P3K INCREASE NG NURSES IBIGAY NA – DEFENSOR

HINILING ni Anakalusugan at Quezon City mayoralty bet Mike Defensor sa Department of Health (DOH) na ipatupad na ang kautusan ng Palasyo ng Malacañang na dagdag na P3,053 sa basic salary ng government nurses. Ginawa ni Defensor ang nasabing apela matapos makarating sa kanyang kaalaman na maraming nurse sa Quezon City kasama ang mga nagtatrabaho sa Veterans Medical Memorial Center sa North Avenue, ang hindi pa nakatatanggap ng karagdagang sahod. “DOH should compel these hospitals to follow the June 1, 2021 memorandum of Executive Secretary Salvador Medialdea reversing the demotion…

Read More

MGA AKTIBIDAD SA CHINESE NEW YEAR, KANSELADO

KANSELADO ang lahat ng mga aktibidad sa pagdiriwang ng Chinese New Year sa Pebrero 1 sa lungsod ng Maynila dahil sa tumataas na bilang ng mga kaso ng Omicron variant ng COVID-19. Ayon kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, kabilang sa kanselado ang pagdaraos ng tradisyunal na parada, lion at dragon dancing, pagsindi ng firecrackers sa kalsada, street parties, stage shows, street games at iba pang mga aktibidad. Bukod dito, nagbabala ang alkalde na ipatutupad ang liquor ban sa Chinatown area sa Binondo. Nakasaad sa nilagdaang Executive Order ni Moreno…

Read More

TULONG SA LOLO NA NAKULONG SA PANGASINAN, TINIYAK NG ACT CIS

BAGAMAT nakalaya na ang 80-years old na lolo sa Asingan, Pangasinan matapos kasuhan ng pagnanakaw ng 10 kilong mangga sa kapitbahay, tutulungan pa rin ito ng ACT CIS Party-list. Nagpaabot ng P10,000 cash ang grupo kay Lolo Narding Floro para makapag-umpisang muli. Ayon kay ACT CIS Nominee Edvic Yap, “wala palang ikinabubuhay si Lolo Narding at walang pamilya dahil matandang binata pala ito”. Dagdag pa ni Yap, “sabi niya inenegosyo niya ang pera para may pagkakakitaan daw siya”. Pakikiusapan din ng ACT CIS ang nagsampa ng reklamo laban kay Floro…

Read More

Para sa COVID testing P100-M IBINIGAY NG PITMASTER SA LGUs

SA gitna ng patuloy na pagsirit ng hawaan sa COVID-19 sa bansa partikular sa Metro Manila, nag-donate ang Pitmaster Foundation ng P100 million sa local government units (LGUs) para labanan ang virus at pambili ng Covid testing kits. Personal na inabot ni Pitmaster Executive Director Caroline Cruz ang ₱50 million cash at ₱50 million halaga ng Covid testing kits sa Metro Manila Development Authority (MMDA) na sinaksihan din ng Department of Interior and Local Government, at ng Department of Health sa Ynares Sports Arena sa Rizal. Ayon kay Atty. Cruz,…

Read More

Las Pinas LGU pumasa sa 2021 Seal of Good Financial Housekeeping

Inanunsyo nitong Huwebes,Enero 20, ni Las Pinas City Mayor Imelda Aguilar ang pagkakapasa ng lungsod sa 2021 Seal of Good Financial Housekeeping (SGFH) ng Department of Interior and Local Government (DILG). Siinabi ni Mayor Aguilar na kinilala ng DILG ang mga naging hakbang ng Las Piñas LGU sa pagpapanatili ng magagandang gawain nito sa fiscal accountability at transparency sa pamamahala sa lokal. Base sa rekomendasyon ng DILG-Bureau of Local Government Supervision (DILG-BLGS), ang Las Piñas City ay kabilang sa tatlong lungsod na kinilala bilang DILG’s 2021 Good Financial Housekeeping Passers.…

Read More

OPISYAL NA LISTAHAN NG ‘ASPIRING SENATORS’ NG BBM-SARA UNITEAM INILABAS NA

INANUNSYO nitong Huwebes ng BBM-Sara UniTeam ang ‘partial list’ ng kanilang mga kandidato sa pagka-senador para sa darating na halalan sa 2022. Pinangalanan ni Atty. Vic Rodriguez, chief of staff at tagapagsalita ni presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., ang kanilang senatorial candidates na sina Rep. Rodante Marcoleta, bilang unang pick, kasama sina Atty. Larry Gadon, Senator Juan Miguel ‘Migz’ Zubiri, dating Public Works and Highways secretary Mark Villar, dating senador at Rep. Loren Legarda, dating tagapagsalita ng Malakanyang na si Atty. Harry Roque, dating senador Jinggoy Estrada, dating defense…

Read More

BROWNOUT NAKAAMBA SA LUZON SA MAYO

NAGBABALA ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ng manipis na power supply sa Luzon grid sa panahon ng nalalapit na dry season dahil sa inaasahang mataas na demand. Sinabi ng NGCP na inaasahan na ng Department of Energy (DOE) ang “total peak demand” na 12,387 MegaWatts (MW) para sa Luzon sa huling linggo ng Mayo ngayong taon. “This is an increase of  747MW from the actual 2021 peak load of 11,640MW recorded on May 28 last year,” ayon sa kalatas ng NGCP. Samantala, sa Visayas, ang peak demand…

Read More

KASAPI NG CTG, NABITAG NG PNP-PRO5

“OUR stringent efforts to get the custody of on the loose criminals has been paying off,” pahayag ni PNP-PRO5 Regional Director P/BGen. Jonnel C. Estomo matapos na madakip ng kanyang mga tauhan ang isang miyembro ng communist terrorist group CPP-MPA-NDFP, sa lalawigan ng Camarines Norte. Kinilala ng Bicol PNP chief ang nabitag na NPA na si Gerardo Mendoza dela Peña, 38, ng Purok 2, Brgy. Manlucongan, Vinzons, Camarines Norte, isang active member ng Platoon 1, Larangan 1, Kilusang Partido 1, CTG/CNN, at nakatala bilang no.3 municipal level most wanted person ng Camarines…

Read More

Pagtiyak ng Palasyo MAY MANANAGOT SA NBP INCIDENT

SINABI ni acting Presidential spokesperson at Cabinet Sec. Karlo Nograles na may isinasagawa nang “full investigation” sa New Bilibid Prison (NBP) incident. Tiniyak ni Nograles na mananagot ang mapatutunayang may kinalaman sa insidente. Aniya, may mga rekomendasyon base sa imbestigasyon at “those who will be found responsible will be penalized.” Sa ulat, tatlong inmate ang nakatakas mula sa Maximum Security Compound ng New Bilibid Prison nitong madaling araw ng Lunes. Tumalon umano ang mga pugante mula sa pathwalk at nakipagbarilan sa mga guwardiya sa Gate 3 at 4. Pawang armado…

Read More