MAGALING LANG SA SIMULA

ANG pinsalang iniwan ng bagyong Agaton, bukod pa sa nawalang buhay ng mga residente sa mga lalawigang lubhang binayo ng masamang panahon sa gitna ng tag-init, ay isang patunay na hindi pa rin nabibigyang solusyon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mga suliraning matagal nang idinudulog sa nasabing ahensya. Ang totoo, hindi sana umabot sa sukdulan ang pananalasa ng bagyo kung agad na tinugon ng DENR ang problema sa kabundukang nakalbo ng illegal loggers sa naturang mga lugar. Ang siste, dahil kalbo na, walang punong dapat sana’y…

Read More

EASTER MESSAGE NI PDU30: PANANAMPALATAYA SA ISA’T ISA, TUMAYONG NAGKAKAISA

TINAWAGAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang sambayanang Pilipino ngayong Easter Sunday na magkaroon ng pananampalataya sa isa’t isa at maging matatag at nagkakaisa sa journey o paglalakbay bilang tao. Sa kanyang Easter Sunday message, sinabi ng Pangulong Duterte na ang mamamayang Pilipino ay nananatiling “strong and resilient” sa mga hamon na kinahaharap ng mga ito sa nakalipas na taon dahil “we hold firm to the promise of salvation as professed by Jesus Christ.” “The fulfillment of the Resurrection of the Lord therefore gives us hope and courage to never…

Read More

MMDA dumepensa BAGONG NUMBER CODING ANTI-POOR?

PINALAGAN ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Romando Artes na “anti-poor” ang iminumungkahing bagong number coding. Aniya, hindi naman kasali sa ipinapanukalang number coding ang mga public utility vehicle na ginagamit sa transportasyon ng mga walang sasakyan. Sa panukala ng MMDA, nais nilang bigyan ng parehong numero sa last digit ng plaka ang mga motoristang magpaparehistro ng ibang sasakyan. Naniniwala si Artes na sa ganitong paraan ay hindi na maiengganyo ang mga Pilipino na bumili ng bagong sasakyan para lamang makaiwas sa number coding gamit ang ibang sasakyan na…

Read More

NCR ALERT LEVEL 1 HANGGANG APRIL 30

MANANATILI ang National Capital Region sa ilalim ng Alert Level 1 epektibo Abril 16 hanggang Abril 30, 2022. Sinabi ni Presidential Communications Secretary at Acting Presidential Spokesperson Sec. Martin M. Andanar na ito ang naging desisyon ng Inter-Agency Task Force, noong Martes (Abril 12). Bukod sa NCR, inilagay rin sa ilalim ng Alert Level 1 sa kaparehong panahon at petsa ang: (Luzon) Cordillera Administrative Region: Abra, Apayao, Baguio City, Mountain Province, at Kalinga; Region I: Dagupan City, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, at Pangasinan; Region II: Batanes, Cagayan, City…

Read More

BIGYAN NG PSG TEAM SI BBM – DEFENSOR

HINILING ni Quezon City mayoralty candidate Mike Defensor sa Malacañang na bigyan ng Presidential Security Group (PSG) team ang nangungunang presidential candidate na si dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., tatlong linggo bago ang halalan. “Of all the major presidential candidates, only Bongbong does not have any personal protection extended by the government because he is not a current officeholder,” pahayag ni Defensor. Si Defensor, ang anointed candidate ni Marcos para sa mayoralty race at pinapaborang kandidato sa Lungsod Quezon, ay nababahala sa seguridad ng nangungunang presidential candidate. “The problem with…

Read More

Inaasahan na pagkatalo sa eleksyon LENI KINONDENA SA BANTANG GULO

KINUYOG ng tatlong presidential candidates si Leni Robredo kaugnay ng banta umanong magkakagulo ang Pilipinas kapag hindi siya nanalo sa darating na May 9 elections. Sa press conference sa Manila Peninsula Hotel sa Makati City nitong Linggo, sinabi ni Aksyon Demokratiko standard bearer Isko Moreno na hindi maganda ang ganitong uri ng pahayag dahil magdudulot ito ng takot sa mamamayang Pilipino. “Iyon ang nakakatakot. It shows the character. Bakit kapag natalo ka sa eleksyon ay iisipin mo magkagulo? Kasi nga wala kang respeto sa kapwa mo. Iyon ang sinasabi namin…

Read More

Sa gitna ng panggagapang ng ibang kandidato SUPORTA NG KBL KAY BBM SOLIDO

bbm

TINIYAK ng pamunuan ng Kilusang Bagong Lipunan (KBL) na solido at hindi magbabago ang kanilang suporta kay presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., kasabay ng pagbibigay-linaw na walang katotohanang inabandona na ito ng iba nilang miyembro, partikular na ang mga nasa Baguio chapter. Sa pulong pambalitaan na ginanap sa lungsod nitong nakalipas na Sabado, binasa ni KBL vice president for Luzon Chris Garrido ang opisyal na pahayag ng kanilang partido. Pinabulaanan nito ang mga naglabasang ulat na ilan sa kanilang Baguio chapter members ay inabandona na ang kandidatura ni Marcos.…

Read More

Reklamo laban sa Suarez dynasty sa Quezon TUPAD NG DOLE ‘WAG PULITIKAHIN

MINSAN pa umanong napatunayan na ang programang Tulong Pangkabuhayan sa Ating Displaced Workers (TUPAD) ay ginagamit ng ilang malalaking politiko sa kanilang pamumulitika tulad sa lalawigan ng Quezon. Ang pamilya ni Governor Danilo Suarez, lider ng makapangyarihang “Suarez Dynasty” sa nasabing lalawigan ay malaon nang inaakusahan ng pagsasamantala sa programa ng Department of Labor and Employment (DOLE). Si Suarez, ang kanyang maybahay na si Quezon 3rd District Rep. Aleta Suarez, anak na si Quezon 2nd District Rep. David “Jayjay” Suarez, manugang na si ALONA Party-list Rep. Ana Marie Villaraza- Suarez…

Read More

P6.8-M SHABU NASABAT NG PNP-PRO5, SUSPEK NAPATAY

“IT is the irrationality of drug users that poses danger to society. It’s not enough to have a goal, you have to apply it,” pahayag ni PNP-PRO5 Regional Director, P/BGen. Jonnel C. Estomo kaya desperado siyang maresolba ang drug problem sa Bicol Region. Inihayag ito kahapon ni Bicol PNP chief, P/BGen. Estomo, kasunod ng report na isang bigtime drug pusher ang napatay sa ikinasang anti-narcotics operation ng kanyang mga tauhan sa Brgy. Mancruz, Daet, Camarines Norte. Kinilala ang napatay na drug personality na si Merlito Senaon Bayta Jr., 37-anyos, binata, ng…

Read More