KALUNOS-LUNOS ang P200 kada buwan na ayuda ng gobyerno sa bawat pamilyang Filipino sa gitna ng fuel crisis na nagkakaroon na ng domino effect sa lahat ng mga bagay lalo na sa pagkain. Kung hahatiin sa 30 araw ang P200, lumalabas na P6.66 lamang kada araw ang ibinibigay na ayuda sa bawat pamilya at kung 5 ang miyembro sa loob ng isang bahay, tig-P1.33 lang sila. Pano kung 7 ang miyembro ng isang pamilya eh ‘di tig-95 sentimos lang sila. Nagbigay pa kayo? Sana ‘wag na lang magbigay dahil parang iniinsulto naman…
Read MoreAuthor: admin 2
ROBREDO UMAASANG IENDORSO NI DU30?
“LUTANG,” kung tawagin ng netizens si Vice President Leni Robredo dahil sa kanyang ipinakikitang kakaibang mga kilos na lumalabas sa social media. Katulad na lamang ng mga ginagawa nito na hindi nababagay sa kanyang pagkatao, bilang isang babae at pangalawang opisyal (vice president) mula sa pinakamataas na posisyon sa bansa. May mga pahayag din siyang sa tingin ng nakararaming Pinoy ay sablay. Tulad na lamang ng pagkontra niya sa mga programa ni Pangulong Duterte lalo na ang ‘war on drugs’ at pagtugon ng gobyerno sa COVID-19 pandemic. At ang pinakahuling…
Read MoreDEHADO ANG OBRERO SA GIMIK NG PALASYO
SA gitna ng nagbabadyang malawakang dagok bunsod ng pagsabay ng mga pangunahing bilihin sa walang puknat na dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo, plano ngayon ng gobyernong gawin na lamang apat na araw ang pasok ng mga manggagawang Pilipino. Ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA), angkop na pansamantalang ipatupad ang four-day work week at work-from-home set-up sa hanay ng mga manggagawa para mabawasan ang arawang konsumo ng langis na kalakip ng pagpasok sa kani-kanilang opisina, pabrika, o kung saan mang pinaghuhugutan ng ikinabubuhay para sa pamilya. Sa isang banda,…
Read MoreCHOP-CHOP BODY ITINAPON SA ZIGZAG SA RIZAL
RIZAL – Isang pinagputol-putol na katawan ng tao na itinapon sa kanal sa zigzag road sa bayan ng Rodriguez sa lalawigang ito, ang natagpuan ng mga residente noong Huwebes ng umaga. Base sa report ng Rodriguez Police, bandang alas-6:30 ng umaga nang madiskubre ang chop-chop na bangkay na nakalagay sa apat na itim na garbage bag. Itinapon ito sa may bahagi ng zigzag road sa Don Mariano Marcos Ave., Brgy. San Jose, Rodriguez, Rizal. Hindi naman tinukoy ng mga awtoridad kung lalaki o babae ang bangkay habang isinasagawa pa ang imbestigasyon.…
Read MoreLADY DRIVER PATAY SA PAMAMARIL
RIZAL – Patay ang isang babae matapos na tambangan at pagbabarilin habang nagmamaneho ng kanyang kotse sa bayan ng Taytay sa lalawigang ito, noong Huwebes ng umaga. Kinilala ng Taytay Police ang biktimang si Lanie Ayo. Batay sa inisyal na report, dakong alas-11:12 ng umaga, nagmamaneho ang biktima ng kanyang itim na kotseng Honda City at tinatahak ang Ortigas Avenue Extension pauwi sa kanyang bahay. Ngunit pagsapit sa Melendres Creekside sa Brgy. Dolores nang pagbabarilin ito ng isang lalaking nakaabang sa tabi ng highway. Natadtad ng tama ng bala sa…
Read MoreSLAY-TRY SA MAYOR NG INFANTA, LUMILINAW NA
LUCENA CITY – May “persons of interest” na ang pulisya sa patuloy sa isinasagawang imbestigasyon sa nabigong pagpaslang sa punong-bayan ng Infanta, sa lalawigan ng Quezon noong nakaraang buwan. Sinabi ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Dionardo Carlos, may nakalap nang mahalagang ebidensya ang Special Investigation Task Group “America” mula sa closed-circuit television (CCTV) footage na nagpapakita sa posibleng bumaril at ang mga kasamahan nito. Ang pahayag ni Carlos ay naka-post sa Facebook page ng PNP noong Huwebes. Ayon pa kay Carlos, may sinumpaang salaysay na ang apat na…
Read MoreGF naospital sa bugbog AKTOR INARESTO SA CAVITE
TAGAYTAY CITY – Inimbitahan sa presinto ang isang aktor dahil sa reklamo ng umano’y pagkulong at pagbugbog nito sa girlfriend na sexy actress sa isang hotel sa lungsod na ito, noong Huwebes ng hapon. Nilalapatan ng lunas sa isang ospital ang sexy actress na si Ana Jalandoni habang inimbitahan naman sa presinto ang aktor na si Kit Thompson. Nag-ugat ang pag-aresto kay Thompson dahil sa pagkalat sa social media kung saan humihingi ng tulong si Jalandoni kasabay ang kanyang mga litrato na may mga pasa sa katawan. Kinumpirma naman ng Tagaytay…
Read MoreKURYENTE NG MUNISIPYO, KUKUNIN SA SOLAR PANEL
ANGONO, Rizal — Sa gitna ng nagbabadyang pagnipis ng suplay ng kuryente dulot ng tag-init, sinimulan ng lokal na pamahalaan ang unti-unting paggamit ng iba pang pwedeng pagkukunan ng kuryente sa operasyon ng kanilang tanggapan. Sa isang kalatas ng Angono, iginiit ni Mayor Jeri Mae Calderon ang kahalagahan ng renewable energy, kasabay ng unang araw na paggamit ng solar panels na aniya’y magbibigay kuryente sa ilang tanggapan ng kanilang munisipyo. “Nag-decide tayo na mag-invest sa alternative source of energy para sa ating munisipyo, nakakatulong na sa environment makakatipid pa tayo…
Read MoreJOURNO PATAY SA SAKSAK
DUGUAN nang abutan sa ikalawang palapag ng kanyang tahanan sa lalawigan ng Lanao del Norte ang isang komentarista sa radyo noong Huwebes ng umaga. Idineklarang dead on arrival sa pagamutan si Audrey Estrada ng Barangay Poblacion, bayan ng Bacolod, Lanao del Norte, na sinaksak ng hindi pa nakikilalang suspek. Si Estrada ay nagtatrabaho bilang isang komentarista ng 101.3 Grace Covenant FM. Narekober naman sa lugar na pinangyarihan ng krimen ang isang patalim na pinaniniwalaang ginamit sa pananaksak sa biktima. Bagamat aminadong walang saksi sa pamamaslang sa komentarista, puspusan naman ang…
Read More