KINUMPIRMA ng Presidential Security Group (PSG) na nagpositibo sa COVID-19 ang ilan sa kanilang personnel. Base sa tala ng PSG Task Force COVID-19, 15 personnel ang nagpositibo sa test. “These personnel were those who came from holiday break. After undergoing the mandatory quarantine for 7 days, they were administered RT-PCR Tests, and, 15 personnel have yielded positive test results,” ayon sa kalatas na ipinalabas ni PSG Commander Col. Randolph G. Cabangbang. Ang lahat aniya ng personnel ay fully vaccinated at asymptomatic. “This Command, through PSG Task Force COVID-19 is attending…
Read MoreAuthor: admin 2
Mga pulis idineploy – PNP QUARANTINE HOTELS, BANTAY-SARADO NA
KINUMPIRMA ng Philippine National Police na nagpasimula na silang mag-deploy ng mga pulis sa mga hotel na itinakdang quarantine facilities kasunod ng utos ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Ito ay bunsod na rin ng nadiskubreng pagtakas ng dalawang kababaihan sa kanilang quarantine hotel para makaiwas sa itinakdang isolation rules. Una rito ang isang babae na tinaguriang “massage girl” na tumakas sa kanyang isolation requirement sa isang hotel sa Makati at nagtungo sa isang massage clinic na kanyang ipinaskil sa kanyang Facebook account, bago tumuloy sa kanyang condominium sa Global City.…
Read MorePAGBABAWAL SA CHILD MARRIAGE, BATAS NA
NILAGDAAN na ni Pangulong Rodrigo Rodrigo Roa Duterte ang batas na nagbabawal sa child marriage sa bansa. Ipinalabas ng Malakanyang nitong Huwebes ang kopya ng Republic Act 11596 o “An Act Prohibiting the Practice of Child Marriage and Imposing Penalties for Violations Thereof” na nagpapakita na nilagdaan ito ng Pangulo noong Disyembre 10, 2021. Ang “child marriage” ay tumutukoy sa pagpapakasal ng dalawang menor de edad o ng isang batang edad 17 pababa nang may basbas ng simbahan o prosesong sibil, maging sa ano mang tradisyon o kultural na kaugalian.…
Read MoreActive cases 2,212 7 TUMBA SA PANDEMYA SA CAMANAVA
LIMA ang patay sa COVID-19 sa Navotas City noong Enero 5 at lumobo sa 439 ang active cases sa lungsod matapos na 77 ang nagpositibo sa virus at 10 naman ang gumaling. Pumalo na 18,106 ang tinamaan ng COVID sa lungsod, at sa nasabing bilang ay 17,105 na ang gumaling at 562 ang namatay. Isa naman ang binawian ng buhay dahil sa pandemya sa Valenzuela City sa nasabing petsa at umakyat sa 822 ang active cases matapos na 334 ang nagpositibo sa virus habang apat lamang ang gumaling. Sumampa na…
Read MoreBBM: FREE EDSA CAROUSEL RIDES GAGAWING PERMANENTE NG UNITEAM
PLANO ng BBM-Sara UniTeam na gawing permanente ang libreng sakay sa Edsa Carousel Bus pagkatapos nilang manalo sa darating na halalan. Ito ang binigyang-diin ni Partido Federal ng Pilipinas standard bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., kasabay ng pagsasabing napakaganda ng programang ito na malaking tulong at kapaki-pakinabang sa milyong bilang ng essential workers at commuters sa Metro Manila. Sa isang panayam, sinabi ni Marcos na palagi niyang pinagtutuunang pansin at binibigyang pugay ang mga programang nakatutulong sa mamamayang Pilipino. Tulad ng 13th month pay na natatanggap tuwing araw ng Kapaskuhan…
Read MoreSa pagtulong sa ‘Odette’ victims BBM-SARA UNITEAM NASA RECONSTRUCTION PHASE NA
KASUNOD ng patuloy na pagpapadala ng relief goods sa mga nasalanta ng bagyong Odette, inanunsyo ng BBM-Sara UniTeam na construction materials naman ang ipinadadala nila ngayon para sa pagkukumpuni ng mga nasirang bahay sa lugar. Sa panayam nitong Miyerkoles sa SMNI, sinabi ni presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., na nasa reconstruction phase na sa mga lugar na nasalanta ng super typhoon Odette, kaya ito na rin ang tinutugunan ng kanilang UniTeam. “Pagkatapos ng bagyo ang kailangan talaga ‘yung mga shelter. Meron silang mga evacuation center pero pati ‘yun nasira…
Read MoreRIDER BUMANGGA SA MOTOR, DEDBOL
CAVITE – Binawian ng buhay ang isang motorcycle rider makaraang bumangga sa motorsiklo na kanyang kasalubong noong Lunes ng gabi sa Imus City. Naisugod pa sa Medical Center Imus Hospital ang biktimang si Orlanda Ordonez (lalaki), 42, tricycle driver, subalit idineklarang dead-on-arrival. Kinilala naman ang driver ng motorsiklong Jiangmen Haojue na nakabanggaan nito na si Johnyfer Adante, 34, isa ring tricycle driver. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Mark Joseph Jader ng Imus City Police, dakong alas-7:00 ng gabi nang mangyari ang insidente habang kapwa binabagtas ng biktima at suspek ang…
Read MorePAMILYA SAMA-SAMANG NAMATAY SA SUNOG
SAMA-SAMANG namatay nitong Martes ng madaling araw ang apat na miyembro ng isang pamilya nang makulong sa nasusunog nilang bahay sa Barangay Concepcion sa Virac, Catanduanes. Ayon sa ulat ng Bureau of Fire Protection Bicol, bandang alas-3:00 ng madaling araw nang lamunin ng apoy ang bahay ng pamilya Buentiempo. Ayon sa ulat na ipinarating kay PNP Regional Police Office 5 Director Jonnel C. Estomo, kinilala ang mga biktimang sina Rosemarie Buentiempo, 28; ang kanyang live-in partner na si Jzar Estacio, 25; Klyne Buentiempo, 7-anyos at Mix Buentiempo, 3-anyos. Habang isa ang sugatan…
Read MoreBuking din sa baril MENSAHERO SUKOL SA PANANAKSAK
LAGUNA – Huli ang isang empleyado ng banko makaraang manaksak at makumpiskahan ng baril sa Sta. Rosa City noong Lunes ng gabi. Ayon sa ulat ni Laguna Police Acting Provincial Director, Col. Rogarth Campo kay CALABARZON Regional Director, P/BGen. Eliseo Cruz, kinilala ang suspek na si Iluminado Breton, 40, mensahero, ng Brgy. Sto. Domingo, Binan City. Habang ang biktima ay kinilalang si Santiago Canon ng Rosewood 1 Subdivision, Brgy. Tagapo, Sta. Rosa City. Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, bandang alas-8:30 ng gabi noong Lunes nang bigla na lamang…
Read More