TROLLS PINAKAKALOS SA KONGRESO

NAGPAHIWATIG ang Commission on Elections (Comelec) sa dalawang kapulungan ng Kongreso na magpasa ng batas na susugpo sa talamak ngayong ‘troll social media accounts at pages’ na siyang pangunahing nagpapakalat ng maling impormasyon at malisyosong pag-atake sa mga personalidad lalo na sa panahon ng halalan.

Inamin ni Comelec Commissioner George Garcia na napakahirap patunayan at papanagutin ang troll accounts kung pagbabatayan lamang ang Cybercrime Prevention Act of 2012, kaya nararapat na may hiwalay na batas na nakatutok lamang dito.

“We would like to readily admit that because of the absence of a law regulating social media in the Philippines that the Comelec is really powerless, at least to monitor what you have said,” pahayag pa ni Garcia.

Bukod sa pagkakalat ng mali-maling impormasyon, ang mga trolls din ang nangunguna para pag-awayin ang mga netizen tuwing eleksyon habang sila rin ang nagsi-share ng videos, at memes na gawa-gawa lamang at walang matibay na basehan. (RENE CRISOSTOMO)

198

Related posts

Leave a Comment