OFFICIAL WEBSITE NI ISKO INILUNSAD

INILUNSAD ni Aksyon Demokratiko Presidential Bet at Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang kanyang official campaign website nitong Huwebes, Nobyembre 25. Ang campaign website na, “tayosiisko.com” ay pormal na inilabas sa isang virtual meet and greet session kasama ang kanyang mga tagasuporta at ang running mate na si Dr. Willie Ong. Ang “tayosiisko.com” ay inaasahan na magiging online platform ni Moreno kung saan makikita ang mga impormasyon tungkol sa kanyang pagtakbo bilang presidente. Pinasalamatan ni Moreno ang kanyang libo-libong mga tagasuporta na dumalo, maging ang running mate na si…

Read More

BBM-SARA UNITEAM SUPORTADO NG CEBU BUSINESSMEN

MAHIGIT 50 negosyante sa Cebu ang pormal na nagpahayag ng suporta sa pagsusulong ng BBM-SARA Uniteam sa isang simpleng seremonya sa Mandaue City, Biyernes ng umaga. Ang mga negosyante, karamihan ay mula sa small and medium entrepreneurs (SMEs) na naapektuhan at pilit bumabangon sa gitna ng pandemya, ay bumuo ng samahan na tinawag nilang Businessmen ng Bayan Movement of the Philippines (BBM). Ani Benjie Hortelano, presidente ng BBM, malaki ang kanilang paniniwala na muling sisigla ang ekonomiya sa ilalim ng Marcos administration. “BBM is rooting for the BBM-SARA Uniteam,” anang…

Read More

Inilunsad ng PNP Bicol, TESDA, LGUs SKILLS, LIVELIHOO PROGRAM SA EX-REBELS

UMABOT sa 25 rebel returnees ang naging benepisyaryo ng inisyatibo sa inilunsad na skills and livelihood training program ng Camarines Sur Police Provincial Office (CS PPO) sa tulong ng TESDA. Ang programang ito ay naka-angkla sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP na ipinatutupad ng gobyerno para patuloy na mabigyan ng direksyon at pag-agapay ang mga dating nalihis ng landas. Ang E-CLIP ay isang programa ng pamahalaan na naglalayong bigyang ng tulong at pagkakataong magbago ang mga dating naging kasapi ng New People’s Army. Sa pamamagitan nito, sila ay…

Read More

BINATA PATAY SA PULIS DAHIL SA FACE MASK

PAMPANGA – Patay ang isang 20-anyos na binata matapos mauwi sa pamamaril ang paninita ng pulis sa hindi pagsuot ng face mask sa bayan ng Bacolor sa lalawigang ito. Ayon sa isinumiteng ulat ng Bacolor Municipal Police Station sa PNP Police Region Office 3, kinilala ang biktimang si Abelardo Vasquez, tinamaan ng tatlong bala sa katawan. Naisampa na ang kasong homicide laban kay Police Cpl. Alvin Pastorin, 33, isang intel officer ng Pampanga Police Provincial Office. Si Pastorin ay nakakulong na sa Bacolor Police Station. Tiniyak ni PNP chief, P/Gen.…

Read More

7 WANTED NABITAG NG PNP-PRO5

PITO katao na pawang pinaghahanap ng mga awtoridad ang nasakote ng mga tauhan ng PNP Police Regional Office 5 sa inilunsad na all-out campaign against wanted persons noong Nobyembre 24, 2021. Una sa listahang isinumite kay Bicol PNP chief, P/BGen. Jonnel C. Estomo ang 69-anyos na street sweeper ng Casiguran, Sorsogon na kinilalang si Isidoro Borromeo Jr. y Hibe, nahaharap sa kasong paglabag sa RA 8048 o “Preservation Act of 1995” batay sa ipinalabas na warrant of arrest ng Municipal Circuit Trial Court ng Juban/Casiguran, Fifth Judicial Region, Probinsya ng…

Read More

RANDOM DRUG TEST SA MPD

NASORPRESA ang mga miyembro ng Manila Police District – Sampaloc Police Station 4 nang isalang sila sa random drug test, Huwebes ng umaga. Napuno sa haba ng pila ng mga tauhan ng Station 4 ang quadrangle ng MPD sa United Nations Avenue, Ermita, Manila. Ayon kay P/Cpt. Philipp Ines, hepe ng Public Information Office, bahagi ang random drug test ng Intensified Cleanliness Policy na ipinatutupad ni MPD Director P/Brig Gen. Leo “Paco” Francisco. Sa mga nakalipas na buwan ay nagsagawa na rin ng random drug test sa mga tauhan ng…

Read More

RETIRADONG PULIS TINANIMAN NG BALA SA SENTIDO

PATAY ang 66-anyos na retiradong pulis makaraang taniman ng bala sa ulo ng dalawang hindi pa kilalang mga suspek habang naglalakad kasama ang kanyang aso sa Quezon City, kamakalawa ng umaga. Kinilala ang biktimang si Robert Tortogo, isang retiradong pulis at residente ng Barangay Payatas, Quezon City. Batay sa paunang ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bandang alas-6:05 ng umaga, nang sumulpot mula sa likod at malapitang barilin sa ulo ng ‘di pa nakikilalang suspek ang biktimang noo’y ipinapasyal ang kanyang alagang aso. Mabilis namang…

Read More

Solusyon sa unemployment – Defensor 178K TRABAHO SA GOV’T, PUNAN

KINALAMPAG ni Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor ang mga ahensya ng gobyerno na lagyan na ng tao ang 187,000 bakanteng posisyon lalo na’t milyon-milyon ang walang trabaho. “The government is the country’s biggest employer. It can ease the unemployment problem by hiring personnel to fill job vacancies, for which there are funds in the annual budget,” ani Defensor. Base aniya sa 2022 national budget document na isinumite sa Kongreso, umaabot sa 1,899,747 ang permanent position sa buong burukrasya. Gayunpaman, sa naturang bilang ng permanenteng posisyon, 1,721,753 lamang ang may tao…

Read More

Unang COVID-19 oral treatment FABERCO NAG-TURNOVER NG MOLNUPIRAVIR SA MANILA

ITINURN-OVER ng Faberco Life Sciences, Inc. noong Martes (Nobyembre 23), ang first batch ng MOLNUPIRAVIR (Molnarz™) sa City of Manila sa seremonyang ginanap sa Manila COVID-19 Field Hospital sa Luneta. Tinanggap nina Manila Mayor Isko Moreno, Vice Mayor Honey Lacuna, at Doc Willie Ong ang gamot. Ang City of Manila ang unang Local Government Unit na bumili ng MOLNUPIRAVIR (Molnarz™) sa pamamagitan ng Faberco Life Sciences, Inc. Ang Santa Ana Hospital, sa pamamagitan ng Compassionate Special Permit (CSP) na inisyu ng Philippine Food and Drug Administration, ang recipient/receiving hospital para…

Read More