PROKLAMASYON NINA BBM AT SARA MAPAPAAGA

MAPAPAAGA ang pagpoproklama kina presumptive President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at presumptive Vice President Sara Duterte. Ito ang pagtaya ni Cavite Rep. Jesus Crispin “Boying” Remulla sa isang panayam kasabay ng pag-convene ng Joint Session ng dalawang kapulungan ng Kongreso na pinangunahan nina Senate President Vicente “Tito” Sotto III at Speaker Lord Allan Velasco. “Let democracy reign in our country! Let the voice of the people be heard,” ani Velasco kung saan agad na sinimulan ang pag-canvass ng mga miyembro ng National Board of Canvassers (NBOC) na itinalaga ng Kamara…

Read More

Pinatunayan ng 99.93% accuracy rate ng manual count BAGONG LIDER PINILI NG MAYORYANG PINOY

PATUNAY ang 99.93 percent vote accuracy rate mula sa lumabas na random manual audit (RMA) na nagdesisyon na ang mga Pilipino at ang kanilang kagustuhan ay dapat respetuhin, ayon sa kampo ni incoming President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos nitong Lunes. Ayon kay incoming Executive Secretary Atty. Vic Rodriguez, ang random manual audit ng boto ay nagpapakita na ang mga digitally transmitted election results ay kahalintulad ng mga botong nakasulat sa mga balota. “We welcome the results of the random manual audit of votes that the Commission on Elections (Comelec) reported. We…

Read More

MINIMUM WAGE SA CAR ITINAAS NA RIN

INAPRUBAHAN ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang pagtataas ng minimum wage sa Cordillera Administrative Region. P50-P60 dagdag-sahod ng mga manggagawa sa rehiyon ang aprubado, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE). Sa inilabas na wage order, ibibigay ng dalawang tranches ang dagdag sahod sa rehiyon. Unang itataas ang sahod ng P30-P40 sa oras na maging epektibo ang kautusan at ang nalalabing P20 sa Enero 1, 2023. Sa oras na maipatupad lahat ito, aakyat ang minimum wage sa rehiyon mula P350 sa Baguio, Tabuk, Benguet sa P400 at…

Read More

PAGHAHASIK NG TERORISMO NG DAWLAH NAPIGILAN

NASAWATA ng militar ang planong paghahasik ng karahasan ng grupo ng Dawlah Islamiyah-Turaife Group na pinamumunuan ni Esmael Abdulmalik alyas “Abu Turaifie”, sa isang komunidad sa Sitio Patawali, Brgy. Ganta, Datu Salibo, Maguindanao nang matiktikan sila ng mga sundalo Ayon kay BGen. Eduardo Gubat, acting commander ng 6ID at JTF Central, natiktikan ng mga tauhan ng pamahalaan ang planong paghahasik ng kaguluhan ng Dawlah Islamiyah-Turaife Group sa mga residente sa nasabing lugar kaya mabilis na nagsagawa ng tactical operation ang mga sundalo na  nauwi sa matinding sagupaan “Our troops from 6th Infantry (Redskin)…

Read More

EDCOM II RATIPIKADO NA SA SENADO

NIRATIPIKAHAN na sa Senado ang bicameral conference committee report sa paglikha ng Second Congressional Commission on Education o EDCOM II. Para kay Senador Win Gatchalian, titiyakin nito ang pagbabalangkas at pagpapatupad ng mga kinakailangang reporma upang tugunan ang krisis na bumabalot sa sektor ng edukasyon. Niresolba ng bicameral conference committee report ang mga pagkakaiba ng House Bill No. 10308 at Senate Bill No. 2485. Ang panukalang batas ay kikilalanin na bilang “Second Congressional Commission on Education (EDCOM II) Act.” Mandato ng EDCOM II ang pagsasagawa ng komprehensibong pagrepaso at pagsuri…

Read More

2 BARANGAY HALL SA MAYNILA GINIBA

TINAWAG na benggador ng mga tagasuporta ni incoming President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang administrasyon nina Manila Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna matapos gibain ang dalawang barangay hall sa lungsod. Kinondena nina Chairman Aileen Rosales ng Brgy 367, Zone 37 at Chairman Joey Uy Jamisola ng Brgy 306, Zone 30 kapwa sa Distrito 3 ang ginawang paggiba ng demolition team ng Manila City Hall sa kanilang mga barangay hall. Hindi umano makatwiran na gamitan ng maso at pala ang mga nakatayong barangay hall dahil ito ang nagsisilbing…

Read More

50 SASAKYAN HINATAK NG MMDA

TINATAYANG 50 sasakyan ang  ini-impound ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa isinagawang clearing operation nitong Martes ng umaga sa Felix Huertas St., Sta. Cruz, Maynila. Kabilang dito ang mga nakaparadang sasakyan, motorsiklo at mga sirang sasakyan na nakaimbak sa kalsada. Ang mga ini-impound na sasakyan ay dadalhin sa MMDA impounding area sa Pasay City at doon na lamang tutubusin ng mga may-ari. Ilang vehicles owner naman ang nagreklamo dahil sila umano ay nagbabayad ng overnight parking sa ilang attendant sa lugar na nagpapaparada ng sasakyan. Sinabi ng MMDA na…

Read More

FLORES DE MAYO RUMAMPA SA ENCHANTED KINGDOM

Mayo ang isa sa mga buwang inaabangan ng marami dahil popular ito sa mga tradisyong Flores De Mayo at Santacruzan. Ang nasabing mga tradisyon ay hindi pinalampas ng kilalang amusement park sa bansa na Enchanted Kingdom (EK) at ipinagdiwang nila ito noong hapon ng Mayo 22, 2022 sa pamamagitan ng Flores De Laguna 2022. Binigyang-halaga ito ng EK dahil mahigit 100 taong nang tradisyon ito sa atin, isang okasyon na relihiyoso at makasaysayan. Kultura itong ipinakilala noon ng mga Kastila sa mga Pilipino noong kalagitnaan ng 1800. Bilang pagkilala pa…

Read More

REMULLA SUSUNOD NA DOJ SECRETARY

SA kabila ng tagumpay sa halalan, hindi na marahil makakaupo pa si Rep. Crispin Remulla bilang kongresista ng ika-7 distrito ng lalawigan ng Cavite, matapos tanggapin ang alok ni incoming President Ferdinand Marcos Jr. na pamunuan ang Department of Justice (DOJ). “I’ve accepted it. It’s an honor… It’s a very rare opportunity given to lawyers like us,” pag-amin ni Remulla sa isang panayam. Aniya, kinailangan niyang isakripisyo ang kanyang pwesto sa Kongreso sa layuning tulungan si Marcos. “Tumakbo ako para maglingkod bilang representante, pero kapag tinawag ka ng Pangulo, paano…

Read More