DALAWANG indibidwal ang inaresto ng mga awtoridad sa mga probinsya ng Camarines Norte at Masbate kaugnay ng implementasyon ng COMELEC gun ban. Ayon sa ulat na isinumite kay PNP-PRO5 Regional Director P/BGen. Jonnel C. Estomo, nadakip sa Purok-6, Barangay Manguisoc, Mercedes, Camarines Norte, ang isang lalaki ng pinagsamang mga operatiba ng Mercedes MPS, Camarines Norte Provincial Intelligence Unit, Camarines Norte 1st Provincial Mobile Force Company, at CNMARPSTA sa bisa ng search warrant dahil sa paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms & Ammunition Regulations Act, na ipinalabas ng RTC Branch 40, Daet,…
Read MoreAuthor: admin 2
VAN SWAK SA ILOG 4 PATAY, 8 SUGATAN
APAT ang patay habang walo ang sugatan makaraang mahulog sa ilog ang isang van sa Butuan City. Ayon sa inisyal na ulat ng Butuan City Police Office, nahulog ang isang passenger van sa pampang ng isang ilog sa nasabing siyudad nitong Martes. Nabatid sa imbestigasyon, tinatahak ng puting passenger van na lulan ang 12 katao, ang kahabaan ng national highway nang biglang nawalan umano ng kontrol sa sasakyan ang driver nito. Bunsod nito, sumalpok ang van sa steel barrier saka nahulog sa pampang ng ilog na ikinamatay ng apat na pasahero…
Read MoreTIKTOKER VS BBM TUKOY NA NG PNP
NAGKASA ng tracker team ang pamunuan ng Philippine National Police matapos na tuluyang matukoy ang may-ari ng Tiktok account na nasa likod ng assassination plot laban kay dating Senador at ngayon ay presidential aspirant Ferdinand Bongbong Marcos o BBM. Ito ang kinumpirma ni PNP chief, Police General Dionardo Carlos sa isang pulong balitaan sa Camp Crame. Pansamantalang hindi muna pinangalanan ni Gen. Carlos ang taong nasa likod nito habang patuloy ang ginagawang case build-up kaugnay sa gagawing pagsasampa ng pormal na reklamo. Sinasabing kasalukuyang nagsasagawa ngayon ng digital trail ang…
Read MoreALERT LEVEL 1 IHIHIRIT NG METRO MAYORS
ITUTULAK ng Metro Manila Council (MMC) na ibaba sa Alert Level 1 ang kalakhang Maynila kapag nanatiling mababa ang kaso ng COVID-19. Imumungkahi ito ng MMC sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) upang lumuwag ang paggalaw ng tao at madagdagan pa ang pagbubukas ng mga negosyo. Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni MMDA Officer in Charge General Manager Atty. Romando Artes na nakatutok sila ngayon sa datos. Kapag nakita aniya nilang naabot na ang threshold para sa pagbaba ng alert level ay kanilang…
Read MorePAGDUKOT SA MGA SABUNGERO, MAY LINAW NA – PNP
NABUHAY ang pag-asa ng mga naulilang kaanak na muli nilang makikita ang mga nawawalang padre pamilya na dinukot sa magkakahiwalay na insidente sa Maynila at mga lalawigan ng Bulacan, Laguna at Rizal. Ayon kay Colonel Wendell Arinas na tumatayong hepe ng Calumpit (Bulacan) Police Station, mayroon na silang natukoy na “person of interest” na posible aniyang makapagbigay ng linaw at impormasyon kaugnay ng pagkawala ng 10 katao, ilang oras matapos dumalo sa palarong e-sabong sa karatig lalawigan ng Batangas nito lamang nakaraang buwan. Sa kabuuan, 34 katao ang naiulat na…
Read More5 DINAMPOT SA TUPADA
REHAS sa halip na panabong ang hinihimas ng limang sabungero nang masakote sa tupada sa Malabon City. Swak sa hoyo ang mga suspek na sina Renato Cruz, 34, ng Malabon City; Ruel Aquino, 36; Cirilo Calvo, 39; Ramze Jorca, 31, at Jonathan Danggod, 43, pawang mga residente ng Quezon City. Ayon sa ulat, may nagnguso sa mga parak na may nagtutupada sa Damata St., Brgy. Tonsuya. Bunsod nito, agad na sinalakay ng mga awtoridad ang nasabing lugar dakong 11:25 ng umaga noong Lunes na nagresulta sa pagkakadakip sa mga sabungero.…
Read MoreEmotional touchstone para kay Moreno TONDOMINIUM 1 SA MAYNILA BINUKSAN
SINIMULAN nang ipamahagi nitong Lunes, Pebrero 7 ang housing units sa mga benepisyaryo ng Manila Tondominium Project sa Vitas, Tondo Manila. Ang Tondominium ay may dalawang 15-palapag na tower, bawat isa ay mayroong 168 two-bedroom units. Bawat unit ay may lawak na 44 metro kuwadrado, dalawang bedroom, isang silid-kainan, kusina, banyo, at sala. Kasalukuyang ginagawa naman ang Tondominium II. Sa pamamahagi ng units ay nakunan sa camera ang naluluhang si Mayor Isko Moreno. Ang Manila Tondominium Project ay itinayo sa Vitas, Tondo, isang mahirap na komunidad sa Maynila kung saan…
Read More100 BATA LUMAHOK SA RESBAKUNA KIDS SA CAVITE
LUMAHOK ang 100 batang Bacooreno na nasa edad 5 hanggang 11-anyos sa isinagawang ResBakuna Kids sa Southern Tagalog Regional Hospital (STRH) nitong Lunes, Pebrero 7. Ayon sa Department of Health 4-A, babakunahan ang mga bata ng brand na Pfizer na binigyan ng Emergency Use Authorization (EUA) ng Food and Drug Administration (FDA). Una nang nagpabakuna ang anak ni 2nd District Representative Strike Revilla na si Chaye, limang taong gulang. Magkakaroon muli ng susunod na Resbakuna Kids sa Miyerkoles, Pebrero 9 sa Sky Ranch, Tagaytay City. (CYRILL QUILO) 277
Read MoreP1-M SHABU NASABAT SA CAVITE
CAVITE – Tinatayang mahigit sa P1 milyong halaga ng umano’y shabu ang nasamsam sa pagkakaaresto sa dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa isinagawang buy-bust operation sa Tanza, Cavite noong Linggo ng gabi. Kinilala ang arestadong mga suspek na sina Randy Rodeo y Batcho, 45, may asawa, ng Hermio Compound, Bucal, Tanza Cavite, at Angelito Clamosa y Bayas, 54, may asawa, ng Daang Amaya, Tanza, Cavite Ayon sa ulat, dakong alas-9:15 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga elemento ng SOU 4A, PNP DEG sa pamumuno ni…
Read More