SITG binuo ni BGen. Estomo HUSTISYA SA BINULAG NA PULIS TINIYAK

PERSONAL na binisita kahapon ng bagong luklok na hepe ng Pambansang Pulisya, P/Gen. Dionardo Bernardo Carlos, ang police non-commissioned officer na biktima ng kalasingan ng isang police colonel mula sa PNP Aviation Security Group. Dumating sa Bicol si CPNP Carlos upang kumustahin ang kalagayan ni P/MSG Ricky S. Brabante ng Regional Mobile Force Battalion, sa dinanas nitong pinsala matapos siyang hatawin ng kopita ng opisyal na kinilalang si P/Col. Dulnoan D. Dinamling Jr. na nakatalaga bilang Regional Commander ng Aviation 5, na naging sanhi ng pagkabulag ng isang mata ng…

Read More

Minalas sa test mission 2 PNP SAF TRAINEES, PATAY SA NPA

DALAWANG PNP-Special Action Force (SAF) trainees ang namatay habang apat pang pulis ang malubhang nasugatan sa engkwentro laban sa mga teroristang New People’s Army (NPA) sa Gamay, Northern Samar nitong Linggo. Ayon sa PNP-Police Regional Office 8, nangyari ang sagupaan sa bisinidad ng Barangay Lunoy. Sinasabing ang mga biktima ay sumasailalim sa Special Action Force Commando Course (SAFCC) para maging ganap na kasapi ng PNP-SAF. Napag-alaman na ang mga namatay ay mga batang pulis na may ranggong patrolman, habang ang mga sugatan ay police lieutenants na pawang isinugod sa pagamutan. Kasalukuyang…

Read More

BBM-SARA UNITEAM NAGPAKITA NG LAKAS SA CARAVAN PARA SA PAGKAKAISA, KAPAYAPAAN AT PAG-UNLAD

MILYUN-MILYONG taga-suporta ng BBM-Sara Uniteam ang nagpakita ng kanilang lakas sa pamamagitan ng malawakang caravan ngayon, Nobyembre 21, na tinaguriang “caravan para sa pagkakaisa, kapayapaan at pag-unlad” sa iba’t ibang lungsod at probinsya sa buong bansa. Ang serye ng “unity ride” ay pinangunahan ng grassroots supporters nina presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at vice presidential aspirant Davao Mayor Sara Duterte na nagsimula dakong ika-pito ng umaga sa mahigit 15 probinsiya at 30 lungsod sa Mindanao, Bicol, Calabarzon, Metro Manila hanggang Abra at Northern Luzon. Tila nagkulay pula at berde…

Read More

BBM-SARA UNITEAM PALALAKASIN ANG AGRI PROGRAMS SA MINDANAO Upang maiposisyon bilang food basket ng bansa

SINIGURO ni Presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at vice presidential bet Davao City Mayor Sara Duterte na mas palalakasin pa nila ang mga programang pang-agrikultura sa Mindanao upang gawin itong food basket ng bansa at makatulong para muling makabangon ang rehiyon mula sa pananalasa sa ekonomiya dulot ng pandemya sa COVID-19. Sa isang pahayag, sinabi ng BBM-Sara Uniteam, ang tuloy-tuloy na nangungunang tandem sa lahat ng pormal at impormal na mga presidential at vice presidential survey sa buong bansa, na nararapat lamang maging sentro ng kalakalang pang-agrikultura ng bansa…

Read More

BBM-SARA UNITEAM NANGUNGUNA PA RIN SA ONLINE MOCK POLLS

Nangunang muli ang BBM-Sara sa presidential at vice presidential survey. Nangunang muli sina Presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at vice-presidential bet Sara Duterte, ang tambalang tinawag na BBM-Sara Uniteam dahil sa pareho silang naniniwala sa mapag-kaisang liderato o “unifying leadership,” sa kauna-unahan at pinakamalaking ‘blockchain simulated elections’ o online mock polls na isinagawa ng PUBLiCUS ASIA INC. at iVote.ph. Bagama’t nasa kasagsagan pa din ang survey, mayroon nang 3,800 mga boto ang naitala para sa pagka-pangulo, 90 na boto para sa pangalawang pangulo at 57 na boto para pagka-senador…

Read More

DIGITAL INFRA UNA SA ILALIM NG BBM-SARA UNITEAM

Isusulong ng nagkakaisang samahan nina Presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at vice presidential bet Davao City Mayor Sara Duterte, ang digital infrastructure sa bansa upang mas mapalakas at mapabuti ang internet service sa bansa kung sila ay papalarin na manalo sa darating na halalan. Binigyang diin ng tambalang BBM- Sara ang kahalagahan na mapasama ang digital infrastructure sa “kapuri-puring” Build, Build, Build program ng pamahalan para masiguro nagkaroon ang bawat Pilipino ng mura at maasahan na internet. Ayon sa Uniteam, nakita ang problema sa mabagal na internet connection sa…

Read More

SUPORTA KAY CPNP CARLOS, TINIYAK NG PNP-PRO5

NAGPAHATID ng kanilang pagbati kay Philippine National Police chief, Police General Dionardo Bernardo Carlos ang buong puwersa ng PNP-Police Regional Office 5, sa pamumuno ni P/BGen. Jonnel C. Estomo, sa bagong promote na hepe pambansang pulisya, na isa nang ganap na 4-star general at pinakamataas na opisyal ng pulisya sa bansa. Kasabay nito ang pagpapahayag ng kanilang buong suporta sa lahat ng programang isusulong ni Gen. Carlos partikular ang pagtiyak na magkakaroon ng clean, honest, and orderly May 2022 national and local elections. Ang karagdagang bituin na matatag na nakapatong sa mga…

Read More

SUSPEK SA PAGPATAY SA DATING VICE MAYOR, SUMUKO

CAVITE – Makalipas ang tatlong araw ng pagtugis ng pulisya sa pangunahing suspek sa likod ng pamamaslang sa isang kandidato sa pagka-vice-mayor ng bayan ng Maragondon sa lalawigang ito, kusang-loob na sumuko sa mga awtoridad ang suspek sa malagim na insidente sa General Trias City. Ayon sa ulat ni Corporal Jhocel Dayumat ng Gen. Trias City Police, dakong alas-7:20 kahapon ng umaga nang sumuko ang suspek na si Robert Amoranto, kasama ang kanyang asawa at iba pang miyembro ng pamilya. Giit ni Amoranto, hindi siya pinatulog ng kanyang konsensya matapos…

Read More

Naglaho sa stockroom ng PNR station INSIDE JOB SA MISSING P1.3-M BAKAL

LUCENA CITY – Nawawala ang P1.3 milyong halaga ng angle bars na gagamitin sa rehabilitasyon ng riles ng PNR at umano ay ninakaw sa stockroom ng PNR station sa lungsod na ito. Ayon sa imbestigasyon, ini-report noong Huwebes ng gabi ng Railway Police Officer na si Romero Vargas Borja Jr. ang pagkawala ng 1,015 piraso ng mga angle bar na nakatago sa DOTC Telecommunication Office na ginawang stock room ng PNR station. Subalit lumalabas sa pagsisiyasat ng Lucena PNP na walang indikasyon na ninakaw ang mga bakal at posible umanong inside…

Read More