2 BATA, 7 PA PATAY SA LASING NA DRIVER

IPINASISIYASAT ng Cagayan Police Provincial Office kung kapwa lasing ang dalawang Philippine Army reservist na sakay ng isang passenger van na responsable sa pagkamatay ng siyam na katao noong Linggo sa Brgy. San Lorenzo, Lal-lo, lalawigan ng Cagayan. Ayon sa ulat ng Cagayan PNP, lumilitaw na kapwa Army reservist ang mga sakay ng van. Nabatid sa inisyal na pagsisiyasat, nagmula umano ang van na minamaneho ni Dan Vincent Domingo, reservist ng AFP at residente ng Bulanao, Tabuk City, Kalinga, sa kampo ng 17th Infantry Battalion sa Bangag, Lal-lo at papuntang…

Read More

MAYOR INARESTO SA SABUNGAN

ISANG incumbent mayor sa lalawigan ng Romblon ang dinakip ng mga pulis sa loob ng sabungan dahil sa paglabag sa health and safety protocols na ipinatutupad ng IATF o Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases. Kinilala ang arestado na si incumbent Mayor Jovencio Mayor Jr., ng Ferrol, Romblon. Si Mayor ay inaresto kasama ng 200 iba pa nang salakayin ng pinagsanib na puwersa ng PNP-CIDG-Romblon, Ferrol Municipal Police Station at Romblon Police Provincial Mobile Force Company ang isang sabungan sa Barangay Tubigon. Ang alkalde ay sinasabing natiyempuhan…

Read More

KONTRABANDO NASAMSAM SA BI WARDEN FACILITY

SORPRESANG ininspeksyon ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang Bureau of Immigration Warden Facility (BIWF) sa Taguig City noong nakaraang Biyernes ng umaga na nagresulta sa pagkakasamsam sa iba’t ibang mga kontrabando. Sa ikinasang “Greyhound Operation” ng BIWF management, mga opisyal mula sa BI Intelligence Division, at BI Anti-Terrorist Group sa tulong ng Philippine National Police National Capital Region Police Office (NCRPO) Intelligence Division, PNP Special Weapons and Tactics (SWAT) at PNP NCRPO – Regional Mobile Force Battalion (RMFB), ay nakumpiska ang iba’t ibang mga kontrabando katulad ng…

Read More

KASO VS 11 SUSPEK SA DACERA CASE, IBINASURA NG PISKALYA

TULUYAN nang ibinasura ng Makati City Prosecutor’s Office ang lahat ng asuntong isinampa laban sa mga kasama at iba pang kasapakat sa likod ng pagkamatay ng 23-anyos na flight attendant na si Christine Dacera sa Makati noong Enero ng nakaraang taon. Kabilang sa mga asuntong dinismis ng piskalya ang mga kaso sa droga, obstruction of justice, perjury, at reckless imprudence resulting in homicide complaints, laban sa mga kasamahan ng pumanaw na si Dacera. “The Office of the City Prosecutor of Makati City, in its Resolution dated 31 January 2022, resolved…

Read More

PROTESTA SA MAYORAL POST SA TAGUIG IBINASURA NG COMELEC

TATLONG buwan bago idaos ang May 2022 national at local elections ay dinesisyunan ng 2nd Division ng Commission of Elections (Comelec) ang protesta sa mayoral post sa Taguig City. Sa desisyon ng Comelec, ibinasura nito ang protestang inihain ni Arnel Cerafica laban sa pagkapanalo ni Mayor Lino Cayetano bilang alkalde ng Lungsod Taguig sa nagdaang 2019 local election kaya mananatili ang huli na punong lungsod. Base sa ibinabang Order ng Comelec kamakailan, walang nakitang patunay ng mga iregularidad kagaya ng pamimili ng boto, pag-shade ng poll watchers ng mga balota,…

Read More

V-DAY POSIBLENG MAGING COVID SUPERSPREADER

SUMIPA ang kaso ng COVID-19 sa pagpasok ng 2022 sa buong kapuluan, sa pagsibol ng Omicron variant kasunod ng kaliwa’t kanang parties at pagsasalo-salo dahil sa pagdiriwang ng mga Pilipino sa Pasko at Bagong Taon. Kasunod ng Pasko’t Bagong Taon, ang Valentine’s Day na marahil ang ikatlong pinaka-commercialized na araw sa Pilipinas, na pinangangambahang posibleng maging COVID-19 superspreader event sa Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela (CAMANAVA) area sa dami ng inaasahang magtatagpo at magbibigayan ng regalong mga magsing-irog sa nasabing araw. Bunsod ng pagsasailalim sa Alert Level 2 ng Metro Manila,…

Read More

PNP NAKAPAGTALA NG 6K MOTORCYCLE ACCIDENTS

motor

SA kabila ng pagpapatupad ng mahigpit na regulasyon sa mga lansangan, pumalo pa rin sa 6,000 aksidenteng kinasasangkutan ng mga motorsiklo ang naitala ng Highway Patrol Group (HPG) ng Philippine National Police (PNP) para sa nagdaang taon. Sa datos ng HPG, malaking bahagi ng nasabing bilang ng mga naitalang aksidente ay pawang dulot ng “human error,” kundi man pagiging iresponsable ng riders sa mga lansangan. “Ayon sa ating datos, lumalabas na karamihan talaga ay human error. Ang ibig po nitong sabihin, hindi po pagsunod sa batas trapiko ang dahilan ng…

Read More

DUGTONG BUHAY SA DUGUYANIHAN

boc

HINDI limitado sa mandatong pangongolekta ng taripa at pagpuksa sa sindikato sa likod ng smuggling activities ang kayang ibigay ng Bureau of Customs (BOC), ayon sa Port of Cebu kasunod ng pagsasagawa ng isang programang nagsusulong ng bayanihan sa kalusugan. Kamakailan lamang, isinagawa ng BOC-POC, sa pakikipagtulungan ng Department of Health-Regional Office VII, National Voluntary Blood Services Program (NVBSP), Subnational Blood Center for Visayas (SNBCV), at Cebu Portmen Eagles Club ang programang Duguyanihan sa hangaring makapagbigay ng dugong maaaring gamitin sa pagsagip at pagdurugtong ng buhay. Kabilang sa mga nakiisa…

Read More

KENDI, VAPE JUICE HINALUAN NG MARIJUANA SILAT SA BOC

boc

HINDI nakalusot sa mga mapanuring operatiba ng Bureau of Customs (BOC) ang panibagong tangkang pagpuslit ng droga sa bansa. Sa pinakahuling tala ng ahensya, silat sa Central Mail Exchange sa Pasay City ang mga bagaheng naglalaman ng mga kendi at vape juice na napag-alamang sinangkapan ng marijuana. Arestado rin ang nagpakilalang Elvira Vicente nang tangkaing kunin ang bagahe sa Central Mail Exchange gamit ang isang letter of authorization na nilagdaan ng isang Vincent Castillo na nakatalang claimant ng naturang kontrabandong idineklarang damit at mga panregalo. Sa imbestigasyon ng BOC sa…

Read More