DALAWA ang patay sa Valenzuela City dahil sa COVID-19, batay sa pinakahuling ulat ng City Epidemiology and Surveillance Unit. Mula sa 830 noong Disyembre 9, umangat sa 832 ang COVID death toll ng lungsod noong Disyembre 11. Bukod dito, pumanhik din sa 39 ang active cases noong Disyembre 11 mula sa 37 noong Disyembre 9. Pumalo na sa 35,857 ang confirmed cases sa lungsod, at sa nasabing bilang ay 34,986 na ang gumaling. Ayon naman sa Malabon sa City Health Department, isa ang nadagdag na confirmed case noong Disyembre 12 mula…
Read MoreAuthor: admin 2
LAMANG NG BBM-SARA UNITEAM NADAGDAGAN AT TUMIBAY, AYON SA PAHAYAG SURVEY
MULI ng nanguna ang tambalan nila presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at vice-presidential aspirant Davao City Mayor Sara Duterte sa mga napupusuang iboto ng mga Pilipino bilang presidente at bise presidente sa 2022 ayon sa pinakahuling survey ng PUBLiCUS Asia Inc. Si Marcos Jr. ay nakakuha ng 51.9 porsiyento ng mga boto habang si Inday Sara naman ay nakapagtala ng 54.8 porsiyento. Dagdag pa ng PUBLiCUS sa kanilang “2021 Pahayag” fourth quarter survey na isinagawa noong Disyembre 6 hanggang 10, kapwa tumaas at mas tumatag ang mga bilang ng…
Read MoreSMUGGLING NG ASUKAL PURNADA SA LANGGAM
NAPURNADA ang tangkang pagpuslit ng primerang klase ng asukal sa bansa makaraang dumugin ng mga langgam ang kargamentong laman ng isang dambuhalang container sa Port of Subic kamakailan. Sa tala ng Bureau of Customs (BOC), hindi bababa sa P16.7 milyong halaga ng asukal ang nabuko sa isinagawang inspeksyon ng mga tauhan ng Port of Subic base sa timbre ng isang impormante bago pa man lumapag ang nasabing kargamentong inangkat ng Multi-Subsonic Marketing Company. Base sa impormasyon ng Port of Subic, idineklarang panglampaso at basurahan ang laman ng container van na…
Read MoreCONSIGNEE ARESTADO SA GAGAMBA
HINDI nakalusot sa mga makabagong x-ray machine ng Bureau of Customs (BOC) ang panibagong tangkang pagpupuslit ng mga gagamba mula pa sa bansang Poland sa Central MailExchange Center (CMEC), sa lungsod ng Pasay. Arestado rin sa isinagawang operasyon ng BOC-Port of NAIA Enforcement and Security Service Environmental Protection Compliance Division (ESS-EPCD) ang hindi pinangalanang consignee ng mga nasabing gagambang nagkakahalagang P75,000. Aktong kinukuha ng suspek ang bagaheng idineklarang pinagtabasang papel na angkop ng origami – isang uri ng sining mula sa bansang Japan. Subalit bago pa man ang pagdakip, nakaantabay…
Read MoreBebot timbog sa P8.5M ecstasy PARTY PARTY NAUNSIYAMI!
BULILYASO ang dapat sana’y puno ng siglang party-party makaraang masabay ng mga operatiba ang hindi bababa sa P8.5 milyong halaga ng ecstasy sa Port of Clark sa Pampanga kamakailan. Arestado rin sa isinagawang controlled delivery operation ng pinagsanib na pwersa ng Bureau of Customs (BOC), Philippine DrugEnforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) ang babaeng suspek na kinilalang isang Ana Fe Morilla alyas Jonah Ileve na dinakip sa kanyang tahanan sa Las Piñas City. Sa tala ng kawanihan, lumalabas na idineklarang mga ilaw ang bagaheng lumapag sa Port of…
Read MoreBBM-SARA UNITEAM: TIYAKIN ANG KALIGTASAN NG OFWs NA UUWI NGAYONG PASKO
NANAWAGAN ang tambalan nila presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at vice-presidential aspirant Sara Duterte na tiyakin ang kaligtasan laban sa COVID-19 ng aabot sa 100,000 overseas Filipino workers (OFW) na nakatakdang umuwi sa bansa para bisitahin ang kanilang pamilya ngayong Pasko. Ito ang reaksyon ng BBM-Sara UniTeam matapos i-anunyso ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na inaasahan nila na 80,000 hanggang 100,000 ang posibleng umuwi sa bansa para magdiwang ng kapaskuhan ngayong Disyembre. “It’s a Filipino tradition na tuwing Pasko at Bagong Taon nagsasama-sama ang pamilyang Pinoy, lalo na…
Read MorePagbaba sa Alert Level 1 wala pang katiyakan NAUNSYAMI SA OMICRON
HINDI pa handa ang gobyerno na paluwagin ang quarantine restrictions dahil sa “inconclusive findings” sa uri ng bagong Omicron variant ng coronavirus. Sinabi ni acting presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, hindi pa makagawa ng desisyon ang Inter-agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases dahil hinihintay pa nito ang “final conclusive data” ukol sa Omicron variant mula sa World Health Organization (WHO). “Metro Manila and other provinces and cities in the country are under Alert Level 2, which will end on Dec. 15, but this…
Read MoreAMBASSADOR LAGDAMEO BAGONG IMO PREXY
TALIWAS sa masaklap na kapalaran ni dating presidential spokesperson at ngayo’y senatorial aspirant Harry Roque na nangamote sa halalan para sa International Law Commission, nasungkit ng bansang Pilipinas sa unang pagkakataon ang pinakamataas na pwesto sa International Maritime Organization (IMO), isang specialized agency sa ilalim ng pangangasiwa ng United Nations. Sa ika-32 pandaigdigang assembly ng IMO nitong nakaraang Disyembre 6, nahalal bilang pangulo si Ambassador Antonio Lagdameo. Ito ang unang pagkakataong nahalal bilang Pangulo ng IMO na kinabibilangan ng 174 bansa, ang isang kinatawan mula sa Pilipinas. Mandato ng IMO…
Read MoreTRAVEL TAX DAPAT ALISIN NA -TURISMO
“ALISIN na dapat ang pangongolekta ng travel tax sa mga Pilipino na bumibiyahe palabas ng bansa”. Ito ang inihayag at kahilingan sa pamahalaan ni Atty. Marco Bautista, nominee ng Turismo Isulong Mo Party-list (TURISMO). “Malaking ginhawa sa mga kababayan nating biyahero kung matutupad ang naturang panukala na ma-repeal ang probisyon ng Republic Act 9593 o Tourism Act of 2009 na nagpapataw ng travel tax na PHP P1,620,” sabi ni Atty. Bautista. Ang TURISMO Party-list ay isa sa 165 party-lists na kinilala ng Commission on Elections (Comelec) bilang kalahok sa May…
Read More