2 TODAS, 1 KRITIKAL SA PAMAMARIL SA BATANGAS

BATANGAS – Dalawang lalaki ang namatay habang isa ang sugatan sa tatlong insidente ng pamamaril sa loob ng walong oras sa lalawigang ito, noong Lunes. Unang namatay ang 49-anyos na construction worker na si Randy dela Peña na pinagbabaril ng riding in tandem habang nakikipag-usap sa kanyang mga kaibigan sa harap ng kanyang bahay sa Brgy. Bayorbor, sa bayan ng Mataas na kahoy dakong alas-1:10 ng hapon. Dead on the spot ang biktima habang mabilis na tumakas ang mga suspek. Sa Lungsod ng Sto. Tomas, patay ang 50-anyos na si Mario Cielo…

Read More

F2F CLASSES SA VALENZUELA ‘DI PA PINAL

NILINAW ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian na “for approval” pa ng Department of Education ang face-to-face classes sa dalawang paaralang pang-elementarya sa Valenzuela City.  “Sa mga nagre-react dyan, ang limited face-to-face classes ay for approval pa ng Regional DepEd. Simulation palang ito,” ayon sa post ni Gatchalian sa Facebook. “Hindi pa lahat ng schools sa Valenzuela City ay allowed na magsagawa ng face-to-face classes. Dalawa pa lang ang recommended natin for the limited f2f classes – DV (Disiplina Village) Bignay ES at Tagalag ES pa lang,” giit ng alkalde.…

Read More

NCR MANANATILI SA ALERT LEVEL 2 HANGGANG DEC. 15

MANANATILI ang Kalakhang Maynila at karamihan sa lugar sa bansa sa ilalim ng Alert Level 2 mula Disyembre 1 hanggang 15 bilang bahagi ng pag-iingat laban sa pagpasok ng bagong Omicron variant ng COVID-19. “The Inter-Agency Task Force (IATF) approved on Monday, November 29, 2021 the recommendation to place the National Capital Region under Alert Level 2,” ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles. Bukod sa Metro Manila, nasa ilalim din ng Alert Level 2 ang mga sumusunod: Cordillera Administrative Region (CAR): Benguet, Abra, Kalinga, Baguio City,…

Read More

Babae itinumba, ka-live-in sapul din MADUGONG AFTERNOON WALK

DEAD on arrival sa ospital ang isang 38-anyos na ginang makaraang barilin sa ulo ng lone gunman habang nasa malubhang kalagayan ang kinakasama niyang tinamaan ng ligaw na bala noong Lunes ng gabi sa Hermosa St., Tondo, Manila. Kinilala ni P/Lt. Col. Cenon Vargas Jr. ang biktimang si Abigail Ampil y Febres, naninirahan sa Benita St., Tondo. Nasa malubhang kalagayan naman ang live-in partner nitong si Kagawad Frankie Seña y Perez, 28, ng nasabi ring lugar. Batay sa ulat na isinumite ni P/Lt. Adonis Aguila, hepe ng Manila Police District-Homicide…

Read More

2 DRUG SUSPECTS KULONG SA P346K SHABU

BAGSAK sa kulungan ang dalawang newly listed drug personalities matapos makuhanan ng mahigit sa P.3 milyong halaga ng umano’y shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Malabon City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Malabon Police chief, Col. Albert Barot ang arestadong mga suspek na sina Irene Flores, 42, ng Bisig ng Kabataan, Brgy. 2, Caloocan City, at Vincent Macapar, 27, ng Pampano St., Brgy. Longos. Ayon sa imbestigasyon ni P/MSgt. Randy Billedo, dakong alas-4:30 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), sa ilalim…

Read More

Mula 5pm-9pm NUMBER CODING SA NCR EPEKTIBO NA

EPEKTIBO na simula ngayong Miyerkoles ang Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o ang number coding scheme sa rush hour mula alas-5:00 ng hapon hanggang alas-9:00 ng gabi mula Lunes hanggang Biyernes maliban kung piyesta opisyal, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). Sa kanyang press conference kahapon sa MMDA Headquarters sa Brgy. Guadalupe, Makati City, sinabi ni MMDA Chairman Benhur Abalos na tanging mga pribadong behikulo sa buong Metro Manila ang sakop ng pagpapatupad ng number coding scheme sa loob ng apat na oras, at tatagal ng tatlong linggo. Exempted…

Read More

WARAYLANDIA SOLID ANG SUPORTA SA BBM-SARA UNITEAM

LIBU-LIBO ang sumalubong kina UniTeam Presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at Vice Presidential aspirant Sara Duterte sa kanilang pagbisita sa Borongan, Eastern Samar, nitong Lunes, Nobyembre 30. Unang nagtungo ang BBM-Sara UniTeam upang opisyal na pasinayaan ang pagbubukas ng UniTeam headquarters sa Borongan City. Bago naman tumuloy sa UniTeam rally sina Marcos Jr. at Sara, isang motorcade ang isinagawa nila bilang pasasalamat sa mainit na pagtanggap ng mga Boronganon sa kanilang tambalan. Napuno naman ng mga tao na nakapula at berde ang mga kasuotan ang kahabaan ng Bay Boulevard…

Read More

2 RAPE SUSPECTS NASUKOL NG PNP BICOL

DALAWANG suspek sa panggagahasa ang nadakip ng mga tauhan ni PNP-PRO5 Regional Director P/BGen. Jonnel C. Estomo sa magkahiwalay na operasyon sa mga lalawigan ng Aurora at Masbate. Kinilala ni P/BGen Estomo ang nadakip sa Aurora Province na si Jovinal Ugale Molina, 61, tinaguriang no. 5 most wanted person sa Viga Municipal Police Station. Si Molina ay suspek sa panggagahasa sa isang dalaga sa bayan ng Viga. Pagkaraan ay nagtago ang suspek ng halos 16 taon hanggang sa madakip sa Sitio Kipit, Purok 6, Brgy. Dinadiawan, Dipaculao, Aurora Province. Samantala,…

Read More

MURDER SUSPECT NATUNTON NG PNP-PRO5 SA NOVALICHES

“WE cannot give in to pressure or else it will control us.” Ito ang naging pahayag ni PNP-PRO5 Regional Director P/BGen. Jonnel C. Estomo matapos na matunton ng kanyang mga tauhan ang tinaguriang Camarines Norte most wanted person sa Novaliches Quezon City. Ikinonsidera ni P/BGen. Estomo na close case na ang murder case makaraang madakip sa manhunt operation makalipas ang 12 taong pagtatago, ang suspek na si Jose Jalimao Napao, construction worker, residente ng Purok 4, Sitio Canalmacan, Anameam, Labo, Camarines Norte. Si Napao ay trinabaho ng pinagsanib na puwersa…

Read More