P15.7-B HCWs BENEFITS NI-RELEASE NA NG DOH

INILABAS na ng Department of Health (DOH) ang P15.7 bilyon pondo para sa mga benepisyo ng healthcare workers sa bansa. May kabuuang P15,719,085,923.00 ang nailabas nang pondo nitong Nobyembre 26, base sa Statement of Allotment, Obligation and Balances (SAOB) ng kagawaran. Ayon sa DOH, kabilang dito ang P7,915,760,434 Special Risk Allowance (SRA) ng 486,585 healthcare workers mula Disyembre 20, 2020 hanggang Hunyo 30, 2021 habang nasa P6,555,957,185 na SRA at active hazard duty pay (AHDP) ang nailabas na rin. Umabot naman sa P1,231,098,680 ang ni-release para sa ‘meals, accommodation, and…

Read More

ONG, DARGANI INILIPAT NA SA PASAY JAIL

NANINDIGAN si Senate Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon na may hangganan ang pagsisinungaling ng mga resource person sa imbestigasyon ng Senado. Ito ay kasunod ng paglilipat nila sa Pasay City Jail kina Pharmally Pharmaceutical Corporation executives Linconn Ong at Mohit Dargani mula sa kanilang kustodiya. Ang dalawa ay sumailalim muna sa medical check up kabilang na ang antigen test para sa COVID-19 bago ibiniyahe sa Pasay City Jail. Ipinaalala ni Gordon na ang Senado bilang co-equal branch ng pamahalaan ay binigyan ng powers of legislation at oversight ng konstitusyon.…

Read More

SUCs SA BANSA NAIS DAGDAGAN NI MARCOS

ISUSULONG ni Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na makapagpatayo pa ng maraming State Universities and Colleges (SUCs) sa mga lalawigan upang mas mabigyan ng pagkakataon ang mga kabataang Pilipino na makapag-aral. Binigyang-diin ni Marcos na kailangang unahin ang edukasyon sa bansa kaya ang pagpapatayo ng dagdag pang mga paaralan ay mas makatutulong upang mapahusay ang kakayahan, kagalingan at kaalaman ng mga mag-aaral. Ito rin aniya ay magbibigay oportunidad sa mga mahihirap na pamilya upang mapag-aral ang kanilang mga anak nang hindi inaalala ang tumataas na…

Read More

IMBESTIGAHAN NATIN

AANHIN pa ang damo kung patay na ang kabayo? Ito mismo ang kwento ng mga kawani ng Bureau of Customs (BOC) na inabutan ng kanilang pagpanaw nang hindi man lamang nakuha ang insentibong kalakip ng kanilang katapatan, husay at sigasig para malagpasan ang itinakdang target collection ng puertong kanilang kinabibilangan. Sa isang mensaheng ipinaabot ni Reynaldo Galeno, dating kawani ng BOC, taong 2018 pa nila hinihintay ang insentibong nakasaad sa ilalim ng Republic Act 9335 (Lateral Attrition Law) na naglalaan ng bahagi ng anumang labis sa pondong nalikom ng isang…

Read More

JET FUEL SISILIPIN, TARIPA SUSURIIN

SA hangaring protektahan ang interes ng gobyerno, tinungo kamakailan ng iba’t ibang kinatawan mula sa mga tanggapan ng Bureau of Customs (BOC) ang Petron Bataan Refi­nery sa Limay, Bataan kung saan nakalagak ang mga inangkat ng A1 fuel na gamit ng mga sasak­yang himpapawid. Partikular na tinutukan sa pagbisita sa pinakamalaking oil refinery facility sa buong bansa ang proseso sa daloy ng importasyon ng Jet A1 fuel. Bago ang pagbisita sa Petron Oil Refinery facility sa baybaying lokalidad ng Limay, nagpulong sina Customs Deputy Collector for Administration Atty. Ruperto Bustamante,…

Read More

Target ng Port of Limay E-PAYMENT SA TARIPA

SA hangaring tuluyan nang tuldukan ang agam-agam ng publiko sa kampanya ng Bureau of Customs (BOC) kontra katiwalian, target ng Port of Limay sa lalawigan ng Bataan ang pagpapatupad ng alternatibong sistema sa pagbabayad ng buwis at taripa sa mga pumapasok at lumalabas na kargamento. Sa isang diskurso kasama ang mga kawani mula sa Management Information System and Technology Group (MISTG), iginiit ni Port of Limay district collector Atty. William Balayo ang bentahe ng “no contact policy” para sa kanilang Puerto. Aniya, marapat din tupdin ang 10-Point Priority Program ni…

Read More

PALITAN NG KAALAMAN PARA SA MAUNLAD NA KALAKALAN

BILANG tugon sa direktiba kaugnay ng polisiya sa pagpapaigting ng kalakalan, isang programa ang ipinatupad sa hanay ng mga 17 district collection offices at iba pang tanggapan ng Bureau of Customs (BOC), bagay na nakikitang dahilan sa likod ng patuloy na pagsipa ng koleksyon ng pamahalaan. Kabilang naman sa mga district collection offices na nagbahagi ng kanilang kaalaman ang mga puertong nakapagtala ng higit pa sa kanilang mga target na kita at maging yaong matagumpay na nakasungkit ng ISO certification na patunay ng husay ng pinaiiral na sistema. Ayon kay…

Read More

Kumpiskadong kargamento, ‘di inilalako SCAM NA NAMAN!

KAILANMAN hindi inilalako ng Bureau of Customs (BOC) ang mga kumpiskadong kargamento. Ito ang paglilinaw ng ahensya kaugnay ng isang grupong nagpapakilalang pinagkatiwalaan umano ng kawanihang magbenta ng mga high-tech gadgets na nasabat sa operasyon kontra smuggling. Babala ng BOC, walang probisyon sa ilalim ng kanilang umiiral na reglamento ang pagtatalaga ng organisasyon o pribadong kumpanya para sa pagbebenta ng mga kumpiskadong kargamento. Partikular na tinukoy ng kawanihan ang nagkalat na social media post ng grupong Olguopic-UK na nagsasabing sila mismo ang itinalagang tagabenta ng mga nasabat na high-tech gadgets…

Read More

BBM message on Omicron variant:

We are under the threat of a new variant of COVID-19: the Omicron. Don’t be disheartened. We have been there. We have survived COVID-19’s all earlier variants. I, myself, have survived COVID-19. It’s a painful process, but I did beat COVID-19. As a unified country, we will survive Omicron. We can still prevent it. Border control must be strengthened with health protocols maintained and we must speed up mass vaccinations to achieve herd immunity fast. The sooner, the better. We shall not allow the little gains against the pandemic we…

Read More