
BBM DINUDUMOG NG MGA DIGNITARYO
(FERNAN ANGELES) HINDI pa man pormal na nakakaupo bilang ika-17 Pangulo ng Pilipinas, hindi na halos maawat ni incoming President Ferdinand Marcos Jr. ang bugso ng mga panauhing nagpaabot ng suporta sa kanyang administrasyon pagsapit ng Hunyo 30. Kabilang sa mga pinakabagong nagtungo sa BBM Headquarters sa Mandaluyong City kahapon para sa “Courtesy Call” kay Marcos Jr. ang mga ambassador mula sa bansang Singapore, United Kingdom, France at European Union Dakong alas 9:00 ng umaga kahapon nang harapin ni Marcos Jr. si Gerard Ho na tumatayong Singapore Ambassador to the…
Read MoreTAGUMPAY ALAY NI BBM SA MGA MAGULANG
(CHRISTIAN DALE) “THESE are all for you and Daddy.” Ito ang tinuran ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa inang si dating First Lady Imelda R. Marcos kaugnay ng kanyang pagkakahalal bilang susunod na Pangulo ng Pilipinas. Sa vlog na inupload sa YouTube, ibinahagi ni BBM na alay niya sa mga magulang na sina former president Ferdinand Sr. at former FL Imelda ang tagumpay sa nakaraang halalan. “I was surprised because I saw her (Imelda) approaching and when I turned around, she was already on the stage,” ayon kay Marcos…
Read MorePDU30 NAG-EEMPAKE NA
NAGSISIMULA nang magligpit ng gamit si Pangulong Rodrigo Roa Duterte pauwi ng kanyang tahanan sa Davao City. Magtatapos ang termino ni Pangulong Duterte sa Hunyo 30. Ayon kay dating Special Assistant to the President at ngayon ay Senador Christopher “Bong” Go, nagsimula na si Pangulong Duterte na mag-impake ng kanyang mga gamit para ilipat sa kanyang tahanan kung saan niya gugugulin ang kanyang retirement bilang pribadong mamamayan kapiling ang pamilya. (CHRISTIAN DALE) 264
Read MoreTROLLS PINAKAKALOS SA KONGRESO
NAGPAHIWATIG ang Commission on Elections (Comelec) sa dalawang kapulungan ng Kongreso na magpasa ng batas na susugpo sa talamak ngayong ‘troll social media accounts at pages’ na siyang pangunahing nagpapakalat ng maling impormasyon at malisyosong pag-atake sa mga personalidad lalo na sa panahon ng halalan. Inamin ni Comelec Commissioner George Garcia na napakahirap patunayan at papanagutin ang troll accounts kung pagbabatayan lamang ang Cybercrime Prevention Act of 2012, kaya nararapat na may hiwalay na batas na nakatutok lamang dito. “We would like to readily admit that because of the absence…
Read MoreE-SABONG PAGES SA FB PINABUBURA
IGINIIT ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na paglabag sa FB (Facebook) standard ang pag-accommodate sa illegal activities ng E-sabong kaya’t hiniling nilang tanggalin ang pages o accounts ng mga illegal E-sabong operation sa nasabing social media platform. Sinulatan ng DILG ang Meta Platforms, Inc., ang parent organization ng Facebook, hinggil sa nasabing usapin. Kasabay nito, pinasalamatan ni DILG Secretary Eduardo Año ang mabilis na pag-aksyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na inatasan ang lahat ng bank-supervised financial institutions na tanggalin ang e-sabong operators sa listahan…
Read MoreInilutang ni Concepcion SALVANA O HERBOSA KAPALIT NI DUQUE SA DOH
SA layon na maipagpatuloy ang pagsisikap ng pamahalaan kontra COVID-19, ipinanukala ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Jose “Joey” Concepcion III na si Dr. Edsel Salvaña o Dr. Ted Herbosa ang maging susunod na Health Secretary, habang si molecular biologist Fr. Nicanor Austriaco naman ang maging pinuno ng Department of Science and Technology (DOST). Habang inirekomenda naman niya sa bagong administrasyon na bumuo ng formidable economic team, sinabi ni Concepcion na ang susunod na Health secretary ay mayroong mahalagang gampanin upang matiyak na mapananatili ng susunod na administrasyon ang pagsisikap nito…
Read MoreLIDER NG VIETNAMESE 5-6 GANG, 2 PA TIMBOG
SCIENCE CITY OF MUÑOZ, Nueva Ecija – Naaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Vietnamese leader ng notorious lending gang na nag-ooperate sa Batangas at iba pang lugar sa Luzon. Kinilala ang suspek na si Vo Van Tai, 26-anyos, naaresto ng mga operatiba ng BI’s Intelligence Division sa Purok Rosal, Poblacion West sa Science City ng Muñoz, Nueva Ecija, sa bisa ng mission order na inisyu ni BI Commissioner Jaime Morente. Arestado rin ang kanyang mga kasama na kinilalang sina Vo Khac Binh, lalaki, at Vo Thi…
Read More2 BANGKAY ITINAPON SA CONSTRUCTION SITE
CAVITE – Hinihinalang biktima ng salvage ang dalawang bangkay sa garbage bag na natagpuan sa isang construction site sa Imus City noong Linggo ng umaga. Inaalam pa ang pagkakakilanlan sa mga lalaking biktima habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon. Ayon sa ulat ni Corporal Jessie Villanueva ng Imus City Police Station, nakatanggap ng tawag ang mga operatiba ng POP 2 ng Imus CPS hinggil sa dalawang bangkay na natagpuan ng construction workers ng Ayala Corporation dakong alas-9:00 ng umaga. Hinihinala ng pulisya na biktima ng salvage ang dalawa dahil sa uri…
Read More