Malaking tagumpay para sa kabataan – Gatchalian TAAS-EDAD SA STATUTORY RAPE, MAISASABATAS NA

MALAKING tagumpay para sa mga kabataang Pilipino. Ganito maituturing ni Senador Win Gatchalian ang pagratipika ng Bicameral Conference Committee sa panukalang itaas ang statutory rape age sa edad na labing-anim (16). Niresolba ng Bicameral Conference Committee report ang mga pagkakaiba sa House Bill No. 7836 st Senate Bill No. 2332. Isa si Gatchalian sa mga senador na may akda ng panukalang batas. Ang kasalukuyang edad ng sexual consent sa Pilipinas ay labindalawa (12), ang pinakamababa sa Asya at isa sa mga pinakamababa sa buong mundo. Paliwanag ni Gatchalian, mahalaga ang hakbang…

Read More

Giit ng solon sa gobyerno EVACUATION CENTERS ISABAY SA REHAB PROGRAM

IGINIIT ng isang mambabatas sa Kamara sa gobyerno na isabay ang pagpapatayo ng matatag at permanenteng evacuation centers sa rehabilitation program na ikinasa ng gobyerno sa mga probinsyang sinalanta ng bagyong Odette. Ginawa ni Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte ang nasabing panawagan sa gobyerno habang hinihintay ang aksyon ng Senado sa panukalang batas para magtayo ng evacuation centers sa bawat bayan. “Rehabilitation should not only cover the reconstruction of typhoon-damaged infrastructure but should also consider adaptation measures to help safeguard people from future calamities,” ayon sa mambabatas. Unang sinabi ni Cabinet…

Read More

BBM: LIBONG GALON NG TUBIG AT FILTRATION KIT IPINAMAHAGI SA MGA BIKTIMA NI ‘ODETTE’

KASABAY ng pagbati sa publiko ng maligayang pagdiriwang ng Pasko, hindi pa rin nakalimutan ni Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., ang tuloy-tuloy na pagtulong sa mga nasalanta ng super typhoon Odette sa iba’t ibang lugar sa bansa. Sa programang Dos Por Dos ni Anthony Taberna at Gerry Baja sa DZRH nitong Huwebes, inanunsyo ni Marcos na libong galon na ng tubig at libu-libo ring filtration kit ang ipinadala nila sa mga biktima ng bagyong Odette. “Ang kritikal ngayon sa panahon na ito, which is few days after ng bagyo, ay tubig.…

Read More

CCP WORKFORCE NAGBIGAY-TULONG SA CANCER PATIENTS NGAYONG KAPASKUHAN

Sa panahon na mahirap magdiwang dahil sa tinatamasang pandemya, hindi naging hadlang ito sa workforce ng Cultural Center of the Philippines upang ipagpatuloy ang taunang Christmas program at ihatid ito sa cancer patients ng Philippine General Hospital (PGH) Cancer Institute kamakailan. Kada taon, ang Cancer Institute, na pinamumunuan ni Director, Dr. Jorge Ignacio, ay naglalagay ng Christmas tree sa Cancer Institute lobby kung saan isinasabit ng cancer patients ang kanilang Christmas wishes. Ang publiko ay maaaring boluntaryong makapili ng isa o higit pang wishes upang ito ay ibigay. Ang proyektong ito…

Read More

BBM 53% SA PULSE ASIA SURVEY; LENI 20%

RUMATSADA muli ang tambalan nina dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at running-mate na si Davao City Mayor Sara Duterte sa pinakahuling resulta ng Pulse Asia survey na isinagawa ‘nationwide’ nito lamang Disyembre 1-6, taong kasalukuyan. Sa tanong na kung ngayong gaganapin ang halalan sa pampanguluhan, si Marcos ay nakakuha ng 53 percent, malayong hindi hamak sa pumapangalawang si Leni Robredo na may 20 percent. Parehong may eight percent at tabla sa ikatlong puwesto ang mga katunggali nilang sina Isko Moreno at Manny Pacquiao. Pang-apat si Ping Lacson na may…

Read More

Sa mga lalawigang winasak ni Odette PAGKAIN, TUBIG PAUBOS NA

NAGKUKUMAHOG ang tatlong Major Service Command ng Armed Forces of the Philippine na makapaghatid ng pagkain at malinis na tubig sa daang libong tao sa evacuation centers at mga nawalan ng tirahan bunsod ng paghagupit ng Typhoon Odette, dahil nararamdam na ang pagkaubos ng pagkain at tubig-inumin sa maraming lugar. Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana na siya ring chairman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, prayoridad sa ngayon ay ang paghahatid ng pagkain, tubig at tulong medikal sa mga biktima. Aniya, inatasan na niya ang AFP na i-deploy ang lahat ng…

Read More

P37-M SMUGGLED AGRICULTURAL PRODUCTS NASABAT

TINATAYANG nasa P37 milyong halaga ng smuggled na produktong agrikultura ang nasabat ng Bureau of Customs-Port of Subic noong nakaraang Martes sa Zambales. Base sa report ng BOC, nadiskubre ang kontrabando dahil sa pagsasagawa ng Pre-Lodgment Control Orders sa shipment na naka-consign sa EMV Consumer Goods Trading at JKJ International Co. Ayon sa ulat, nagsagawa ang BOC ng physical examination sa isang container van na idineklarang 4,050 pakete ng ‘anti-bacterial wipes’ ngunit lumabas na mga ‘refined sugar’ pala ang laman. Isa pang container van na idineklarang ‘mantou bread’ at ‘egg tarts’ ang…

Read More

1K TURISTA SA SIARGAO, APEKTADO KAY ODETTE

MAHIGIT 1,000 domestic tourist sa Siargao Island sa Surigao del Norte ang naapektuhan nang manalasa ang bagyong Odette noong Disyembre 16. Ito ang kinumpirma ni Agusan del Norte Rep. Francisco Jose “Bingo” Matugas II sa media kahapon, kung saan 600 pa lamang sa mga turistang ito ang nailikas habang ang mahigit 400 ay nasa isla pa dahil sa problema sa transportasyon. Ang Siargao Island ang surfing capital ng Pilipinas na dinarayo, hindi lamang ng mga dayuhan kundi ng mga local tourist. Bukod sa mga turista, 99% umano sa 180,000 populasyon ng Siargao Island…

Read More

BI sa paalis na travelers: PUMUNTA SA AIRPORT NANG MAS MAAGA

HINIKAYAT ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente sa travelers na papaalis papuntang ibang bansa sa panahon ng holidays, na maging maaga sa pagpunta sa airport para sa mahigpit na pagpapatupad ng social distancing. Ayon sa pahayag ni Immigration Commissioner Jaime Morente, pinaalalahanan niya ang travelers na maging mas maaga na magtungo sa airport sa kanilang scheduled departure flights para matiyak na hindi sila mabitin sa kanilang oras sa pag-check sa kanilang airlines at para matiyak na rin ang social distancing sa immigration area. Suhestiyon din ng local airlines na ang travelers ay magsimulang pumasok…

Read More