SA gawing silangan ng Metro Manila matatagpuan ang isang nakabibighaning bayan na higit na kilala sa magagandang tanawin, luntiang pamayanan at tahanan ng pinakamahusay na mga alagad ng sining kabilang sina Maestro Lucio San Pedro at Jose Blanco. Ito marahil ang dahilan kung bakit dinarayo ang baybaying bayan ng Angono sa lalawigan ng Rizal. Maging ako mismo napahanga sa pagpupursigi ng lokal na pamahalaan na panatilihin ang kagandahan, kalinisan at kulturang nakagisnan mula pa sa pagkabata. Ang nakalulungkot, tila masisira lang ang magandang imahe ng nasabing bayan dahil lang sa…
Read MoreAuthor: admin 2
LENI PINAKA-HINDI MAAASAHANG TOP PUBLIC OFFICIAL
KAMAKAILAN ay naglabas ang polling firm na PUBLICUS ASIA ng resulta ng kakaibang survey na isinagawa nila. Naglalayon ang survey na malaman ang damdamin ng taumbayan, hinggil sa tingin nila ay kung paano ginagawa ng limang pinakamatataas na opisyal ng pamahalaan ang kanilang mga trabaho. Ang scientific survey ay isinagawa sa buong bansa mula Marso 30 hanggang Abril 6 ng taong kasalukuyan at nilahukan ng 1,500 na respondents. Kakaiba ito kaysa pre-election surveys na naglalayong malaman kung sino ang iboboto nila bilang pangulo ng bansa sa darating na Mayo 9,…
Read MorePWERSA NG OFW
HINDI matatawaran ang kontribusyon ng tinatawag na mga bagong bayaning Pilipino na sukdulang makipagpatintero sa peligro at kalungkutang dala ng distansya sa kanilang pamilya kapalit ng mas malaking kita. Sila ang overseas Filipino workers na pinagmumulan ng malaking bahagi ng dollar reserves ng ating bansa. Sila rin ang pumupuno sa kakulangan sa manggagawa ng ibang estado. Pero gaano nga ba ang malasakit ng gobyerno sa kanila? Kung babalikan ang kasaysayan, marami na sa kanila ang umuwing luhaan makaraang dumanas ng kalupitan, kahalayan at panggigipit ng mga among napasukan nila. Hindi…
Read MoreParang East finals na! CELTICS LUSOT SA NETS SA GAME 1
NAITAKAS ng buzzer-beating layup ni Jayson Tatum ang dramatic 115-114 win ng Boston Celtics kontra Brooklyn Nets, sa unang laro ng kanilang NBA Eastern Conference playoff series, Lunes (Manila time). Nagtala si Tatum ng 31 points para sa Celtics, pinigil ang fourth-quarter comeback bid ng Nets para kunin ang 1-0 lead sa best-of-seven series. Nagdagdag pa si Tatum ng eight assists at two blocks. May 23 puntos naman si Jaylen Brown at sina Al Horford at Marcus Smart, tig-20 points para sa Boston, inagaw ang 95-86 lead papasok sa fourth…
Read MoreSPECIAL VACCINATION DAYS SA VIS-MIN SIMULA APRIL 21
TARGET ng pamahalaan ng magsagawa ng panibagong round ng special vaccination days sa mga rehiyon ng Visayas at Mindanao region simula Abril 21 para itaas ang immunization laban sa COVID-19. “We are looking at Negros Oriental and Negros Occidental, pinaplano ‘yun sa April 21 at 22. Then, we are looking at Region 12 dahil isa din sila sa mababa [ang vaccination] sa April 25, 26, 27,” ayon kay National Vaccination Operations Center (NVOC) chairperson Dr. Myrna Cabotaje “Meanwhile, special vaccination days in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM)…
Read MorePara sa payapa at maunlad na Pilipinas LIBO-LIBONG ENGINEER SUPORTADO SI BBM
INIHAYAG ng libo-libong miyembro ng Engineers for a Better Philippines Movement (EBPM) ang kanilang solidong suporta sa Partido Federal ng Pilipinas (PFP) at standard-bearer nito na si presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. Sa dalawang pahinang manifesto of support na nilagdaan ni EBMP Pres. Jonathan San Juan at iba pa nitong opisyal at miyembro, pormal nilang idineklara ang suporta sa PFP at kay Marcos sa dahilang “nais nilang magtayo ng isang makatarungan, mapayapa at maunlad na bansa”. “We believed that by this Vision, the Filipino society will attain the prosperity…
Read MoreCebu City Mayor Rama kumpiyansa PINAS UUNLAD SA ILALIM NG BBM ADMIN
KUMPIYANSA sa kanyang tinatawag na “curing administration” ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, nagpahayag ng buong tiwala si Cebu City Mayor Mike Rama na makakamit ng bansa ang kapayapaan, kasaganaan at kaunlaran sa ilalim ng pamamahala nito. Sinabi ni Rama na tanging kagalingan ang nakikita niya kay Bongbong. “We’ve been with BBM for so long a time. I know him and having so much experience from his father to his senatorship, governorship, put it all together the element of experience is very important,” wika niya. “When you talk about capacity,…
Read MorePANANABOTAHE SA HALALAN IIMBESTIGAHAN – PNP CHIEF
HINDI ipagkikibit-balikat ng Philippine National Police (PNP) ang pagsisiwalat ng isang presidential bet hinggil sa umano’y tangkang panggugulo sa nalalapit na halalan sa Mayo. Pagtitiyak ni PNP chief General Dionardo Carlos, bagamat wala pa silang natatanggap na impormasyon hinggil sa umano’y pananabotahe ng ilang kilalang kaalyado ni Vice President Leni Robredo, mas mainam pa rin na masawata na nila bago pa man maging isang problema. Partikular na tinukoy ni Carlos ang iniligwak na impormasyon ni independent presidential candidate Ping Lacson hinggil sa umano’y nagbabadyang gulo sakaling matalo si Robredo. Ani…
Read MoreCOMELEC KINUWESTYON SA SIKRETONG PAGPAPADALA NG MGA BALOTA
KINUWESTYON ni Senadora Imee Marcos ang Commission on Elections (Comelec) sa pagbabawal nito sa mga ‘accredited observer’ sa paglilista ng destinasyon at iba pang detalye ng mga balotang ihahatid sa buong bansa. Sinabi ng chairman ng Senate committee on electoral reforms and people’s participation na nakatanggap sila ng impormasyon na hindi pinayagan ng mga sekyu ng National Printing Office (NPO) na makapasok ang ilang observer sa ahensya. Ito’y kasunod ng komprontasyon sa pagitan ng mga observer at ng isang guwardya ng NPO na nagsabing posibleng ikatanggal niya sa trabaho ang…
Read More