BATANGAS COVID CASES, 7 NA LANG

BATANGAS CITY – Patuloy na bumababa ang bilang ng naitatalang mga kaso ng COVID-19 sa lungsod na ito. Ayon sa ulat ng City Health Office, mula ika-29 ng Marso, isang bagong kaso ng COVID ang nadagdag sa katauhan ng 31-anyos na babaeng taga-Barangay Alangilan. Habang gumaling naman sa sakit ang 29-anyos na babaeng taga-Barangay Kumintang Ilaya. Dahil dito, umabot na sa 15,247 ang kabuuang kaso ng COVID sa lungsod kung saan pito ang active cases o nagpapagaling pa, 472 ang pumanaw habang 14,768 ang gumaling na sa sakit. Nauna nang…

Read More

PNP-PRO 5 DIRECTOR GINAWARAN NG 7 MEDALYA NI P/GEN. CARLOS

MISMONG si Philippine National Police chief, P/General Dionardo Carlos ang naggawad ng parangal kay Bicol PNP chief, P/BGen. Jonnel C. Estomo bilang pagkilala sa ipinakitang dedikasyon bilang Regional Director ng Police Regional Office 5. Pitong Medalya ng Kasanayan ang tinanggap ni P/BGen. Estomo na personal na ibinigay ng hepe ng Pambansang Pulisya sa simpleng seremonya sa Multi-Purpose Building, Camp BGen. Simeon A. Ola, Legazpi City. Tatlong Medalya ng Kasanayan ang kanyang natanggap sa pagiging ranked 1 ng PRO5 sa Unit Performance Evaluation Rating (UPER) sa buwan ng Mayo, Agosto, at Setyembre…

Read More

P2-M DROGA NASAMSAM SA ‘REYNA’

CAVITE – Tinatayang mahigit sa P2 milyong halaga ng umano’y shabu ang nasamsam sa tinaguriang ‘reyna’ ng mga tulak ng ilegal na droga at tatlong iba pang mga suspek sa ikinasang buy-bust operation sa General Mariano Alvarez (GMA) sa lalawigang ito, noong Martes ng gabi. Kinilala ang mga arestado na sina Dianne Fides Rongavilla Di, 34; umano’y reyna ng mga tulak; Myka Obias y Tumang, 26; Rechelle Habab y Apion, 27, at Julius Obias y Nunez, 28-anyos. Ayon sa ulat ni Corporal Marnol Cunanan ng GMA Police Station, dakong alas-6:13 ng…

Read More

2 PATAY, 1 KRITIKAL SA SUMALPOK NA MOTOR

CAVITE – Namatay ang driver ng isang motorsiklo at angkas nitong babae habang kritikal ang isa pang angkas nang nawalan ng kontrol sa sasakyan at bumangga sa isang konkretong poste sa Imus City, noong Martes ng umaga. Naisugod pa sa Ospital ng Imus ang mga biktimang sina Vincent Juarez Reyes, 42, may asawa, ng Bacoor City, at Jessica Cinco Catayas, 42, tubong Davao City, subalit idineklarang dead on arrival Ang isa pang angkas na kinilalang si Rhea Cosip, tinatayang 30 hanggang 40-anyos, ay nilalapatan ng lunas sa Our Lady of Pillar Hospital.…

Read More

PRRD SISIMULAN NA PANGANGAMPANYA

SA kabila ng hindi pag-aanunsyo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa napipisil niya bilang kanyang successor, sasama ang Chief Executive sa mga kandidato ng ruling PDP-Laban party sa serye ng campaign sorties, simula ngayong araw, Marso 31. “That will be the first public appearance of PRRD to endorse the candidacy of PDP-Laban,” ayon kay Cabinet Secretary and PDP-Laban secretary general Melvin Matibag. Aniya ang event ay gaganapin sa Lapu-Lapu City sa Cebu, itinuturing na “the most vote-rich province” base sa data ng Commission on Elections (Comelec). “We are planning probably…

Read More

TF KONTRA BIGAY BUBUUIN NG DOJ

KABIBILANGAN ng grupo ng mga prosecutor at ahente mula sa National Bureau of Investigation (NBI) ang Task Force Kontra Bigay na bubuuin ng Department of Justice (DOJ) laban sa “vote buying”. “Considering the importance of the forthcoming elections to the survival and recovery of the nation, I will direct the DOJ contingent to give the highest priority to this campaign in the next 40 days,” ani Justice Secretary Menardo Guevarra. Bukod sa DOJ, kasama rin sa task force ang mga tauhan ng Comelec, Philippine National Police, Armed Forces of the…

Read More

#DROPGORDON NAGTRENDING SA SOCIAL MEDIA

gordon

KUMALAT sa social media ang panawagang tanggalin sa line up ng senatorial slate nina Presidential candidate Leni Robredo at Vice Presidential aspirant Kiko Pangilinan si Sen. Dick Gordon kasunod ng ilang insidente ng pagpapakita nito ng kabastusan sa mga campaign sortie. Sa Robredo-Pangilinan People’s Rally sa Nueva Ecija ay hindi nagustuhan ng mga kakampinks ang inasal ni Gordon nang ipakilala niya ang senatorial slate. Ani Gordon, mayroong mga abogado, incumbent senators subalit nang ipakilala niya si dating Rep. Teddy Baguilat ay ginaya nya ang katutubong sayaw para ilarawan si Baguilat…

Read More

P45M UKAY-UKAY TIMBOG SA PARAÑAQUE

TIMBOG sa ikinasang operasyon ng Bureau of Customs (BOC) ang hindi bababa sa P45 milyong halaga ng mga segunda manong kasuotang higit na kilala sa merkado bilang ukay-ukay nang sabay na salakayin ang ilang bodega sa lungsod ng Parañaque kamakailan. Sa ulat ng mga operatiba, nasa 3,300 bulto ng mga ukay-ukay ang tumambad nang pasukin ang tatlong warehouse facilities sa Barangay Baltao ng naturang lungsod. Kabilang sa mga nasabat sa naturang pagsalakay ang mga pinaglumaang kasuotan tag­lay ang mga kilala at mamahaling tatak tulad ng Crocs, Adidas, Nike at iba…

Read More

PATUTSADA SA CUSTOMS SINALAG NI DOMINGUEZ

Ni JOEL O. AMONGO TALIWAS sa paniwala ng publiko, malayo na sa dating kawanihang kilala lang sa katiwalian ang bagong Bureau of Customs (BOC), ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez kaugnay ng mga patutsada ng mga presidential bets laban sa naturang ahensya. Partikular na tinukoy ni Dominguez ang aniya’y ma­ling paniwala ng mga kandidatong dumalo sa presidential debates kung saan nila inihayag ang planong panagutin ang mga opisyales ng kawanihan sa gitna ng diumano’y sabwatan sa patuloy na pamamayagpag ng mga sindikato sa likod ng smuggling activities sa bansa. Giit…

Read More