Sotto tumaas— RPMD survey DUTERTE NANGUNA SA VP RACE

SA pinakahuling nationwide survey ng RP-Mission and Development Foundation Inc., lumitaw na si Mayor Sara Duterte-Carpio pa rin ang nananatiling nangunguna sa pagka-bise presidente, samantalang ang pumapangalawa na si Senate President Tito Sotto ay umangat naman ng anim na porsyento kung ang halalan ay gaganapin sa pagitan ng Marso 15 at 22.

Sa nakaraang survey na isinagawa ng parehong kumpanya mula Pebrero 22 hanggang Pebrero 28, lumitaw na bumaba ang “voters preference” ni Duterte-Carpio ng apat na puntos, mula 58 porsyento hanggang 54 porsiyento, ayon sa isang survey na inilabas noong Miyerkoles ng RPMD.

Samantalang, tumaas ang numero ni Sotto mula 29% noong Pebrero hanggang 35% noong Marso.

Ibinunyag din sa survey na napanatili ni Duterte ang namumuno sa kanyang sariling probinsiya sa Mindanao, kung saan 75 porsyento ng mga nakibahagi ang pumipili sa kanya. Nanalo rin siya, ngunit ang kanyang suporta ay bumaba nang malaki sa Metro Manila (52%) at Visayas region (45%). Sa kabilang banda, nakamit ni Sotto ang “significant increase” sa Metro Manila (37%) at Visayas (39%).

Sa kabaligtaran, nakamit naman ni Sotto ang “significant increase” sa Metro Manila (37%) at Visayas (39%).

Samantala, nakakuha ng pitong porsyento si Senador Francis Pangilinan, dalawang porsyento naman kay Doc Willie Ong, at isang porsyento kay Buhay party-list Rep. Lito Atienza.

Ang “RPMD Boses ng Bayan: Halalan 2022” ay isang non-commissioned poll na isinagawa mula Marso 15-22, 2022, na may 10,000 rehistradong botante bilang mga respondent sa buong bansa gamit ang mga face-to-face na panayam at random sampling na may +/- 1% margin ng error, sabi ni Dr. Paul Martinez ng RPMD.

101

Related posts

Leave a Comment