Ikinasa ng ACT CIS AYUDA SA ILANG JOBLESS QC RESIDENTS

HIGIT 100 residente ng Brgy. Central sa Quezon City ang nabigyan ng ayuda ng ACT CIS bilang tulong sa mga nawalan ng trabaho o di kaya’y nag-uumpisang muli dahil sa pandemya ng COVID-19. Ayon kay ACT CIS Nominee Edvic Yap, “priority po namin na tulungang makapag-umpisa muli ang mga kababayan natin na nawalan ng kita dahil sa COVID”. “Ibili po ng pagkain o pamasahe sa paghahanap ng trabaho ninyo itong ayuda namin,” paalala ni Yap. Dalawang libong piso bawat tao o miyembro ng pamilya ang nabigyan ng cash assistance. Kasama…

Read More

TEENAGER PATAY SA SNATCHER

LUCENA CITY – Patay ang isang menor de edad na lalaki matapos na saksakin ng isa sa dalawang nang-agaw ng kanyang cellphone sa lungsod na ito, noong Biyernes ng gabi. Kinilala ang biktimang si Don Rosas Bulawan, residente ng Barangay 4, Lucena City. Batay sa report ng Lucena City Police, bandang alas-11:30 ng gabi, naglalakad ang biktima kasama ng kanyang kaibigan, sa Merchan St. sa city proper nang bigla na lamang hablutin ng dalawang lalaki ang cellphone nito na tumilapon naman sa kalsada. Bagama’t hindi nakuha ang cellphone, hinabol ng dalawa ang mga…

Read More

3 PUSHER TIMBOG SA P200K MARIJUANA

RIZAL – Arestado ang tatlong hinihinalang tulak ng ilegal na droga makaraang makumpiskahan ng P200,000 halaga ng marijuana sa bayan ng Montalban, sa lalawigang ito. Kinilala ni P/Lt. Col. Marcelino B. Pipo Jr., hepe ng Montalban Municipal Police, ang mga nadakip na sina John Paul Añonuevo y Orosa, James Lariosa y Pajagas at Ulama Alonday y Romapa. Nadakip ang mga suspek sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa B-43, L-12, P5, Centella Subdivision, Brgy, San Isidro Rodriguez, Rizal dakong alas-10:00 ng gabi noong Disyembre 9, 2021. Ayon sa ulat, naaresto…

Read More

P340K SHABU NASABAT SA TULAK

NADAKIP ang umano’y notoryus na drug pusher ng Brgy. San Dionisio, Parañaque City noong Biyernes ng gabi sa buy-bust operation makaraang bentahan ng tinatayang 50 gramo ng umano’y shabu na may presyong P340,000, ang isang pulis na nagpanggap na buyer. Ayon sa ulat, bandang alas-6:15 ng gabi, nagkasa ang mga operatiba ng NCRPO RID-RDEU, RSOG ng buy-bust operation sa #6764 Ilang-ilang Street, Tramo Uno, Barangay San Dionisio, Parañaque City na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek na kinilalang si Raul Requiez. Walang pag-aalinlangan umanong nakipagtransaksyon ang suspek sa isang buyer na isa palang…

Read More

2 HOLDAPER NA INDIANS, TIKLO SA OFF-DUTY COP

SWAK sa hoyo ang dalawang Indian national nang mabulaga ng isang off-duty na parak habang hinoholdap ang isang kababayan sa Valenzuela City. Ibinalibag sa selda ang mga suspek na sina Manjot Singh Buttar at Jagdeep Singh, kapwa nasa hustong gulang. Ayon sa impormasyong nakalap, pumunta ang biktimang hindi na isiniwalat ang pangalan, sa RMB Junkshop sa La Mesa, Ugong, Valenzuela City para maningil ng pautang noong umaga ng Disyembre 9, nang tutukan ito ng baril at holdapin ng mga suspek. Tiyempong napadaan ang off-duty na pulis ng Quezon City at nabulaga…

Read More

NCR MINIMAL RISK NA SA COVID

BUNSOD ng patuloy na pagbaba ng mga kaso ng COVID-19, maging ang National Capital Region (NCR) ay inilagay na rin sa ‘minimal risk’ ng Department of Health (DOH). Nangangahulugan ang ‘minimal risk’ na mas mababa sa 1 ang ‘average daily attack rate (ADAR)’. Ayon sa DOH, nasa 0.87 kada 100,000 indibidwal na lamang ang ADAR sa Metro Manila. Ito ang magandang ibinalita ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire makaraang makatanggap ng ulat na nasa -62% na rin ang two-week growth rate (TWGR) sa rehiyon. Habang sa healthcare system, nasa 21.11% ang bed…

Read More

KASO NG COVID-19 SA PAMPANGA MANIPIS NA

KAKAUNTI na lamang ang naitatalang kaso ng COVID-19 simula nitong Disyembre 3 sa halos lahat ng bayan sa lalawigan ng Pampanga. Sa Laging Handa briefing, sinabi ni Pampanga Provincial Health Officer Dr. Zenon Ponce, na sa nasabing petsa, isang tao lamang ang nahawa ng virus sa San Fernando City, habang zero o wala naman silang naitalang kaso noong Disyembre 5, sa buong Pampanga. Pagsapit ng Disyembre 6, nagkaroon aniya ng isang kaso sa Guagua at isa rin noong Disyembre 7, sa bayan ng San Luis. Samantalang noong Disyembre 8 ay…

Read More

5 TULAK TIMBOG SA ANGONO

RIZAL – Arestado ang lima katao nang bentahan ng ilegal na droga ang isa sa mga operatiba noong Huwebes ng gabi sa bayan ng Angono sa lalawigang ito. Kinilala ni P/Lt. Col. Ferdinand Ancheta, hepe ng pulisya, ang mga nadakip na sina Ronnie Barrera, alyas “Macmac; Jeffrey Quibra, Domingo Garate, Alymark Brillo, at Gabriel Barrera, pawang nasa hustong gulang. Ayon sa ulat, dakong alas-9:30 ng gabi nang isagawa ng grupo ni P/Lt. Herald Medrano ang buy-bust operation laban kina alyas Macmac at Quibra sa Del Rosario Street. Nagresulta sa ito…

Read More

1,254 mga armas nasamsam PNP-PRO5 AGRESIBO KONTRA LOOSE FIREARMS

TULOY-TULOY ang pag-iskor ng Police Regional Office 5 sa kanilang pinaigting na kampanya kontra loose firearms. Kasunod nito ay 1,254 sari-saring undocumented small firearms at light weapons ang nasamsam simula Enero 1 hanggang Nobyembre 30, 2021. Ayon kay PNP-PRO5 Public Information Office chief and spokesperson, P/Major Malou Calubaquib, bunga ito ng malawakang pagsisikap ng mga miyembro ng PRO5 sa pangunguna ni Bicol PNP chief, P/BGen. Jonnel C. Estomo, na hulihin ang mga sangkot sa talamak na paggamit at pagbebenta ng mga ilegal na baril. Sa kabuuan, 1,423 na operasyon ang…

Read More