NAGHAHANDA na ang pamahalaan sa pag-roll out ng second anti-COVID booster shot para sa partikular na populasyon sa National Capital Region (NCR) sa darating na Abril 20, 2022. Sinabi ni Health Undersecretary at National Vaccination Operations Center (NVOC) chairperson Dr. Myrna Cabotaje na inaasahan nitong magpapalabas ang Health Technology Assessment Council (HTAC) ng guidelines ngayong linggo para sa second booster shot para sa mga lolo’t lola o senior citizens, immunocompromised, at frontline health workers. “We want to start this on April 20 sana sa NCR muna, but we will have…
Read MoreAuthor: admin 2
F2F graduation kasado na TOP 10 PNPA GRADS KINILALA
SA napipintong pagtatapos ng hindi bababa sa 226 kadete, isang hamon ang inilatag ni Philippine National Police (PNP) chief General Dionardo Carlos, kasabay ng paghahayag ng 10 natatanging miyembro ng PNP Academy Alab-Kalis Class of 2022. Giit ni Carlos na panauhing pandangal sa pagpapakilala ng Top 10 PNPA graduates sa Camp General Mariano Castañeda sa Silang, Cavite – isabuhay ang natutunan sa loob ng akademya sa hudyat ng pagsapi alinman sa tatlong sangay: PNP, Bureau of Fire Protection (BFP) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP). Ani Carlos, hindi…
Read More18 SABUNGERO TIKLO SA EASTER SUNDAY TUPADA
CAVITE – Umabot sa 18 sabungero ang binitbit ng Cavite Police matapos na naaktuhan habang nagsasagawa ng tupada sa mismong “Araw ng Pagkabuhay” at nasamsam ang P15,350 halaga ng pusta sa Dasmariñas City, noong Linggo ng hapon. Sa ulat ng Cavite Police Provincial Police Office (PPO), isinagawa ang illegal gambling operation sa pagitan ng alas-11:40 kamakalawa ng umaga at alas-4:00 kamakalawa ng hapon sa magkahiwalay na lugar sa Dasmariñas City. Dakong alas-11:40 kamakalawa ng umaga nang nagsagawa ng illegal gambling operation sa Excess Lot, Brgy. Zone 1-A, Dasmariñas City kung…
Read More2 TOP RANKING CTG LEADERS, NAPATAY *Nangikil na NPA napatay rin
Dalawang kasapi ng Communist Terrorist Group (CTG) ang napaslang habang dalawang high-powered firearms ang narekober matapos ang matinding sagupaan sa pagitan ng 29th Infantry (MATATAG) Battalion, Philippine Army at CPP armed wing New People’s Army sa Brgy. Jaliobong, Kitcharao, Agusan del Norte noong Linggo ng gabi. Una rito, nakatanggap ng intelligence report at sumbong mula sa mga residente ang Army 29th IB hinggil sa presensiya ng CTGs sa Barangay Jaliobong, na paulit-ulit na umanong nangingikil ng pinansyal at materyal na tulong sa mga residente. Agad naglatag ng combat operations ang…
Read MoreJEEP SUMIRKO SA KURBADA 3 PATAY, 17 SUGATAN
RIZAL – Tatlo ang patay habang 17 ang sugatan nang tumagilid ang isang pampasaherong jeep sa kurbadang bahagi ng kalsada sa bulubunduking bahagi ng Barangay Daraitan, sa bayan ng Tanay sa lalawigang ito, noong Linggo ng umaga. Ayon sa report ng Tanay Police, bandang alas-5:00 ng umaga, tinatahak ng jeep na may 27 pasahero, kabilang ang pitong bata, ang matarik na bahagi ng Makaira-Daraitan road sakop ng Sityo Alas-Asin ngunit pagsapit sa kurbadang bahagi ay nawalan ng kontrol sa manibela ang driver na si Noe Butor. Bunsod nito, bumaligtad ang jeep bago ito…
Read MoreP3-M ng Chinese kinulimbat 2 AKYAT-BAHAY TIMBOG SA FOLLOW-UP
HINDI naging sagabal sa mga awtoridad ang paggunita sa “Lenten season” para ipatupad ang kanilang tungkulin nang magreklamo ang isang Chinese national na may nanloob sa kanyang bahay sa Binondo, Manila noong Abril 13. Agad nagsagawa ng manhunt operation ang mga awtoridad na nagresulta sa pagkakadakip sa dalawang akyat-bahay na tumangay ng mahigit P3 milyong halaga ng pera ng isang Chinese. Sa direktiba ni P/Lt. Col. Magno Gallora Jr., commander ng Manila Police District-Binondo Police Station 11, ayon sa utos ni MPD Director, P/Brigadier General Leo “Paco” Francisco, bandang alas-4:40…
Read MorePenitensya ‘di pa tapos sa Malabon KALBARYO SA TUBIG HANGGANG ABRIL 30
TULOY ang kalbaryo sa tubig sa Malabon City kasunod ng anunsyo ng Maynilad na muling magpapatupad ng daily water service interruption sa buong lungsod simula Abril 16 hanggang 30, 2022. Mula alas-10:00 ng gabi hanggang ika-4:00 ng umaga pa rin ang water interruption na dahil umano sa mababang lebel ng tubig sa mga dam. Patuloy na nagpaalala ang pamahalaang lungsod sa mga residenteng Malabonian na maging masinop sa paggamit at ugaliing mag-ipon ng tubig. Samantala, bilang pagdiriwang ng ika-21 anibersaryo ng pagkakatatag ng Lungsod ng Malabon, inaanyayahan ng city hall…
Read MoreWALANG VOTE BUYING SA SCHOLARSHIP PROGRAM
WALANG vote-buying sa libreng paaral ng mga kabataan lalo pa’t sinimulan ang programa sa kasagsagan ng pandemya. Ito ang giit ni Atty. Manuel Jeffrey David, legal counsel ng leading congressional bet sa Quezon City District 5, kasunod ng alegasyong ipunukol ni outgoing Quezon City Rep. Alfred Vargas laban sa katunggali ng kanyang nakababatang kapatid. Ani David, ang scholarship program na puntirya ni Vargas ay matagal nang nagbibigay ng libreng edukasyon – at hindi kailanman naging kasangkapan sa pulitika ng bagitong congressional bet na si Ate Rose Lin. “Just to comment…
Read MorePangunahing problema ng mga guro INTERNET SABLAY SA MGA PAARALAN
HINDI pasado sa public school teachers sa National Capital Region (NCR) ang internet services sa kanilang mga eskwelahan. Ito ang nabatid mula sa Alliance of Concerned Teachers NCR Union na nagsagawa ng survey sa mga guro para kumustahin ang internet service sa kanilang paaralan matapos obligahin sila ng Department of Education (DepEd) na pumasok na at gawin ang online classes sa kanilang silid-aralan. Sa survey na isinagawa umano ng grupo sa 9,254 guro, 8,106 ang sumagot ng “no” nang tanungin kung kayang serbisyuhan ng internet sa kanilang eskuwelahan ang lahat…
Read More