NAKUMPISKA sa isang obrero ang tinatayang P143,000 halaga ng umano’y shabu sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Valenzuela City. Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek na si Albert Rinosa y Diocariza alyas “Abet”, 40-anyos. Natiklo si Rinosa dakong alas-2:30 ng madaling araw noong Huwebes, Marso 17, sa Rami St., Gen. T. De Leon, Valenzuela City matapos paiskorin ng shabu ang isang undercover cop. Aabot sa 21 gramo ng shabu na may presyong P143,000, ang nakumpiska sa suspek kasama ng buy-bust money at…
Read MoreAuthor: admin 2
Isinarang kalsada sa Malabon DAGDAG KALBARYO SA MGA MOTORISTA
KASABAY ng pagsirit ng presyo ng krudo at gasolina, nadagdagan ang pinapasang krus ng mga motorista sa Malabon City. Ngayong araw ang unang “Biyernes Santo” ng mga motorista sa nasabing lungsod dahil pansamantalang isinara ang Damson Road sa Barangay Muzon at Dampalit dahil sa gagawing pag-upgrade sa mga kalsada at kanal. Ang masaklap at tiyak na magiging dahilan ng pag-usok ng maraming bumbunan, ay maaari umanong tumagal ito ng tatlong buwan, ayon sa pamahalaang lungsod. Kaugnay nito, inabisuhan ng city hall ang lahat ng mga sasakyan na manggagaling sa Dampalit…
Read MoreBASAG-ULO, DROGA SINISILIP NA MOTIBO SA PINATAY SA ISLA PUTING BATO
TATLONG tama ng bala ang tumapos sa buhay ng isang 54-anyos na lalaki makaraang pagbabarilin ng isang hindi kilalang gunman sa Isla Puting Bato sa Tondo, Manila noong Huwebes ng tanghali. Kinilala ni P/Lt. Adonis Aguila, hepe ng Manila Police District- Homicide Section, ang biktimang si Solayman Malges, tubong Sarangani City at naninirahan sa Isla Puting Bato sa Tondo. Batay sa ulat nina Det. John Teody Siguen at Det. Sir Joseph Christian Pineda, bandang alas-11:50 ng tanghali nang mangyari ang pamamaril sa biktima. Salaysay ng 38-anyos na lalaking anak ng…
Read MoreP9-M PEKENG YOSI NAKUMPISKA SA VALENZUELA
TINATAYANG P9 milyong halaga ng pekeng sigarilyo ang kinumpiska sa isang bodega sa Valenzuela City, iniulat ng Bureau of Customs noong Huwebes. Nabatid sa BOC, sa pagsusuri ay natuklasan sa nasabing bodega ang master cases, malalaking kahon na naglalaman ng 50 karton o 10,000 inangkat na pekeng sigarilyo gaya ng Marlboro Reds, Mighty, Modern Cigarettes, Carnival, Red Golden Dragon (RGD) Classic, at iba pa. Ang mga pakete ng sigarilyo ay nagtataglay ng magkakaparehong Bureau of Internal Revenue (BIR) stamps serial numbers. Bukod dito, ilang master cases din ng sigarilyo ang natagpuan sa…
Read MoreStatement on Publicus Asia’s Pahayag Survey Results
Maraming salamat po! The latest results showing a 55% voters’ preference rating received by presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. less than two months before the May 9, 2022 elections is very humbling and inspires us to work even harder. The consistent upward trajectory of Bongbong Marcos is a remarkable proof that an overwhelming number of Filipinos have embraced his message of unity, the call to look into the future, work towards nation building and meet the collective aspirations of our people and once again occupy our rightful place as…
Read MoreAgam-agam sa 31st SEA Games sa Vietnam
MATUTULOY kaya ang pagdaraos ng 31st Southeast Asian Games sa Mayo sa Hanoi, Vietnam? Malalaman ang kasagutan ngayong araw hanggang sa Linggo, sa pulong ng lahat ng chef de mission ng 11 bansang miyembro ng SEA Games Federation, kabilang ang Pilipinas na naging host ng matagumpay na 30th edition noong 2019. Mismong si Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino ang kakatawan sa bansa sa naturang pagpupulong bilang kapalit ni Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Ramon Fernandez, na nangangamba umano sa COVID. “Mon (Fernandez) begged off maybe because of…
Read MorePhilippine Chess League: TULAY NG FUTURE GRAND MASTERS
UMAASA si chess ‘Godfather’ Billy Joe Ereno na magiging tulay ang Philippine Chess League (PCL) sa katuparan ng pangarap ng mga kabataan na maging future world-class chess masters. “Stepping stone ng mga kabataan itong PCL para makaabot sila sa professional league. Dito hinahasa namin sila through online competition. Natutuwa ako at sa Finals ng Season 2 ng PCL parehong team ko ang maglalaban sa championship,” pahayag ni Ereno sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ via Zoom nitong Huwebes. Tinutukoy niya ang kapwa pinamamahalaang Chessmis TV at…
Read MoreOPEN WATER SWIMMING PALALAKASIN
KABILANG ang open water swimming – isa sa aquatic sports na bahagi ng Olympic program – sa bibigyan ng masinsinang atensyon at suporta ng FINIS Philippines upang mapalakas ang grassroots development program tungo sa pagiging world-class ng Pinoy swimmers. Sinabi ni coach Vince Garcia, FINIS Philippines managing director, tiwala ang kanyang grupo na malaki ang tsansa ng mga Pinoy sa open water swimming basta mabigyan lang sila ng sapat na tulong at maayos na programa. “Imagine we have more than 7,000 islands. Nakapalibot ang karagatan, napakaraming talento na puwedeng sanayin…
Read MoreOBIENA TATALON SA VIETNAM
MAIDEDEPENSA na ni world-ranked pole vaulter Ernest John ‘EJ” Obiena ang kanyang SEA Games title. Sa special meeting kahapon, pinatawan ng 90-day suspension ng Philippine Olympic Committee (POC) Executive Board ang Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) at maging ang Philippine Tennis Association (PHILTA). Bunga nito, makakalahok si Obiena sa 31st Southeast Asian Games sa Vietnam sa Mayo, kung saan siya ang defending champion. Sinuspinde ang PHILTA, ayon sa POC, bunga nang ‘non-compliance’ sa atas mula sa International Tennis Federation (ITF) na i-amend ang charter nito at magsagawa ng…
Read More