QC CONGRESSIONAL CANDIDATE, PUMALAG SA DQ CASE

PUMALAG ang isang congressional candidate sa District 5 ng Quezon City sa paulit-ulit at walang basehang disqualification case na matagal nang ibinasura ng korte dahil sa kawalan ng merito. Sa pahayag ni Rose Lin, kandidato sa hanay ng Malayang Quezon City, sinabi niyang may pinal nang desisyon ang korte na siya ay lehitimong residente ng District 5 at rehistradong botante rin ng nasabing lugar. Isang Annalou Apelado, sa pamamagitan ng kanyang abogado, ang muling naghain ng petisyon sa Election Office para ipawalang-bisa ang kandidatura ni Lin kahit na ibinasura ang…

Read More

CCP, IPINAGDIRIWANG ANG FILIPINO COMPETITIVE SPIRIT SA TEAM PILIPINAS DOCU SCREENING

Ang winning spirit at sportsmanship ng mga Pilipino ang nagdala sa ikalawang installment ng WAGI! Celebration of Filipino Excellence, isang series ng film screenings upang maging daan sa muling pagbubukas ng Cultural Center of the Philippines at ipagdiwang ang kahusayan ng mga Pinoy. Isang espesyal na programa at isang moderated discussion kay Hidilyn Diaz (Olympic Gold Medalist in weightlifting) at boxers na sina Nesthy Petecio at Carlo Paalam (Olympic Silver medalists), at Eumir Marcial (Olympic Bronze medalist), na isasagawa sa Nobyembre 26 sa ganap na ala-7:00 ng gabi sa Tanghalang…

Read More

DRUG TEST NI MARCOS LEGIT – PDEA

TULUYAN nang tinultudukan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga agam-agam ng publiko kasunod ng paglilinaw na lehitimo at kinikilala ng Department of Health (DOH) ang inilabas na resulta ng drug test na pinangasiwaan ng St. Luke’s Medical Center. Ayon kay Director Derrick Carreon na tumatayong tagapagsalita ng PDEA, “accredited” ng DOH ang St. Luke’s, maging ang kanilang mga isinasagawang drug test, partikular sa resulta ng pagsusuring kay dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos. Giit ni Carreon, hindi limitado sa mga pagamutan at mga tanggapan ng gobyerno tulad ng PDEA…

Read More

DOH REG’L DIRECTOR ITINALAGA SA PWESTO

KASABAY ng tuluyang pagreretiro ni Department of Health – Calabarzon regional director Eduardo Janairo, itinalaga ni Secretary Francisco Duque ang hepe ng DOH Supply Chain and Management Service bilang bagong pinuno ng tanggapan ng nasabing kagawaran sa rehiyon. Sa isang pahayag, tinanggap naman ng tubong-Taytay, Rizal na si Dr. Ariel Valencia ang hamong ipagpatuloy ang husay na ipinamalas ng nagretirong regional director na naging bahagi ng ahensya sa loob ng 39 na taon sa siyam na DOH regional offices. “Together with the DOH-CALABARZON family, our local government partners, private and…

Read More

PH SUPPLY BOATS SA AYUNGIN BINARAKO PA RIN NG CHINA

INAMIN ng Department of National Defense (DND) ang umano’y muling pambabarako ng mga Tsino sa mga lulan ng supply vessels na naghatid ng pagkain at gamot sa mga sundalong Pilipino na nakahimpil sa BRB Sierra Madre sa Ayungin Shoal. Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, bagama’t matagumpay na naihatid ang mga sundalo ang kanilang mga pangangailangan, nakaranas pa rin ang mililitar na mga Pilipino ng aniya’y pananakot at panggigipit ng Chinese Coast Guard gamit ang mas maliit na rubber boats – bagay na agad naman umano niyang ipinagbigay-alam kay Chinese…

Read More

Nagpanggap na kostumer, killer pala VENDOR NIRATRAT NG TANDEM

BATANGAS – Dead on the spot ang isang tindero ng gulay matapos na ratratin ng riding in tandem suspects habang nasa kanyang puwesto sa gilid ng highway sa bayan ng Nasugbu sa lalawigang ito, noong Martes ng umaga. Natadtad ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Heracleo Bacit, 47-anyos, residente ng Sitio Bolbok, Barangay Butucan. Batay sa report ng Nasugbu Police, bandang alas-9:00 ng umaga, nasa kanyang vegetable stand ang biktima sa gilid ng Looc Road nang tumigil ang mga suspek na magkaangkas sa motorsiklo. Nagkunwari umano…

Read More

BABAENG TULAK, 3 PA NALAMBAT SA BASECO

APAT na indibidwal, kabilang ang isang babae na siyang target ng operasyon, ang binitbit ng mga operatiba ng Manila Police District sa inilatag na buy-bust operation sa Baseco Compound, Port Area, Manila noong Martes ng hapon. Kinilala ang target ng operasyon na si Norma Batua y Ahito, 40-anyos, residente ng 12th Street, Barangay 650, Port Area. Samantala, swak din sa operasyon ang umano’y mga buyer ni Batua na sina alyas “Toto”, miyembro ng Batang City Jail, residente ng Baseco Compound, Port Area; isang alyas ” Murphy”, 39, kaanib ng Sputnik Gang, at…

Read More

ACTIVE COVID CASES SA NAVOTAS SUMADSAD *Booster shots larga na sa Caloocan

UMABOT na lamang sa 14 ang active COVID-19 cases sa Navotas City noong Nobyembre 23, ang bagong pinakamababang bilang ng aktibong kaso ngayong taon, matapos na walang magpositibo sa 108 swab test results na natanggap ng City Health Office mula sa Philippine Red Cross. “Wish granted. We’ve prayed and worked hard for our numbers to go down. This shows that all our efforts and sacrifices have borne fruit,” ani Mayor Toby Tiangco. “We cannot thank enough all our frontliners for their steadfast service to the city, and every Navoteño for doing…

Read More

BI KASADO NA SA PAGDATING NG FOREIGN TOURISTS

INIHAYAG ng Bureau of Immigration (BI) na nakahanda na sila para sa muling pagbubukas ng Philippine borders para sa foreign tourists. Sinabi ni Immigration Commissioner Jaime Morente, habang wala pang siguradong petsa kung kailan muling bubuksan ang bansa para sa foreign tourists, tiwala siya na malapit na ito. “There are reports circulating that the country has already reopened its borders to international leisure travelers,” ani Morente. “While we are awaiting the official announcement from the IATF (Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases), we have already put in place…

Read More