KINILALA ng anak ni Presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. na si Ferdinand Alexander ‘Sandro’ Marcos ang mahalagang papel na gagampanan ng mga kabataan sa pagkakaisa ng bansa. Sa panayam kamakailan ni Sandro sa lokal na media sa Valencia, Bukidnon, sinabi niya na, “Ang mga kabataang Pilipino ay integral sa pagkakaisa ng buong bansa.” “Ang mga kabataan ay lubhang napakahalaga hindi lamang para sa ngayon, kundi para sa kinabukasan ng buong Pilipinas,” dagdag pa niya. Naging mainit ang naging pagtanggap ng libu-libong tagasuporta ng BBM-Sara UniTeam kay Sandro na kumatawan…
Read MoreAuthor: admin 2
FUEL SMUGGLING DUROG NA – DOF
IBINIDA ng Department of Finance (DOF) ang pagsirit ng koleksyon ng pamahalaan mula sa produktong petrolyo bunsod ng pinaiiral na programang tumutukoy sa mga lehitimo at smuggled oil products sa merkado. Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez, tumataginting na P324.5 bilyon ang nakolektang taripa at buwis ng pamahalaan mula nang ipatupad and fuel marking program ng Bureau of Customs (BOC) sa mga pasilidad ng iba’t ibang kumpanya ng langis. Sa tala ng DOF, may kabuuang P294.6 bilyong koleksyon ang BOC mula sa taripa ng mga imported petroleum products, habang pumalo…
Read More5 BOC PORTS SABLAY SA TARGET REVENUE
MULING nakapagtala ng labis pa sa target collection ang 12 sa 17 district collection offices ng Bureau of Customs (BOC) para sa buwan ng Nobyembre. Sa tala ng BOC, tanging ang mga Puerto sa Maynila, Cebu, Surigao, Cagayan de Oro at Aparri ang bigong makalikom ng sapat sa itinakdang target sa mga nasabing district collection offices. Gayunpaman, napagtakpan naman ng mga palabis na koleksyon ng iba pang BOC district collection offices ang kapos na ganansyang pumasok sa mga nabanggit na puerto. Kabilang sa mga nagtala ng labis sa kanilang target…
Read More2 DAKIP SA YOSI SMUGGLING
ZAMBOANGA CITY – Arestado sa pinagsanib na operasyon ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine National Police (PNP) ang dalawa kataong nagtangkang magpuslit ng hindi bababa sa P7.5 milyong halaga ng mga sigarilyong ibinagsak sa Sulu mula sa bansang Malaysia. Ayon sa mga operatiba, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa paparating na bangkang de motor na kargado ng mga iligal na kargamento. Agad na ikinasa ang operasyon sa karagatang sakop ng Barangay Sinunuc kung saan nadakip sina Nadzpin Benjamin at Benhar Mundih na kapwa mula sa lalawigan ng Sulu. Ayon…
Read MoreP3-M SHABU NASABAT, CONSIGNEE ARESTADO
MULING binigo ng mga kawani mula sa Bureau of Customs (BOC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang panibagong tangkang pagpupuslit ng tinatayang P3 milyong halaga ng shabu sa Port of Clark kamakailan. Bukod sa nakumpiskang drogang tumimbang ng halos kalahating kilo, timbog din sa ikinasang controlled delivery operation sa lalawigan ng Bataan ang consignee na kinilala bilang Arlyn Gemzon. Ayon sa kawanihan, naging mabusisi ang pagrerebisa sa naturang bagahe matapos makatanggap ng timbre mula sa isang impormante kaugnay ng kargamentong naglalaman ng drogang nakakubli sa mga idineklarang damit mula…
Read MoreP1.1B piniratang pamasko hagip sa Pasay AUTHENTIC PERO PEKE
ISANG malalimang imbestigasyon ang ikinasa ng Bureau of Customs (BOC) sa naglipana sa merkadong piniratang produktong patok sa tuwing papasok ang kapaskuhan, kasunod ng pagsalakay sa isang bodega sa Pasay City kung saan tumambad ang bulto bultong smuggled counterfeit merchandise na pinaniniwalaang mula sa bansang Tsina. Sa tala ng ng Port of Manila, aabot sa P1.1 bilyon ang halagang nakumpiska ng mga pinagsanib na operatiba ng Intelligence Group (IG) at Customs Intelligence and Investigation Service-Intellectual Property Right Division (CIIS-IPRD) sa Baclaran Wholesale Complex sa Pasay City. Bitbit ang isang letter…
Read MorePeperahin na lang kesa durugin SMUGGLED CARS ISUSUBASTA NA!
TALIWAS sa karaniwang ginagawa ng Bureau of Customs (BOC) sa mga nakalipas na taon, walang isasagawang public destruction ng mga smuggled luxury vehicles na nakumpiska sa iba’t ibang operasyon ng kawanihan. Sa halip, isusubasta na lamang ang lima sa daan-daang kumpiskadong mamahaling sasakyan sa hangaring makalikom ng dagdag kitang higit na kailangan ng pamahalaan sa pagpapatuloy ng programang tugon kontra pandemya. Bilang pambungad, isasalang sa public auction ang tatlong unit ng Mercedes Benz, isang Porsche at isa pang Ferrari kung saan umaasa ang Department of Finance (DOF) na makalikom ng…
Read MoreDAVAO REGION NIYANIG NG MAGNITUDE 6.1 LINDOL
NIYANIG ng magnitude 6.1 earthquake ang ilang bahagi ng Davao Region kahapon ng umaga, ayon sa ulat na natanggap ng National Disaster Risk Reduction and Management Council. Sa ibinahaging report ng Philippine Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), kanilang narehistro ang sentro ng pagyanig sa silangang bahagi ng Sarangani Island (Municipality of Sarangani) sa Davao Occidental bandang alas-7:48 ng umaga kahapon, Unang iniulat na magnitude 6.5 ang naramdamang pagyanig subalit agad din itong ibinaba ng PHIVOLCS. May layo ito na 285 kilometro, lalim na 156 kilometers at “tectonic” ang sinasabing pinagmulan nito.…
Read More10 ARESTADO SA P2-M DROGA SA CAINTA
RIZAL – Arestado ang 10 katao nang makumpiskahan ng P2 milyong halaga ng ilegal na droga ng magkasanib na puwersa ng PNP-DEG at Cainta PNP kahapon ng umaga sa bayan ng Cainta sa lalawigang ito. Ayon sa ulat, kinilala ang mga arestado na sina Marco Angelo Zarate, 46; Twixx Leyson, 30, call center agent; Angelo Reyes, Dennis Reyes, Christian Evangelista, Victor Dax Jose, 49; Roderick Rendal, Janeth Salasibar, 41; Mary Lou Cruz, at Allan Garol, 51, pawang mga residente ng Rizal. Dakong 6:00 ng umaga noong Disyembre 4 nang madakip…
Read More