BBM-SARA UNITEAM INENDORSO NG 44 CEBU MAYORS PARA SA 2022

APATNAPU’T apat na alkalde mula sa lalawigan ng Cebu ang nagpahayag ng suporta sa BBM-SARA Uniteam bilang opisyal nilang pambato sa nalalapit na 2022 national elections. Ang suportang ito ay ginawa mismo sa harap nina presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at running-mate na si vice-presidential bet Inday Sara Duterte nang kapwa sila humarap bilang mga panauhing pandangal sa regional planning conference ng League of Municipalities of the Philippines (LMP) sa Cebu nitong nakalipas na Biyernes. “In behalf of all the 44 mayors of the province of Cebu, particular to…

Read More

P13.6-M SHABU KUMPISKADO SA BULACAN

BULACAN – Mahigit 2 kilo ng hinihinalang shabu na P13.6 million ang halaga ang narekober ng Malolos Police sa hinihinalang drug trafficker sa Barangay Tikay, Malolos City sa lalawigang ito, nitong Biyernes. Kinilala ni Police Regional Director P/BGen. Matthew Baccay ng Police Regional Office 3 (PRO3) ang suspek na si Abubakar Sandigan, alyas “Kapatid”, 31, residente ng Brgy. 311, Quiapo, Manila. Iniharap sa local media nina Baccay at PCol. Manuel Lukban Jr., Bulacan Police Acting Provincial Director, ang suspek na nadakip ng mga tauhan ng City Drug Enforcement Unit (CDEU)…

Read More

AYUDA MULA SA AICS, TUPAD IPINAMAHAGI

PINASINAYAAN ni Senator Joel Villanueva ang mga payout ng sweldo at financial assistance sa mahigit 2,500 beneficiaries mula sa emergency employment at ayuda programs sa bayan ng Bocaue nitong Miyerkoles, Nob. 24. Isinabay ang aktibidad sa paggunita sa kaarawan ng yumao niyang kapatid na si Mayor Joni Villanueva- Tugna. Kasama ng senador ang kapatid na si former Mayor Jon-Jon Villanueva at bayaw na si dating CIBAC Party-List Congressman Sherwin Tugna, at ang buong grupo ng Team Solid. Nabatid na umabot sa 1,281 beneficiaries ang tumanggap ng ayuda mula sa Assistance…

Read More

8 minors nasagip 4 ARESTADO SA PROSTITUSYON

LAGUNA – Arestado sa ikinasang operasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) sa bayan ng Pansol ang apat kataong pinaniniwalaang mga miyembro ng isang sindikatong nagbebenta ng mga menor de edad sa mga turistang banyaga. Kasabay ng pagkakadakip sa mga suspek na kinilalang sina Emman Delgado, Clarence Mane, Angela de Gala at Michelle Saturno, nasagip naman ng mga operatiba ang 10 kababaihan – kabilang ang walong menor de edad. Kasong paglabag sa Republic Act 9208 (Anti-Trafficking in Persons Act) ang nakatakdang isampa ng NBI – Laguna District Office sa arestadong mga…

Read More

2 TAGA-KYUSI, ITINUMBA SA QUEZON

QUEZON – Patay ang dalawang lalaking magkamag-anak na parehong taga Quezon City matapos pagbabarilin sa loob ng kanilang sasakyan sa Eco Tourism Road sa bayan ng Sariaya sa lalawigang ito, noong Huwebes ng hapon. Batay sa nakuhang ID ng mga biktima, kinilala ang mga ito na sina Ace Perez Aceron, 38, at Rodolfo Perez Raval, 74, parehong residente ng Ilocos Sur St., Bago Bantay, Quezon City. Ayon sa imbestigasyon ng Sariaya PNP, dakong alas-4:20 ng hapon nang matagpuan ang bangkay ng mga biktima sa loob ng puting Nissan Urvan na may plate number…

Read More

4 ARESTADO SA P576K DAMO

SWAK sa kulungan ang apat na hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang babae, matapos makuhanan ng halos P.6 milyon halaga ng umano’y shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Malabon City noong Huwebes ng gabi. Kinilala ni Malabon Police chief, Col. Albert Barot ang arestadong mga suspek na sina Prea Enate, 21, ng Caloocan; Lyndon Regino alyas “Dodong”, 27, ng Brgy. Tonsuya; Mark Carlo Fortes, 20, ng Navotas City, at Jarwin Gamalog alyas “Aweng”, 20, ng Caloocan City. Ayon kay Col. Barot, dakong alas-7:30 ng gabi nang magsagawa ang…

Read More

PAGBASURA SA KASO VS ONGPIN, INAPELA NG DOJ

UMAPELA ang Department of Justice (DOJ) sa pagbasura ng korte sa asuntong drogang isinampa laban sa anak ng bilyonaryong dating kalihim ng isang kagawaran ng gobyerno. Sa isinumiteng motion for reconsideration (MFR) ng tagausig, hiniling nito sa San Fernando City, La Union Regional Trial Court na bawiin ang dismissal sa drug case na isinampa laban kay Julian Ongpin na nakuhanan ng mahigit sa 12 gramo ng droga sa isang hotel room kung saan natagpuang walang buhay ang nobya nitong si Bree Jonson. Giit ng prosekusyon, may nakalap na silang mga…

Read More

SADISTANG MISTAH PUNTIRYA NG ARMY

KASABAY ng pagsipa ng 18-araw na kampanyang naglalayong tuldukan ang karahasan sa hanay ng mga kababaihan, nanindigan ang Philippine Army na ipagtatanggol ang mga Pilipina sa kamay ng mga abusado, bilang tugon sa isinusulong na “End Violence Against Women.” Sa isang virtual forum, hinimok ni Vice Commander of the Philippine Army Maj. Gen. Robert Dauz ang kanilang hanay na sumunod sa mga probisyong kalakip ng Republic Act 9262 (Anti-Violence Against Women and Their Children Act) at gayundin ang RA 11313 (Safe Space Act). Aniya, hindi rin dapat mamayani ang diskriminasyon…

Read More

TRADER KINASUHAN NG BIR SA PEKENG YOSI

SINAMPAHAN ng kasong kriminal ng Bureau of Internal Revenue (BIR) kahapon sa Department of Justice (DOJ) ang isang negosyante dahil sa pekeng mga sigarilyo.  Ang negosyanteng si Arthur Villena Bautista ay sinampahan ng kasong “Unlawful Possession or Removal of Articles Subject to Excise Tax Without Payment of Tax, Failure to File Excise Tax Returns at Unlawful Pursuit of Business na paglabag sa Section 263, 255 at 258 ng National Internal Revenue Code of 1997, as amended. Si Bautista ay nahaharap sa kabuuang pagkakautang sa excise tax na halagang P1,662,525, kasama ang mga tubo. Ang respondent ay…

Read More