SA kabila ng mas pinaigting na kampanya ng Bureau of Customs (BOC) laban sa agri-smuggling, patuloy pa rin ang paglaganap ng mga puslit na gulay sa merkado – patunay nito ang resulta ng pinakahuling operasyon ng kawanihan kung saan hagip ang bulto-bultong carrots at luyang lantarang ibinebenta sa lungsod ng Maynila. Sa pinagsanib na operasyong inilunsad ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), Enforcement and Security Service (ESS) ng BOC-Manila International Container Port (BOC-MICP), Department of Agriculture, Bureau of Plant Industry, Department of Trade and Industry, Criminal Investigation and Detection…
Read MoreAuthor: admin 2
DINEDMANG CHEDENG ISUSUBASTA ULIT
MATAPOS ang dalawang bigong tangkang pagdidispatsa, nakatakdang isubasta ng Bureau of Customs (BOC) sa ikatlong pagkakataon ang isa sa mahabang talaan ng mga mamahaling sasakyang nasabat ng ahensya. Target ng BOC na makalikom ng hindi bababa sa P4.7 milyon sa public auction kung saan tampok ang isang brand new Mercedes Benz G500 na nasabat ng ahensya taong 2020. Sa hudyat ng Port of Manila, gaganapin ang aktuwal na pagsusumite ng bid price sa Miyerkules (Abril 27) sa tanggapan ng Bureau of Treasury (BTr) sa lungsod ng Maynila. Kabilang naman sa…
Read MoreKASONG KRIMINAL ISINAMPA KONTRA SMUGGLERS – BOC
Ni JOEL O. AMONGO HINDI pa man nangangalahati ang kasalukuyang taon, pumalo na sa 73 kataong pinaniniwalaang sangkot sa pagpupuslit ng iba’t ibang klase ng kargamento ang sinampahan ng kasong kriminal sa tanggapan ng Department of Justice (DOJ) sa unang tatlong buwan ng 2022. Sa kalatas ng Bureau of Customs (BOC), pasok sa 30 asuntong inihain ng Bureau’s Action Team Against Smugglers (BATAS) mula Enero hanggang Marso ang mga importers, exporters at licensed customs brokers na umano’y nagsabwatan sa pagpapalusot ng mga kontrabando sa kabila ng mga pinaiiral na reglamento…
Read MoreSa 50 remarkable awards 2022 ng UMAK CHIEF PHOTOG NG SAKSINGAYON, CLOSE IN PHOTOG NI BBM KINILALA
Isa sa mga kinilala ang close in photog ni Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard bearer Ferdinando “Bongbong” Marcos, Jr., at chief photog ng SAKSINGAYON sa matagumpay na isinagawang “50 Remarkable Alumni Herons Awards 2022” na nagbigay pagkilala at pagpupugay sa mga natatanging alumni ng University of Makati (UMAK) bilang bahagi sa pagdiriwang ng ika-50 taong anibersaryo ng pagkatatag ng unibersidad sa Makati City noong nakaraang Huwebes, Abril 21. Kabilang sa mga tumanggap ng pagkilala at parangal dahil sa kanyang pagiging malikhain at masigasig sa trabaho ang chief photographer ng…
Read MoreBIGTIME SI GORDON!
KARANIWANG bulag ang publiko pagdating sa lifestyle ng mga senador dahil tahimik ang mga ito pagdating sa usapin kung gaano sila kayaman. Gayunpaman, sadyang walang lihim na kayang itago sa mahabang panahon. Sa palitan ng patutsada sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Senador Dick Gordon, sukdulang maungkat pati ang pinakatatago at iniiwasang mabunyag – ang magarbong pamumuhay sa gitna ng paghihirap ng mamamayan. Sipatin natin ang mga impormasyong iniligwak nila laban sa isa’t isa. Unang pinukol ni Gordon ang Pangulo dahil sa pagpasok ng matandang Duterte sa isang negosyo…
Read MoreHUWAG NAMAN SANA
HINDI na ako magtataka na pagkatapos ng eleksyon ay magkakaroon ng lockdown dahil marami pa ring mga kababayan natin ang hindi pa nababakunahan laban sa COVID-19 virus. Humigit-kumulang sa 110 milyon ang populasyon ng Pilipinas at kahit mabakunahan ang 90 milyon na imposible na raw mangyari hanggang sa Hunyo 30, 2022 sa panahong bababa na sa kanyang puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte, ay meron pang 20 milyon ang unvaccinated. Ibaba na lang daw ng 70-80 million ang target ng gobyerno na mabakunahang Pinoy hanggang Hunyo kaya meron pang kulang na…
Read MoreMANDARAYA SA ELEKSYON BINALAAN NI PDU30!
HINDI mangingiming gamitan ng pwersa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sinumang magtatangkang manggulo at mandaya sa darating na 2022 national and local elections. Ito ang binitiwang babala ni Pangulong Duterte kamakailan, maging sa mga terorista o makakaliwang grupo man magpapagamit ang ilang kandidato. Gusto ni PDU30 na bago siya bumaba sa pwesto ay makatikim man lang ng malinis na eleksyon ang sambayanang Pilipino. Kaya kayong mga nasa kampo ng pinklawan na nakipag-alyansa sa terorista/komunista sa CPP-NPA-NDF ay maghinay-hinay kayo sa inyong mga pinaplano dahil may paglalagyan kayo. Alalahanin n’yo kakaunti…
Read MoreANGKOP NA PABAHAY
PARA sa isang bansang mabilis na sumisikip sa patuloy na pagtaas ng populasyon, higit na angkop ang isang pabahay na kayang kumupkop sa mas maraming pamilya gamit ang limitadong espasyo – tulad ng proyektong inumpisahan sa ilalim ng administrasyon ng yumaong Pangulong Ferdinand Marcos. Subalit dahil sa pulitika, pinili ng nakalipas na mga administrasyong tabunan ang makabuluhang programang pabahay sa hangaring ibaon sa limot ang pamilyang minahal ng masang Pilipino. Gayunpaman, sa napipintong pag-upo sa pwesto sa Palasyo ng kaisa-isang anak na lalaki ng yumaong Pangulo, umaasa ang milyon-milyong pamilyang…
Read MoreMAVS 3-0 NA KONTRA JAZZ
PINANOOD lang sa monitor ni Jalen Brunson ang kanyang Dallas teammates sa pagtipon ng 17-point lead sa halftime habang nasa locker room siya sa Salt Lake City. “I saw how hard the team was playing when I was laying back there,” ani Brunson. “It gave me a little mojo to come back out there and do my thing.” Umiskor si Brunson ng 31 points kahit may bruised back at nakatakas ang Mavericks — naglalarong wala si Luka Doncic — kontra Utah Jazz, 126-118, upang kunin ang 2-1 lead sa first-round…
Read More