INAPRUBAHAN na sa Bicameral Conference Committee ang panukalang batas na itaas sa 16-anyos ang edad ng biktima ng statutory rape mula sa kasalukuyang 12-anyos pababa. “Finally, the decades-old loophole in the law will be addressed, and we are one step away from adhering to our commitments to international conventions on women and children’s rights,” ani Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas na pangunahing may akda sa nasabing panukala. Nakatakdang ratipikahan sa dalawang Kapulungan ng Kongreso ang nasabing panukala bago isumite sa Office of the President (OP) upang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte. Itinaon…
Read MoreAuthor: admin 2
ORGANIC FARMING ITATAGUYOD NI BONGBONG
ISUSULONG ni Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang pagbalangkas ng isang comprehensive organic farming framework na magbibigay-daan para maging viable option para sa mga magsasakang Pilipino ang nasabing sektor. Ayon kay Marcos, mabagal pa din ang pagdagdag ng mga ektaryang ginagamit sa organic farming sa kabila ng pagsabatas mahigit sampung taon nang nakalipas, ng Republic Act No. (RA) 10068 na kilala ring “Organic Agriculture Act of 2010.” “The law mandates that the government has to promote, propagate, develop further and implement the practice of organic…
Read MoreSUSPEK SA PAGPATAY, BUKING SA TSINELAS
CAVITE – Dahil sa naiwang tsinelas sa crime scene, nabisto ang pagpatay ng isang 78-anyos na lalaki sa kapwa magsasaka na natagpuang tadtad ng saksak sa bayan ng Silang sa lalawigang ito, noong Lunes ng umaga. Hinihinalang may ilang oras nang patay nang natagpuan ang biktimang si Jeofrey Gane, 52, binata, ng Purok 1, Brgy. Biga 1, Silang, Cavite dahil sa tama ng mga saksak sa katawan Arestado naman ang suspek habang naghahanda nang tumakas na si Anthony Madrid, may asawa, ng Purok 1, Brgy. Biga 1, Silang. Ayon sa…
Read More2 PATAY SA KARAMBOLA NG 4 SASAKYAN
BATANGAS – Dalawa ang patay matapos magkarambola ang apat na sasakyan sa national highway sa bayan ng Bauan sa lalawigang ito, noong Lunes ng hapon. Ayon sa Bauan Police, kinasasangkutan ang aksidente ng isang Asian Utility Vehicle, isang pick-up, isang tricycle at isang motorsiklo. Namatay sa insidente ang driver ng motorsiklo na si Henry Pasia at ang driver ng tricycle na si Norberto Rabacid. Batay sa imbestigasyon, nabangga ng AUV na minamaneho ni Romeo Evangelista, ang sinusundang motorsiklo at tricycle sa kahabaan ng Palico-Balayan-Batangas Road sakop ng Brgy. As-is, Bauan dakong alas-2:30 ng hapon.…
Read MoreRAPE SUSPECT SA REGION 5, NABITAG SA QC
ARESTADO ang isang 30-anyos na tinaguriang no. 2 most wanted person ng Region 5, noong Lunes ng hapon sa Brgy. Manresa, Quezon City. Kinilala ang suspek na si Rey Timana y Cabiles, alyas “Dadeng”, 30, binata, ng Canumay West, Valenzuela City, naaresto ng mga tauhan ng Quezon City Police District bandang alas-3:30 noong Lunes ng hapon sa Ragang St., Brgy. Manresa, Quezon City. Ang suspek ay inaresto sa bisa ng isang search warrant na ipinalabas ni Judge Pedro Redona ng RTC Branch 63, 5th Judicial Region, Calabanga, Camarines Sur, sa kasong rape. Ayon sa QCPD, ang suspek na nakapiit sa himpilan…
Read More7 BAYAN SA LAGUNA, ZERO COVID NA
LAGUNA – Umabot na sa pitong bayan ang idineklarang COVID-free sa lalawigan, ayon sa Laguna Provincial Health Office. Wala nang naitalang aktibong kaso o ‘zero’ na sa COVID-19 ang mga bayan ng Alaminos, Majayjay, Lumban, Pangil, Lusiana, Rizal, at Famy. Sa ibang bayan naman ay patuloy na ring bumababa ang mga tinatamaan ng sakit. Sa pinakahuling bulletin na inilabas noong Nobyembre 22 ng hapon, 282 na lamang ang aktibong kaso ng COVID-19 habang 96,449 ang mga gumaling at 3,115 ang mga namatay. (CYRILL QUILO) 523
Read MoreONLINE TRANSACTION SA GSIS PENSIONERS
NANAWAGAN ang Government Service Insurance System (GSIS) sa mga pensiyonado na makipagtransaksyon online ngayong panahon ng pandemya. Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni GSIS VISMIN Operations Group vice president Vilma Fuentes, na layon ng kanilang panawagan na himukin ang lahat ng mga pensyonado na gawing online ang kanilang mga transaksyon, gaya ng Annual Pensioners Information Revalidation o APIR. Kabilang na rin aniya rito ang application for commencement of pension o pagsisimula ng pensiyon. Hinikayat din ni Fuentes ang lahat ng GSIS pensioners na gawin ng online ang kanilang transaksyon…
Read More40K ANTI-COVID CAPSULES DUMATING SA MAYNILA
NAIDELIBER na sa pamahalaang lungsod ng Maynila ang 40,000 kapsula ng anti-COVID-19 na Molnupiravir na sinasabing makababawas ng 50% sa tsansa na maospital o mamatay ang isang pasyente na nahawa ng nasabing virus. Ayon sa ulat ni Mayor Isko Moreno, nakaimbak na ang naturang mga gamot sa Sta. Ana Hospital na may sapat na espasyo para paglagakan ng antiviral na gamot. Simbolikong iniabot ng alkalde ang ilang kahon ng Molnupiravir sa Manila COVID-19 Field Hospital sa Luneta upang tiyakin sa mga pasyente na may mild at moderate na sintomas na…
Read More3 TIKLO SA DRUG OPS SA VALENZUELA
TIMBOG ang tatlong drug personalities sa isinagawang magkahiwalay na anti-drug operation ng pulisya sa Valenzuela City. Sa report ni P/SSG Ana Liza Antonio kay Valenzuela Police chief, P/Col. Ramchrisen Haveria Jr., dakong alas-4:30 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), sa pangunguna ni P/Lt. Joel Madregalejo, ng buy-bust operation sa Policarpio St., Brgy. Gen T. De Leon na nagresulta sa pagkakaaresto kay Rolando Malongayon Jr., 30-anyos. Habang sa Brgy. Ugong, nadakip din ng kabilang team ng SDEU ang suspek na si Alfredo Santos…
Read More