4 MUNISIPYO SA BULACAN NAKA-LOCKDOWN

ISINAILALIM sa halos isang linggong lockdown ang apat na munisipyo sa lalawigan ng Bulacan bunsod ng pagkakaroon ng sintomas at kalaunan ay pagpopositibo sa COVID-19 ng mga empleyado rito simula nitong Enero 13 hanggang 19. Isasara pansamantala ang buong gusali ng munisipyo ng Angat, San Rafael, Balagtas at Bocaue upang bigyan-daan ang disinfection sa bawat departamento. Ang mga nabanggit na munisipyo ay magiging paralisado simula sa mga petsang nabanggit dahil na-expose, nagkaroon ng sintomas at kalaunan ay nagpositibo sa COVID-19 ang mga kawani o LGU personnel mula sa mga tanggapan…

Read More

GIRAY DRUG GROUP MEMBER, LAGLAG SA PNP-PRO5

ARESTADO ang isang baguhang miyembro ng Giray drug group sa inilunsad na anti-narcotics operation ng PNP-Police Regional Office 5 kahapon sa Brgy. Bolo, Matnog, Sorsogon. Ayon sa isinumiteng report ng Sorsogon Police Provincial Office kay PNP-PRO5 Regional Director Jonnel C. Estomo, kinilala ang suspek na si Freddie Garel Givero, 49, may asawa at residente ng Brgy. Culasi, Matnog, Sorsogon. Bukod sa pagiging miyembro ng nabanggit na drug group, ang suspek ay kabilang sa Regional Recalibrated Database on Illegal Drugs sa Bicol. Nakumpiska mula kay Givero ang dalawang pakete ng selyadong…

Read More

HIGIT 100 KAWANI NG PCG, CSC, BI POSITIBO

PATULOY na nadaragdagan ang bilang ng mga kawani sa mga tanggapan ng pamahalaan na nagpopositibo sa COVID-19. Sa Philippine Coast Guard (PCG), aabot na sa 133 officers at personnel mula sa national headquarters ang tinamaan ng sakit. Dahil dito, pansamantalang naka-lockdown ang tatlong opisina ng PCG National Headquarters. Kabilang dito ang Office of the Deputy Chief of Coast Guard Staff for Comptrollership, Coast Guard Public Affairs, at Coast Guard Finance Service. Sa Civil Service Commission (CSC), aabot naman sa 103 empleyado nito ang tinamaan din ng COVID-19. Hindi pa kasama…

Read More

SHABU, LIQUID MARIJUANA NASABAT NG BOC, PDEA

NASABAT ng mga operatiba ng Bureau of Customs (BOC) kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang hinihinalang shabu at liquid marijuana sa isang consignee sa Quezon City noong Miyerkoles. Kinilala ang arestadong drug suspect na si Eric Ambrosio Roperos, 47-anyos, residente ng 43 BPI Nursery Compound, Brgy. Vasra, Visayas Ave., Quezon City. Ang suspek ay nadakip makaraang tanggapin ang kargamento na may lamang umano’y shabu at liquid marijuana na nagkakahalaga ng P90,000. Ayon sa ulat ng BOC-Port of Clark, unang natuklasan ang ilegal na droga nang isailalim ang isang shipment na…

Read More

MGA SIKSIKANG KULUNGAN, PINATUTUGUNAN

NANAWAGAN si Senadora Leila de Lima sa gobyerno na agad nang resolbahin ang matagal nang problema sa nagsisiksikang mga kulungan sa bansa. Kasunod ito ng pagkamatay ng anim na preso at pagkasugat ng 33 pang Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa riot sa Caloocan City Jail noong Enero 11. Naganap ang riot matapos ang kaguluhan sa loob ng New Bilibid Prison (NBP)  na ikinasawi ng tatlong PDLs. “Hangga’t hindi nabibigyan ng kaukulang pansin at hindi nasosolusyunan ang matagal nang problema ng malubhang pagsisiksikan sa ating mga kulungan, hindi matatapos ang…

Read More

RE-ELECTIONISTS NANGUNGUNA SA NCR 2022 ELECTIONS SURVEY

NANANATILING nangunguna ang mga re-electionist na alkalde sa Metro Manila. Sa isinagawang non-commissioned poll noong Disyembre 16-23, 2021 ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) na sumasaklaw sa 16 lungsod at 1 munisipalidad sa National Capital Region (NCR) ay patok na patok pa rin ang mga re-electionist sa survey ng mayoralty bets. Sa Quezon City ay frontrunner pa rin si Mayor Joy Belmonte na may mataas na trust at performance rating kaya na nakakuha ng 62 porsiyento ng boto kaysa 35 porsiyento ni Rep. Mike Defensor sa karera para sa…

Read More

Bawas sa anxiety ng mga guro, estudyante MANILA NAGPATUPAD NG HEALTH BREAK

NAGPATUPAD ng health break ang lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila simula sa Enero 14 hanggang Enero 21, bunsod ng lumalalang bilang ng COVID-19 cases. Ayon kay Manila Mayor Francisco “Isko moreno” Domagoso, ang health break ay upang mabigyan ng pagkakataon na makapagpahinga ang mga guro at mga mag aaral. Paliwanag ng alkalde, ang health break o walang pasok ay ipatutupad sa lahat ng level sa mga pampubliko at pribadong mga paaralan at unibersidad. “The City of Manila is declaring a health break starting January 14 to January 21, 2022.…

Read More

Pinili ng nakararaming Caviteño 62% BOTO KAY BBM; PING,16%; LENI, 9%; ISKO, 6%

KUNG ngayon gagawin ang halalan sa probinsya ng Cavite, sigurado na ang panalo ni presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., matapos itong makakuha ng 62 porsyento sa internal survey na isinagawa sa buong probinsya. Ito ang inihayag mismo ni Cavite Governor Jonvic Remulla sa kanyang opisyal na Facebook page, patungkol sa internal survey na isinagawa sa 1,600 respondents sa buong Cavite nitong Disyembre 1 hanggang 5. “Surveys are a snapshot in time. If the election was held today? BBM will win in Cavite by a landslide,” ani Remulla. Malayong pumapangalawa…

Read More

Talaan pinasusumite ng DILG MGA ‘DI BAKUNADO SA BARANGAY SUSUYURIN

INATASAN ng Department of Interior and Local Government ang nasa 42,000 barangay units para sa agarang pagsusumite ng kumpletong talaan ng mga residenteng hindi pa bakunado. Giit ni Undersecretary Jonathan Malaya na tumatayong tagapagsalita ng DILG na pakay ng pamahalaang tukuyin kung sino lamang ang dapat panatilihin sa kani-kanilang mga tahanan kung saan umano planong puntahan ng vaccination team para turukan ng bakuna kontra COVID-19. “Nagpalabas po si Secretary Año ng memorandum circular para magsagawa ang lahat ng mga barangay sa buong bansa para malaman ‘yung hindi pa nagpapabakuna sa…

Read More