ID, VAX CARD LAGING DALHIN

PINAALALAHANAN ng MMDA ang publiko na palaging dalhin ang kanilang ID at vaccination card. Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni MMDA chair Benhur Abalos na magkakaroon ng random checking sa lahat ng mga gusali habang nasa ilalim ng Alert Level 3 ang NCR at ilang lugar sa bansa. “Titingnan po ito sa lahat ng mga gusali sa papasok ‘no, random po ito at of course makikipag-ugnayan tayo sa mga kapulisan to make sure that we are really serious on this,” ayon kay Abalos. Tiniyak din niya na makikipagtulungan ang…

Read More

KAMARA, 1 WEEK LOCKDOWN

ISINAILALIM sa isang linggong lockdown ang Batasan Pambansa Complex upang maiwasan na kumalat ang Omicron variant sa mga empleyado at miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso. Ito ang kinumpirma ni House Secretary General Mark Llandro Mendoza sa mga kagawad ng media kahapon. “We are currently under lockdown to prevent the spread of the Omicron variant, to ensure the safety of our members and House secretariat and employees. We will resume operations next week,” ani Mendoza. Ginawa ng opisyal ang pahayag kasunod ng mga impormasyon na mahigit 50 empleyado ng Kamara…

Read More

PNP CHIEF SAPUL SA COVID

HINDI pa man nagtatagal sa pwesto, pansamantalang liliban muna sa kanyang pwesto si Philippine National Police (PNP) chief Director General Dionardo Carlos makaraang magpositibo sa nakamamatay na COVID-19. Sa isang pahayag, kinumpirma mismo ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año ang kinasadlakan ng pambansang hepe ng pulisya at maging ng kanyang security aide, staff at isang kasambahay na pawang nagpositibo sa COVID-19 batay sa resulta ng isinagawang RT-PCR test. Boluntaryo namang nag self-quarantine si PNP Deputy Chief for Administration Lieutenant General Joselito Vera Cruz na aminadong na-expose sa isa…

Read More

QUARANTINE VIOLATORS IKULONG – YAP

DAPAT ikulong o parusahan ang sinomang hindi sumunod sa quarantine protocols pagdating sa bansa. Ito ang panawagan ni ACT-CIS at Benguet Caretaker Cong. Eric Yap sa mga awtoridad matapos mapabalita ang pagtakas sa quarantine ng dalawang biyahero na dumating sa bansa. “Parang hindi yata siniseryoso nitong mga dumarating na pasahero itong ating quarantine protocols,” ani Yap. Sinabi ni Yap, “si Poblacion girl nag-party at nakahawa. Yung isa naman tumakas para magpamasahe.” “Dapat masampolan ang mga ito para hindi pamarisan. Kung kailangan ikulong, so be it para hindi makahawa,” anang mambabatas.…

Read More

FUEL TANKER TRUCK HINAYJACK SA BATANGAS

BATANGAS – Tinangay ng hindi kilalang mga hijacker ang isang tanker truck habang nakaparada sa isang gasoline station sa Batangas City at nang matunton noong Bagong Taon ay nawawala na ang P900,000 halaga ng karga nitong petrolyo. Batay sa report ng Batangas City police, ipinarada ng driver ng Isuzu Lorry Tanker truck na si Francis Epis, ang sasakyan sa parking lot ng Maxifuel Gasoline Station sa Diversion Road, Brgy. Bolbok, Batangas City noong Disyembre 31 ng hapon. Kargado ito ng 20,000 litro ng petrolyo na isusuplay sa nasabing gasolinahan. Ngunit kinagabihan, nadiskubre ng…

Read More

MENOR DE EDAD,3 PA BINITBIT SA TUPADA

CAVITE – Binitbit ng mga tauhan ng Cavite Police ang isang 16-anyos na menor de edad at tatlong iba pa habang nagsasagawa ng tupada sa bayan ng Naic sa lalawigang ito, noong Linggo ng hapon. Kinilala ang mga arestado na sina alyas JR, 16-anyos; Sofronio Guardiano, 48; Renato Escarlan, 49, at Kint Ramos, 56, pawang mga residente ng Balsahan, Naic, Cavite. Ayon sa ulat ni Corporal Ronald Abalos ng Naic Police, ala-1:30 ng hapon nang magsagawa ng anti-illegal gambling operation ang mga operatiba ng Naic MPS sa Sitio Ilaya, Brgy.…

Read More

1 PATAY, 3 SUGATAN SA KOTSE VS 2 MOTOR

BATANGAS – Isa ang patay habang tatlo ang sugatan matapos salpukin ng kotseng minamaneho ng lasing ang kasalubong na motorsiklo na tumama naman sa isa pang motorsiklo sa national highway, sa Barangay Pinagtung-ulan, bayan ng San Jose, Linggo ng gabi. Batay sa report ng San Jose Police, nag-overtake sa sinusundang sasakyan ang kotseng Honda Civic na minamaneho ng lasing na si Mark Kenneth Adami, 26-anyos, kaya nahagip nito ang kasalubong na motorsiklo na minamaneho ng 31-anyos na si Michael Fabellon, construction worker. Sa lakas ng pagkakabangga, nawala sa kontrol ang motorsiklo…

Read More

ACTIVE COVID CASES SA MAYNILA, UMAKYAT SA 544

UMAKYAT sa 544 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Maynila noong Enero 2, 2022. Mas mataas ang naturang bilang sa naitalang 435 aktibong kaso noong Enero 1 at 312 aktibong kaso sa pagtatapos ng 2021 noong Disyembre 31. May pinakamataas na aktibong kaso ang Tondo 1 na may 179 kaso, kasunod ang Sampaloc na may 74, ikatlo ang Tondo 2 na may 66 kaso, ikaapat ang Sta. Mesa na may 45 kaso, at ikalima ang Sta. Cruz na may 38 aktibong kaso. Umabot na sa 93,444 ang kabuuang…

Read More

PAGSELYO SA BORDERS IKINAKASA NG PNP-NCRPO

SINIMULAN nang tutukan ng PNP-National Capital Regional Police Office (NCRPO) ang mga hangganan papasok at palabras ng Metro Manila matapos na ibalik sa ilalim ng Alert Level 3 ang buong Kalakhang Maynila nang muling tumaas ang naitalang COVID cases kasunod ng holiday season. Una nang inatasan nina PNP-NCRPO Director Police Major Vicente Danao at PNP Task Force COVID Shield P/Lt. Gen. Dickson, Deputy Chief for Operation, ang kanilang mga tauhan na pag-aralan ang gagawing implementasyon sa mas pinahigpit na public health and safety restriction. Nabatid pa na pumayag na rin ang Metro…

Read More