TULOY ang “Bayanihan, Bakunahan” massive vaccination rollout laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Negros Oriental matapos manalasa ang bagyong Odette. Sa katunayan, sinabi ni Assistant Provincial Health Officer, Dr. Liland Estacion, limang araw gagawin ang second round ng inoculation drive, mula Disyembre 21 hanggang 23 at 27 at 28 sa Macias Sports Complex mega vaccination center. Hiniling naman ni Estacion sa kanyang mga kalalawigan na samantalahin ang libreng bakuna kabilang na ang booster o karagdagang bakuna upang hindi makompromiso ang safety protocols habang isinasagawa ang relief and rehabilitation efforts…
Read MoreAuthor: admin 2
DOUBLE STANDARD SA PAGPAPALAYA SA PRESO – SOLON
IGINIIT ni House Deputy Minority Leader Rep. Carlos Zarate sa Kongreso na pagtibayin na ang kanilang panukalang batas na pakawalan na o kaya ay payagan nang maglagak ng bail para sa kanilang pansamantalang kalayaan ang matatanda at sakiting mga preso. Ginawa ng mambabatas ang nasabing pahayag matapos payagan ng Korte Suprema na makapag-bail si dating Presidential Commission on Good Government (PCGG) chairman Camilo Sabio dahil sa kanyang sakit. “Convicted old and sickly person should now be made a new additional and humanitarian ground applicable for the release of deserving prisoners,” ayon sa…
Read More30 KATAO DINAMPOT SA RIOT SA TONDO
UMABOT sa 30 indibidwal, kabilang ang tatlong nasa hustong gulang, ang binitbit ng mga tauhan ng Manila Police District makaraang sumiklab ang riot sa Tondo, Manila nitong Martes ng madaling araw. Ayon sa ulat, 27 menor de edad ang dinala sa Department of Social Welfare and Development – Recreation Action Center habang ang tatlong nasa hustong gulang ay dinala sa presinto para isailalim sa imbestigasyon. Batay sa ulat ni P/Lt. Col. Harry Ruiz Lorenzo III, commander ng MPD-Jose Abad Santos Police Station 7, bandang alas-4:30 ng madaling araw nang sumiklab…
Read MoreSa loob ng 22 araw 16 PATAY SA COVID SA CALOOCAN
UMABOT sa 16 ang namatay sa COVID-19 sa loob ng 22 araw sa Caloocan City, ayon sa ulat ng City Health Department and City Epidemiology and Surveillance Unit. Mula sa 1,613 noong Nobyembre 28, pumanhik sa 1,629 ang COVID death toll sa lungsod noong Disyembre 20 at bumaba naman sa 32 ang active COVID cases mula sa dating 83. Pumalo na sa 62,150 ang mga tinamaan ng COVID sa siyudad, at sa nasabing bilang ay 60,489 na ang gumaling. Ayon naman sa Malabon City Health Department, walang naitalang bagong kaso…
Read MoreGORDON KAY PRRD: TIGILAN PAGPAPAKALAT NG FAKE NEWS
TULAD sa mga nakalipas na pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay sa kinukwestyong procurement ng COVID-19 supplies, sinimulan ni Senador Richard Gordon ang hearing nitong Martes sa pagbanat kay Pangulong Rodrigo Duterte. Tinawag ni Gordon si Pangulong Duterte na author ng fake news. “I PRAY FOR YOU, MR. DUTERTE. I pray for you dahil wala na kayong ginawa kundi magpakalat ng fake news. Kayo po ang author ng fake news,” saad ni Gordon sa kanyang opening speech. “Tigilan nyo na iyan Mr. Duterte. Gawin nyo na lang ho ang…
Read MorePITMASTER KATUWANG ANG PHIL. MARINES SA ODETTE RELIEF DISTRIBUTION
DAHIL pahirapan ang paghatid ng tulong sa mga biktima ng bagyong Odette sa Mindanao at Visayas Region, minabuti ng Pitmaster Foundation na lumapit sa Philippine Foundation na makipag-ugnayan sa Philippine Marines 72nd Marangal Batallion upang mabilisang maihatid ang mga kinakailangang ayuda sa mga tao doon. Ayon kay Pitmaster Foundation Executive Director Caroline Cruz, “personal kong sinilip ang mga dinaanan ni Odette at maraming mga kalsada ang sira o lubog sa tubig kaya naisip namin na humingi na ng tulong ng AFP.” Ani Cruz, “Hindi lang sa pag-transport ng mga relief…
Read More#BrigadangAyalaKaakay: PAG-ASA DALA NG MILLENNIAL LAWYER SA MGA MAGSASAKA
MANILA – Hindi nagdalawang-isip si Michelle Hatol, graduate ng San Beda Law, nang tanungin siya ng ama na pangasiwaan ang kanilang family business na New Isabela Grains Milling, isang supplier at advocate ng lokal na palay simula 1982. Kasalukuyang supplier si Hatol sa 12-week food distribution program ng #BrigadangAyalaKaakay para sa 10,000 pamilya sa Metro Manila. “Malapit talaga sa akin ang pagsasaka dahil lumaki ako sa Isabela. Bata pa lang ako, nagtitimbang na ako ng palay. Tuwing summer, nagtatrabaho ako kasama ng mga magsasaka kapag bakasyon,” saad ng 36-year-old na…
Read MoreBBM-Sara UniTeam: DAGDAG RUTA SA MGA RO-RO MAGPAPABILIS NG RESPONDE SA KALAMIDAD
ITUTULAK ng BBM-Sara UniTeam na mapalawak ang Roll-On/Roll-Off (Ro-Ro) Terminal System ng bansa upang pabilisin ang pagtugon at pagbibigay ng tulong sa mga lugar na tinatamaan ng kalamidad. Sinabi ni dating Presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. na dahil sa pagiging arkipelago ng bansa, kakailanganin ng mas epektibong paraan ng pamamahagi sa mga tulong gaya ng relief goods at heavy equipment. “The country’s unique archipelagic layout is a challenge when it comes to disaster response. Island municipalities can be easily isolated for days, with help only being sent via airdrops…
Read MoreRMN-APCORE SURVEY: 55% PARA KAY MARCOS; ROBREDO, 13%; DOMAGOSO, 13%; PACQUIAO, 4%; LACSON, 3%
TULOY-tuloy sa pag-alagwa ang kandidatura ni Partido Federal ng Pilipinas standard-bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., laban sa mga katunggali nang muli na namang manguna sa nakalipas na face-to-face survey na inilunsad ng Radio Mindanao Network (RMN)-APCORE. Isinagawa ang survey noong Nobyembre 23-29, taong kasalukuyan. Mula sa 2,400 respondents, mahigit sa kalahati nito ang bumoto kay Marcos na nakakuha ng 55 percent. Malayong nakasunod sa kanya sina Leni Robredo at Isko Moreno na kapwa may 13 percent votes. Si Bong Go na pormal nang umatras sa kandidatura nitong nakalipas na linggo…
Read More