CAVITE – Arestado ang isang 34-anyos na construction worker makaraang makumpiskahan ng 20 metro na pinagputul-putol na kable ng kuryente na isinilid sa kanyang lunch box sa bayan ng Tanza sa lalawigang ito, noong Martes ng hapon. Kinilala ang suspek na si Louie Pabelonia Urgino. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Francis Mark Cortez ng Tanza Police Station, papalabas sa gate ng Garden Villas Subd., Brgy. Punta 1, Tanza ang suspek nang inspeksiyunin ng naka-duty na security guard ang dala nitong bag dakong alas-12:45 ng hapon. Napansin ng guwardiya na tila…
Read MoreAuthor: admin 2
2 LASING NALUNOD SA LAGUNA, QUEZON
DALAWANG lalaking kapwa lasing ang nalunod sa magkahiwalay na insidente sa Cavinti, Laguna, at Lucena City. Sa Laguna, nalunod ang painter na si Nilo Amore, 53, taga Batangas City, matapos na mahulog mula sa sinasakyang kayak habang tumatawid sa lawa sa Brgy. Inao-awan sa bayan ng Cavinti. Galing umano sa inuman ang biktima kasama ang dalawang katrabaho sa construction site, at pauwi na sa kanilang barracks nang mawalan ito ng balanse at mahulog sa tubig dakong alas-9:30 noong Lunes ng gabi. Sinubukan pa itong sagipin ng dalawang kasama at nagrespondeng mga mangingisda…
Read More8 ERYA SA LAGUNA MAY TOXIC COSMETIC PRODUCTS
WALONG bayan at lungsod sa lalawigan ng Laguna ang nabatid na nagbebenta ng cosmetic products na may toxic mercury na lubhang may masamang idudulot sa balat ng tao. Inalerto ng EcoWaste Coalition si Laguna Gov. Ramil Hernandez hinggil sa mga nilabag na batas sa pagbebenta ng cosmetic products na nagtataglay ng mercury na ginagamit na pampaganda ng mamamayan sa probinsya, upang maprotektahan ang mga ito gayundin ang kalikasan. Sa liham na ipinadala ng zero waste advocacy group kay Hernandez, hinihiling nila na ipatigil o ihinto ang pagbebenta ng whitening products na natagpuan sa walong lugar…
Read More‘MARITES’ GAGAMITIN LABAN SA MGA TULAK
MATUNOG ang usap-usapan sa lungsod ng Valenzuela na may mga sektor na nagtutulak na bigyan ng pabuya ang mga tsismosa o mas kilala sa kasalukuyan na mga “Marites” na makapagbibigay ng tamang impormasyon ukol sa mga sangkot sa ilegal na droga. “Kung may pabuya na para sa makapagtuturo ng mga nagtutulak, dapat dagdagan na rin ‘yung mga Marites para mas ganahan…ganahang magbigay ng tamang impormasyon para masupil ang droga,” ani Mang Tiago ng Barangay Marulas. “Kahit parang paghinga na sa kanila ang pagiging tsismosa, pihadong mas gaganahan ang mga ‘super…
Read MoreIbang site sinisiyasat – DILG 7 ILLEGAL E-SABONG WEBSITES ISINARA
UMABOT na sa pitong illegal e-sabong operations ang ipinasara ng Department of the Interior and Local Government matapos na ipasara ang kanilang web sites kasunod ng isinagawang crackdown sa utos ni DILG Secretary Eduardo M. Año. Ayon kay DILG Undersecretary and Spokesperson Jonathan Malaya, kasalukuyang sinisiyasat ng PNP Anti-CyberCrime Group kung sino-sino ang administrators ng mga natukoy na websites para sampahan ng kaukulang kaso. “These criminals thrive on the anonymity of the internet and they are taking advantage of this but the PNP together with our colleagues from the National…
Read MoreLIBRENG SAKAY SA MRT-3 EXTENDED HANGGANG HUNYO 30
PINALAWIG ang “Libreng Sakay” program hanggang Hunyo 30, 2022 sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) para sa mga pasahero nito. Inilunsad noong Marso 28, 2022 ang “Libreng Sakay” o Free Ride program na ang orihinal ay natapos noong Abril 30, 2022, subalit pinalawig ito ng isang buwan hanggang May 30, 2022. Dahil sa positibong tugon mula sa mga mananakay na nakikinabang ng nasabing programa at bilang patuloy na pagseserbisyo sa mas nakararaming pasahero na apektado ng pagtaas ng presyo ng langis at mga bilihin, ang MRT-3 at Department of…
Read MoreP1-M SA PAMILYA NG NAMATAY NA HCWs MATATANGGAP NA
MATATANGGAP na ng pamilya ng Healthcare Workers (HCWs) na namatay sa COVID-19 ang isang milyong pisong benepisyo. Ito ang inaasahan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso matapos i-release ng Department of Budget and Management (DBM) ang P1 billion na pondo para sa benepisyo ng medical frontliners. “We hope that this timely release of benefits for healthcare workers (HCWs) and non-healthcare workers who deserve to receive COVID-19-related benefits will prevent the recurrence of last year’s incident in which many had complained about not getting their allowances and benefits amid the pandemic,” ani Camarines…
Read MoreIt is done! Congress proclaims Marcos 17th President, Sara VP
Congress, sitting as National Board of Canvassers (NBOC), on Wednesday proclaimed Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. and Inday Sara Duterte as the duly-elected president and vice president, respectively, in the recently-concluded national and local elections. The proclamation came two days after Congress convened as NBOC and conducted what Senator Juan Miguel Zubiri described as the historic and fastest canvassing by Congress ever. Zubiri led the Senate contingent for the NBOC while House Majority Leader Martin Romualdez led the contingent for the House of Representatives. Based on the results of the official…
Read MorePagkatalo tanggap na nina Robredo, Moreno ‘LET THE HEALING BEGIN’
WALA nang balakid sa pag-canvass sa presidential at vice presidential votes matapos ipahayag ng kampo ni Vice President Leni Robredo na tanggap na nila ang resulta ng halalan. Agad naman itong ni-recognize ng kampo ni presumptive President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa pamamagitan ni incoming executive secretary Atty. Vic Rodriguez dahil sa pagkilala ng kampo ni Robredo sa integridad ng halalan. Sa kanyang manifestation, inulit ng abogado ni Robredo na si Atty. Romulo Macalintal na una nang umapela ang bise presidente sa kanyang mga tagasuporta na tanggapin ang majority decision…
Read More