KAHIT sa homecourt ng Denver, pinatunayan ng Golden State Warriors na kaya nilang manalo sa Nuggets, na muling kinapos at ngayon ay nanganganib mawalis sa first round playoffs. Kumamada sina Stephen Curry at Jordan Poole ng tig-27 points, habang si Klay Thompson ay may six 3-pointers at kabuuang 26 points sa panalo ng Warriors, 118-113, at ngayon ay 3-0 na sa playoff series. “It’s a Poole party!” sigaw ni Thompson habang may post-game television interview si Poole. Sa huling minuto ng laro ay humirit naman ng steal si Draymond Green…
Read MoreAuthor: admin 2
Todong suporta ibibigay sa mga magsasaka PAGBABA NG PRESYO NG FERTILIZER TUTUTUKAN NI BBM
PAGTUGON sa problema sa mataas na presyo ng fertilizer at pababain ang singil sa kuryente sa Oriental Mindoro ang nais solusyunan ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr, dahil ito ang nakikita niyang pinakamaganda at mabilis na paraan upang umunlad ang lalawigan. Sa kanyang talumpati sa ginanap na UniTeam rally sa Calapan City nitong Miyerkules, sinabi ni Marcos na mabigat ang nakaatang na trabaho para sa susunod na administrasyon, upang masiguro na magkakaroon ng magandang buhay ang mga Pilipino matapos na dumanas sa matinding krisis na dulot ng pandemya. Ipinaliwanag…
Read MoreOVERSEAS ABSENTEE VOTERS HINIMOK MAGING MAPAGBANTAY
NANAWAGAN ang mga lider ng recruitment industry sa mga overseas Filipinos na kwalipikadong makakaboto sa isinasagawang overseas absentee voting para sa May 9 presidential elections na maging mapagmatyag, sa gitna ng mga balitang nagkakaroon ng anomalya sa proseso ng halalan sa ibang mga bansa. Kaugnay nito, hinimok ni Lito Soriano ang mga overseas absentee voters, lalo na ang mga overseas Filipino workers (OFWs), na protektahan ang kanilang boto. Si Soriano ay isang recruitment consultant at presidente ng LBS E-Recruitment Solutions at president emeritus ng Philippine Association of Service Exporters, Inc.…
Read MoreTiniyak ni Gov. Hernandez LANDSLIDE WIN SA LAGUNA KINA BBM, SARA
HALOS dalawang linggo na lang bago ang halalan sa Mayo 9, lalo pang tumibay ang tsansa nina presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos at running mate niya na si Inday Sara Duterte na tuluyan nang magwagi ng may napakalaking kalamangan laban sa kanilang mga katunggali. Ito ay matapos dumalo ang libo-libong taga-suporta ng UniTeam mula sa iba’t-ibang munisipalidad sa Laguna ang nagtungo sa Binan Football Field, Binan City nitong Huwebes upang ipakita ang kanilang solidong suporta para sa kanilang tambalan. Sa ginanap na grand rally nitong Huwebes, pormal na…
Read MoreTAX EXEMPTION NG POLL WORKERS TINABLA NG DOF
TINANGGIHAN ng Department of Finance ang panukalang tax exemption sa honoraria at allowances ng mga guro at iba pang indibidwal na magbibigay ng kanilang serbisyo sa panahon ng eleksyon. “We do not support the proposed tax exemption,” ayon kay DOF Policy, Research and Liaison Office director Arvin Quiñones. Ang paliwanag ni Quiñones, ang honoraria at benepisyo na ibinibigay ng Commission on Elections sa poll workers ay bahagi ng kanilang gross income, na aniya’y “subject to income tax.” Sinabi pa niya na hindi ang tax exemption ang pinakamagandang paraan para masiguro…
Read MoreKinukwestyon ng COA MARIKINA MAYOR TAHIMIK SA P600-M COVID FUNDS
BIGO pa rin ang Marikina Local Government na sagutin ang Commission on Audit (COA) sa kinukuwestiyong P600-M COVID-19 procurement transactions ng lungsod na pawang hindi dumaan sa kumpletong documentation. Sa 2020 annual audit report ng COA sa Marikina City Government, sinabi nito na P200.51 M ang inaward nitong kontrata sa iba’t ibang supplier na walang documentation habang wala ring transparency sa P457.66M pa na procurement deals sa ilalim ng emergency purchase ng Bayanihan I at Bayanihan II funds. Sinabi ng COA audit examiners na dahil emergency purchase transactions ang paggamit…
Read More2 TULAK SA CAM SUR TIMBOG SA PNP BICOL
DALAWANG tulak ng ilegal na droga ang natimbog sa isinagawang buy-bust operation ng Libmanan Municipal Police Station, Camarines Sur Police Provincial Office sa Brgy. Zone 2, San Juan, Libmanan, Camarines Sur noong Miyerkoles ng gabi. Ang mga suspek ay kinilalang sina Joel Pobelona y Gopez, 40, ng Valenzuela City, at Marilou Agna y Dela Cruz, 43, ng Brgy. Libod 2, Libmanan, Camarines Sur. Nakumpiska mula sa kanila ang 5 pirasong heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu. Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o…
Read MoreMAG-UTOL LAGLAG SA BUY-BUST
LUCENA CITY – Arestado ang mag-utol sa isinagawang drug buy-bust operation ng mga awtoridad sa isang bahay sa Barangay Cotta sa lungsod na ito, nitong Biyernes ng umaga. Kinilala ni Lucena City Police chief, Lt. Col. Reynaldo Reyes ang arestadong mga suspek na sina Bryan Dublas, 28, at Aljun Dublas, 24, kapwa residente sa nasabing lugar. Ayon sa ulat ng Lucena PNP, pasado alas-6:00 ng umaga nang masakote ang mga suspek. Nakumpiska sa pag-iingat ng mga ito ang 6 sachet ng hinihinalang shabu, drug paraphernalia at P500 bill na ginamit…
Read MoreMGA LARANGANG GERILYA WINASAK NG MILITAR
IDINEKLARA ng militar ang matagumpay na pagbuwag sa mga larangang gerilya sa Zamboanga del Norte kasunod ng isinagawang quarterly meeting sa Cultural and Sports Complex sa Estaka, Dipolog City. Ayon kay Brig. Gen. Leonel Nicolas, commander ng 102nd Infantry Brigade, matagumpay nilang nawasak ang lahat ng guerilla fronts sa Zamboanga del Norte. Sinabi pa ni Brig. Gen. Nicolas, ang huling guerilla front na kumikilos sa lalawigan ay kanilang na-dismantle nito lamang buwang kasalukuyan. “We have no more guerilla fronts or any entity in the province that is affecting our peace and security. The…
Read More