MAROONS NAKABWELO, BULLDOGS BABALIKWAS

SASAMANTALAHIN ang nakuhang momentum sa panalo ng UP Maroons, habang ­pipiliting makabawi sa talo ng NU Bulldogs, sa paghaharap ng dalawang team ngayong hapon sa pagpapatuloy ng UAAP Season 84 men’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena, Pasay City. Nakatakda ang laban ng Maroons at Bulldogs, na parehong may 1-1 win-loss record, sa alas-4 ng hapon. Sumampa sa win-column nitong Martes ang Fighting Maroons matapos idemolis ang University of Santo Tomas Growling Tigers, 98-82. Pinamunuan ni Ricci ­Ri­v­ero ang UP sa kanyang 19 points, tatlong rebounds, at tig-­dalawang assist…

Read More

SIXERS BUTATA SA BUCKS

BIGO ang Philadelphia 76ers makakuha ng tiebreaker sa standings para sana umakyat ng bahagya sa East, nang maitakbo ng Milwaukee Bucks ang 118-116 win sa mismong teritoryo ng Sixers, Martes ng gabi (Miyerkoles sa Manila). Kumuha ang Bucks ng 37 points sa fourth quarter, shooting 72.2% at 4-for-7 mula sa labas ng 3-point range, habang ang Sixers nag-collapse sa depensa. “We had a couple mistakes defensively and they made us pay for it,” pahayag ni James Harden sa pagkatalo ng ­Sixers. “It seemed like they hit 3 after 3 after…

Read More

BBM-SARA UNITEAM LALONG LUMAKAS SA NP ENDORSEMENT

HALOS limang linggo na lamang bago ang inaabangang May 9 elections, nakikita ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na isang malakas na dagdag-pwersa sa kampanya ng UniTeam ang pormal na pagdeklara ng suporta ng Nacionalista Party (NP). “We are very happy everytime na meron tayong nakukuhang suporta lalong-lalo na sa pinanggalingan naming partido na Nacionalista Party. Mabuti ‘yan at lahat ng kaibigan at kaalyado ay nagsama-sama na,” sabi ni Marcos sa isang panayam. “Nagpapasalamat syempre kami kay Sen. Manny Villar, Sen. Cynthia at maging kay Senator na si Mark…

Read More

Sa maliwanag na mensahe ng pagkakaisa BBM, SARA MILYA-MILYA NA AGWAT – POL ANALYST

TAMANG mensahe at maayos na campaign strategy ang dahilan bakit patuloy na nangunguna si presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at kanyang running mate na si Sara Duterte, ayon sa assessment ng isang political analyst. Sa isang panayam kamakailan, sinabi ni Prof. Dindo Manhit na ang mensahe ng pagkakaisa at pagpapatuloy ng mga nasimulan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isa sa mga dahilan kung bakit nananatiling malaki ang lamang ng BBM-Sara tandem sa kanilang mga katunggali. “Yung diskurso na si Sen. Marcos ang pinaka-qualified na kandidato at ipagpapatuloy nga niya…

Read More

Lalahukan ng 35 bansa MITING DE AVANCE NI BBM SA OFWs SA APRIL 1

MILYON-MILYONG overseas Filipino workers (OFWs) mula sa 35 iba’t ibang bansa sa mundo ang inaasahang sasali sa miting de avance ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., sa darating na April 1. Ayon kay Partido Federal ng Pilipinas (PFP) secretary general Thompson Lantion, kauna-unahang mangyayari sa kasaysayan ng pulitika sa bansa na magkakaroon ng malakihang miting de avance ang isang presidential frontrunner para sa OFWs. Gaganapin ito dakong alas-6:00 ng hapon ng Biyernes (sa Pilipinas) kung saan ay makakasalamuha ni Marcos ang mga kababayang OFW na nagtatrabaho o nakatira na…

Read More

1 KILONG SHABU ITINAGO SA MGA RICE COOKER, NASABAT SA NAIA

NASA isang kilo ng ipinagbabawal na droga ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency at Bureau of Customs sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA. Ang nasabing kargamento ay nadiskubre kahapon ng umaga sa pagtutulungan ng BOC-NAIA at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng NAIA Drug Interdiction Task Group (NAIA-DITG) Nabatid na galing sa Malaysia ang naturang package na naglalaman ng kontrabando na inilagay sa loob ng mga rice cooker. Subalit nang sumailalim ito sa pagsusuri ay nadiskubreng may mga shabu na nakapakete na tumitimbang ng 1,011…

Read More

P100-M KONTRABANDO NAKUMPISKA SA VALENZUELA

UMABOT sa P100 milyong halaga ng ipinuslit na kontrabando ang nasabat sa isang operasyon sa Valenzuela City, iniulat ng Bureau of Customs (BOC) noong Martes. Ayon sa BOC, ang tagumpay na operasyon noong Marso 25 ay pinangunahan ng Customs Intelligence and Investigation Service-Intellectual Property Rights Division (CIIS-IPRD) at BOC-Port of Manila. Taglay ang letter of authority na inisyu ni Commissioner Rey Leonardo Guerrero, sinuri ng pangkat ang bodega sa #8 Rincon Road, Valenzuela City at natuklasan ang mga ukay-ukay at huwad na signature items gaya ng Nike, Crocs, at iba pa. Ininspeksyon…

Read More

Nakawan sa raid kontra tupada PAMPANGA PNP CHIEF SINIBAK SA PWESTO

MATAPOS kastiguhin ng Philippine National Police (PNP) ang 10 tauhan ng Pampanga Provincial Police Office, isinunod namang sibakin sa pwesto ang tumatayong provincial police director ng nasabing lalawigan. Agad namang kinumpirma ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo ang naging pasya ni PNP Region 3 director, Brig. Gen. Matthew Baccay, base sa umiiral na doktrinang “command responsibility” sa bulilyasong mga tauhan ng nasasakupang lalawigan. Noong Marso 19 ng kasalukuyang taon nang salakayin ng mga tauhan ng noo’y Provincial Police director Col. Robin Sarmiento ang isang tupadahan sa Barangay Duat sa bayan…

Read More

MENTAL HEALTH NG GOV’T WORKERS TUTUTUKAN NG CSC, DOH

SANIB-PUWERSA ang Civil Service Commission (CSC) at Department of Health (DOH) sa mental health ng mga empleyado ng gobyerno na naapektuhan sa pandemya ng COVID-19. Ayon sa CSC, pormal na sisimulan ng mga ito, katuwang ang DOH, ang paglulunsad ng Mental Health Program (MHP) sa lahat ng tanggapan ng gobyerno upang matulungan ang government servants na naapektuhan sa pandemya. Magsasagawa umano ng zoom meeting ang dalawang nabanggit na ahensya para sa reorientation ng mga ahensya gobyerno sa CSC Memorandum Circular No. 4, s.2020 kung saan nakapaloob ang mga patuntunan para sa Development…

Read More