OFFICIAL STATEMENT OF ATTY. VICTOR D. RODRIGUEZ Chief of Staff and Official Spokesperson of Presidential Aspirant, Bongbong Marcos, Jr. on DQ cases

ALL the petitions filed with the Comelec which seek to disqualify Bongbong Marcos from the presidential race, or cancel his Certificate of Candidacy, are now being addressed by our legal team. And while we maintain that these petitions are nothing but nuisance cases, we urge those who are behind these pathetic stunts to please respect the Filipino people and their democratic right to decide for themselves and their collective future. We also urge them not to remove the right of the people to freely choose their leader and stop looking…

Read More

Payo ng DOJ sa pagsasara ng kalsada BUCOR DAPAT SUMANGGUNI MUNA SA LGU

SA gitna ng sigalot sa pagitan ng Bureau of Correction at Muntinlupa City government kaugnay ng pagsasara ng mga kalsadang patungo sa mga kabahayan, inatasan ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang mga opisyal ng BuCor na sumangguni muna bago gumawa ng anomang hakbang lalo na’t may naapektuhang mga residente. Giit ni Guevarra, higit na kailangan ng DOJ ang mas malawak na poder para sa pangangasiwa ng BuCor na may saklaw sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa City. Partikular na tinukoy ng Kalihim ang kinasangkutan gusot ng BuCor makaraang ipasara ng…

Read More

BALIK-DALAW HIRIT NG BJMP

MATAPOS ang halos dalawang taong restriksyon, hiniling ng Bureau of Jail Management (BJMP) sa Inter-Agency Task Force (IATF) na muling pahintulutan ang pagdalaw ng mga kaanak sa mga bilanggo sa mga piitang nasa low-risk areas. Sa isang kalatas, sinabi ni BJMP Spokesperson Chief Inspector Xavier Solda na handang-handa na ang kanilang hanay sa mahigpit na pagpapatupad ng mga patakarang naglalayong tiyakin ang kalusugan ng mga persons deprived of liberty (PDL). Kabilang sa mga panuntunang tinukoy ni Solda ay ang pagsala sa mga dalaw na kailangang magprisinta ng mga patunay na…

Read More

Ngayong holiday season PAGDAGSA NG PASAHERO, INAASAHAN NG BI

NANANATILING optimistiko si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente na tataas ang bilang ng parating na mga pasahero para sa holiday season sa kabila ng travel restrictions na ipinatutupad dahil sa banta ng Omicron variant ng COVID-19.  “We see that domestic travel is, little by little, bouncing back, and we see the same coming soon for the international travel sector,” ani Morente. Ibinahagi pa ni Morente na sa unang araw ng buwan ay nakapagtala ng 85% ng arrivals ng mga Pilipino, karamihan sa kanila ay mga OFW at balikbayan.…

Read More

NATIONAL BUDGET, RARATIPIKAHAN BAGO XMAS BREAK

TARGET ng dalawang kapulungan ng Kongreso na maratipikahan ang 2022 national budget na nagkakahalaga ng P5.024 trillion, sa susunod na linggo, partikular na sa Disyembre 13, 2021. Ito ang nabatid mula kay House Committee on Appropriation Chairman Eric Yap sa ambush interview kahapon matapos simulan ang Bicameral Conference meeting ng Kamara at Senado hinggil sa 2022 General Appropriation Bill (GAB). “Target lang namin is December 13 pero para maipasok siya ng hopefully by Christmas ma-sign ni President ‘yung budget,” ani Yap. Ang Kongreso ay nakatakdang magbakasyon mula Disyembre 15, 2021 para…

Read More

PINAS, MINIMAL RISK NA SA COVID-19

MAGANDANG balita ang ipinarating ng Department of Health (DOH) hinggil sa kalagayan ng bansa sa COVID-19 pandemic. Ayon sa DOH, nasa ‘minimal risk’ na ang buong kapuluan bunsod ng patuloy na pagbaba ng mga kaso ng coronavirus. Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mas mababa na sa 1 ang ‘average daily attack rate’ ng bansa mula Nobyembre 22 hanggang Disyembre 5. “Nationally we remain at minimal risk case classification with a negative two-week growth rate at -57% and a low-risk average daily attack rate at 0.67 cases for every…

Read More

Patayan na 2 MAYOR SA ZAMBOANGA INAMBUSH

(JESSE KABEL) PATAY sa pananambang ang isang alkalde at drayber nito, habang sugatan naman ang isa pang mayor na kasama nila nang tambangan ng hindi pa kilalang mga suspek sa Baliwasan Seaside sa Zamboanga City kahapon ng umaga. Hindi umabot pang buhay sa pagamutan si Mayor Darussalam Lajid ng bayan ng Al-Barka, Basilan habang kritikal naman si Mayor Alih Awal Sali ng bayan ng Akbar sa Basilan. Patay rin sa insidente ang pinsan ni Mayor Sali na si Barad Nuruddin na nagmamaneho ng sasakyang tinambangan bandang alas-8:30 ng umaga sa…

Read More

P230K NATANGAY NG BASAG-KOTSE

NAGPALABAS ng isang malawakang babala ang Cavite provincial police kaugnay ng magkahiwalay na pagsalakay ng isang grupong pinaniniwalaang nasa likod ng pagnanakaw ng mga kagamitan sa loob ng mga sasakyan. Sa tala ng Cavite PNP, hindi bababa sa P230,000 halaga ng mga kagamitan ang natangay ng mga miyembro ng Basag Kotse gang sa bayan ng Silang nito lamang nakaraang Sabado. Kinilala ang mga biktimang sina Glenn Rosales ng Sta. Rosa. Laguna at Kimberly Briones Coloma na mula naman sa Lipa City sa lalawigan ng Batangas. Ayon sa imbestigasyon ng pulisya,…

Read More

KONSEHAL SAPUL SA TANDEM

SA pagtatapos ng himig ng pambansang awit, muntik na ring matapos ang buhay ng isang konsehal makaraang puntiryahin ng riding-in-tandem sa Barangay San Agustin, Sarrat, Ilocos Norte kahapon ng umaga. Sa paunang ulat ng pulisya, papasakay na sa kanyang sasakyan si Konsehal Apolonio Medrano pagkatapos dumalo sa flag raising ceremony sa munisipyo, nang paputukan ng hindi pa kilalang mga suspek na lulan ng humaharurot na motorsiklo. Mabilis namang isinugod sa pagamutan ang biktimang agad na nilapatan ng lunas. Ayon sa mga saksi, mabilis na tumalilis palayo sa lugar ng insidente…

Read More