LAGUNA – Pumalo na sa 11 bayan ang naitalang COVID-free sa lalawigang ito, ayon sa pinakahuling bulletin na inilabas ng Laguna Provincial Health Office noong Huwebes. Nabatid sa ulat, wala nang kaso ng COVID-19 sa mga bayan Alaminos, Majayjay, Lumban, Victoria, Liliw, Pangil, Mabitac, Paete, Luisiana, Rizal at Magdalena. Habang sumadsad pa sa bilang na 106 ang aktibong kaso sa lalawigan kung saan naitala ang lungsod ng Calamba na may 36 active cases, sunod ang San Pedro, 13; Sta. Rosa, 7; San Pablo. 8; Biñan, 7; Cabuyao at Sta. Cruz,…
Read MoreAuthor: admin 2
MATAPANG NA HAKBANG KAILANGAN LABAN SA TUMITINDING PATAYAN
KINONDENA ni Senador Grace Poe ang pagpaslang sa mamamahayag na si Jesus “Jess” Malabanan sa Leyte at isang mayor kasama ang kanyang bodyguard sa Basilan na tila tumitindi habang papalapit ang halalan. Sa pahayag, hinikayat ni Poe ang pamahalaan na gumawa ng matapang na hakbang upang proteksyunan ang taumbayan at palakasin ang sistema ng hustisya para maparusahan ang mga kriminal. “Ang napakaraming insidente ng pagpatay, kasama na ang pagkitil sa isang mamamahayag sa Samar at sa alkalde at kanyang aide sa Basilan, ay muling naglalatag ng anino ng karahasan sa…
Read MoreSTREET PARTIES DAPAT MAY PERMISO NG LGUs
PINAALALAHANAN ng Malakanyang ang publiko lalo na ang mga nagpaplanong magsagawa ng street party ngayong Kapaskuhan na kailangan muna nilang makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan. “Number one, makipag-ugnayan po muna sa LGU, okay. So huwag ninyong isipin na, “Okay, puwede ito, puwede,” hindi, hindi po. Makipag-ugnayan muna sa LGU because there will be some LGUs that will have requirements,” ayon kay acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles. Para naman kay DOH Director Dr. Beverly Ho, maaaring magdaos ng street party ngayong Kapaskuhan lalo pa’t alam naman ng lahat…
Read MorePAGKAWALA NG TRABAHO DULOT NG CDOs NAKABABAHALA
NAGPAHAYAG ng pagkabahala si Sen. Grace Poe sa pagkalagas ng mga trabaho sa mga kumpanyang nasa sektor ng telecommunications at broadcast na nag-expire na ang prangkisa at ngayon ay binibigyan ng cease and desist orders (CDO) ng National Telecommunications Commission (NTC). “Walang may gustong mawalan ng trabaho lalo na sa panahon ngayon. Napakabigat na hamon sa isang kumpanyang sikaping makaraos habang hindi naman ito maaaring mag-operate,” saad ni Poe sa pagdinig ng Senate committee on public services na kanyang pinamumunuan. Naobliga ang NTC na mag-isyu ng CDO sa mga kumpanyang…
Read MoreHamon sa gobyerno kasunod ng pagpatay kay Malabanan JOURNALISTS PROTEKTAHAN
MARIING kinondena ni ACT-CIS Party-list Rep. Nina Taduran ang pagpatay sa beteranong mamamahayag na si Jesus “Jess” Malabanan sa Calbayog City, Samar kasabay ng panawagan sa mga awtoridad na resolbahin ang karumal-dumal na krimen. Bukod dito, umapela ang mambabatas sa mga nasa kapangyarihan na proteksyunan ang mga miyembro ng ikaapat na estado dahil mahalaga ang kanilang papel sa lipunan. “I am shocked at how journalists are being silenced by bullets. Their courage stems from their desire to tell the truth. We must not allow violence to kill that flame,” ani…
Read MoreTRABAHO, KITA NG MGA PINOY PRAYORIDAD NG BBM-SARA UNITEAM
SINABI ni presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., at ng running-mate na si vice-presidential bet Inday Sara Duterte na seguridad sa trabaho at pananalapi ang pangunahing prayoridad ng kanilang programa sakaling palaring manalo sa darating na 2022 national elections. Sa harap ng libu-libong Caviteño na dumalo sa UniTeam caravan na isinagawa nitong Huwebes, sinabi ni Marcos na batid niya ang pangunahing pangangailangan ng ating mga kababayan. Kaya sakaling palarin na maging pangulo ng bansa, ito rin ang pangunahing programa ng kanyang administrasyon. “Ang hangarin nating lahat ay makabalik sa trabaho…
Read MoreMAS MARAMI PANG ELECTRIC VEHICLES NG MERALCO PARA SA PINAIGTING NA GREEN MOBILITY PROGRAM
Mga sasakyan ng power distributor sa Metro Manila, electric na Kasalukuyang nagde-deploy ang Meralco ng karagdagang 69 na electric vehicles bilang bahagi ng programang Green Mobility na naglalayong isulong ang paggamit ng mas malinis na alternatibo para sa transportasyon. Nasa 69 na karagdagang electric vehicles o EVs ang kasalukuyang idine-deploy ng Manila Electric Co (Meralco) sa mga opisina nito bilang bahagi ng mas pinaigting na programang Green Mobility na layuning isulong ang paggamit ng mas malinis na alternatibo para sa transportasyon. Ang bagong batch ng EV na binubuo ng mga…
Read MoreNagpahangin sa labas GINANG NASAPUL NG BALA NG GANGSTERS
CAVITE – Sa kamatayan nauwi ang pagpapahangin sa labas ng isang 48-anyos na negosyanteng ginang nang tamaan ng ligaw na bala mula sa dalawang grupo ng gang na nagka-engkwentro sa Dasmariñas City noong Miyerkoles ng gabi. Isinugod pa sa Pagamutan ng Dasmariñas City ang biktimang si Rebecca Fuentes y Balancar, taga Dasmariñas City ngunit idineklarang dead on arrival. Itinuro namang mga suspek sina Kevin Arguelles Acsaba, alyas Onyok at alyas Gerald, kapwa ng Brgy. Paliparan 3 ng nasabi ring lungsod. Ayon sa ulat ni P/MSgt. Elmo Caboboy ng Dasmariñas City…
Read More84-ANYOS NA LOLO, ITINUMBA NG ARMADO
QUEZON – Hindi inalintana ng masasamang loob ang katandaan ng isang lolo na pinagbabaril ng mga ito sa loob ng bahay sa bayan ng Gen. Nakar, noong Lunes ng hapon. Patay na nang madatnan ng mga pulis ang 84-anyos na biktima na nakabulagta sa salas ng kanyang bahay sa Barangay Batangan dahil sa mga tama ng bala sa dibdib. Kinilala ang biktimang si Solomon Martinez Zamora, walang trabaho at residente ng Sitio Rosal, sa Bayan ng General Nakar. Batay sa imbestigasyon, bandang alas-5:30 ng hapon nang pasukin ito ng tatlong armadong…
Read More