ELECTION OFFICER SA SAMAR, NILIKIDA

PINAIIMBESTIGAHAN ng Philippine National Police ang nangyaring paglikida sa isang acting election officer sa bayan ng Lope de Vega sa Catarman, Northern Samar noong Huwebes ng hapon. Patay sa pamamaril ang 42-anyos na si James Diaz Maghanoy, acting election officer sa nabanggit na lugar. Ayon sa Catarman PNP, isang hindi pa kilalang gunman ang bumaril kay Maghanoy sa Barangay Somoge sa Catarman noong Huwebes ng hapon. Nangyari ang krimen bandang alas-5:00 ng hapon habang sakay si Maghanoy ng kanyang motorsiklo pauwi ng kanilang bahay. Nagawa pang maitakbo ang biktima sa…

Read More

6 SELLERS NG FAKE VAX CARDS, ARESTADO

ARESTADO ng mga tauhan ng District Special Operation Unit (DSOU) ng Northern Police District (NPD) ang anim katao matapos salakayin ang isang establisimyento na gumagawa umano ng pekeng COVID-19 vaccination cards sa C.M. Recto Avenue, Manila noong Huwebes ng gabi. Ayon kay NPD Director P/BGen. Jose Santiago Hidalgo, Jr., isinagawa ang pagsalakay ng mga operatiba ng DSOU, sa pangunguna ni P/Maj. Vicky Tamayo, na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek na sina Geraldine Vargas, 51; Camille Cressida Halili, 34; Janneth Viernes, 42; Gengen Subito, 34; Nikko Molina, 18, at Ronaldo…

Read More

BRGY. EX-O SA MAYNILA TIMBOG SA DROGA

BINITBIT ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Team (SDET) ng Manila Police District – Jose Abad Santos Police Station 7, ang isang 47-anyos na executive officer (EX-O) ng barangay dahil sa pagkakasangkot sa kalakaran ng ilegal na droga sa Tondo, Manila. Dahil sa tawag sa telepono ng isang concern citizen, nabunyag ang ilegal na aktibidades ng suspek na kinilalang si Ronald Santiago y Maliclic, kaanib ng Commando Gang, executive officer ng Brgy. 152, Zone 14. Agad nagsagawa ng surveillance operation ang mga awtoridad sa suspek at nang magpositibo ay…

Read More

QC GAGAWING ‘MOST BIKE-FRIENDLY CITY’

MAGIGING “most bike-friendly city” sa Metro Manila ang Quezon City kapag nanalong mayor si Anakalusugan Party-list Congressman at mayoralty candidate Mike Defensor. “We envision the city having the best system of bicycle lanes and parking services integrated with commuter hubs such as light rail transit terminals,” ayon sa mambabatas. Ginawa ni Defensor ang pahayag matapos ihain ang House Bill 10396 sa agresibong cycling development plan dahil marami nang parami ang nagbibisikleta dahil sa pagtaas ng presyo ng langis. Bukod dito, umiiwas din aniya ang mga tao na makipagsiksikan sa mga public…

Read More

1 SA 4 NA ESTUDYANTE, TUMIGIL SA PAG-AARAL

ISA sa bawat apat na estudyanteng Pinoy ang piniling tumigil sa pag-aaral, batay sa pinakahuling pag-aaral ng United States Agency for International Development (USAID). Sa datos ng pag-aaral ng USAID sa epekto ng COVID-19 sa hanay ng mga out-of-school (OSY) na pinangasiwaan ng USAID, kasama ang Department of Education (DepEd) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), lumobo ang bilang ng mga OSY sa antas na 25.2% mula sa 16.9% na naitala sa unang apat na buwan ng nakaraang taon. Gayunpaman, lumalabas din sa kanilang pag-aaral na kasabay ng pagdami…

Read More

PAHAYAG SURVEY: BBM FOR PREZ 57%, SARA FOR VP 54%

Presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. topped a recent independent and non-commissioned survey on preferred presidential candidates, further strengthening his position as the candidate to beat in the coming 2022 elections. The PAHAYAG FINAL LIST survey, which PUBLICUS ASIA INC. conducted from November 16 to November 18, a day after the substitution deadline, showed Marcos leading across all regional groups with 56.7 percent compared to Leni Robredo’s 15.4 percent mark and Manila Mayor Francisco Domagoso Moreno’s 6.9 percent. Behind them are Senators Bong Go, 4.1 percent, Manny Pacquiao, 3.0 percent,…

Read More

KANSELASYON NG COC NI BBM PINALAGAN NG MGA CEBUANO

Nagsagawa ng kilos protesta ang mga taga-suporta ni presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. Huwebes ng umaga sa harap ng Commission on Election (Comelec) Central Visayas office sa Cebu City upang mariing tutulan ang mga petisyon na kanselahin ang Certificate of Candidacy (COC) ng dating senador. Ang mga nagprotesta ay nagpakilalang mula sa iba’t-ibang sektor at nagsamasama upang labanan ang “marumi at mapanlinlang na taktika ng iilang grupo na takot maluklok si Marcos sa pagkapanuglo dahil ito ang maghahatid ng tunay na pagbabago sa ating bayan.” Ang mga kasapi ng…

Read More

2 VINTAGE BOMBS NATAGPUAN SA CAVITE SHOAL

CAVITE – Maingat na nakuha ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) Cavite Station ang dalawang vintage bomb na natagpuan sa isinasagawang soil sampling operation sa San Nicolas Shoal sa lalawigang ito. Ayon sa PCG, isang crew member ng MV Vasco Da Gama ang tumawag sa kanila upang ipagbigay-alam ang presensya ng dalawang pampasabog dakong alas-4:30 ng umaga noong Miyerkoles. Pinayuhan naman ng PCG ang crew na itigil ang operasyon at maingat na ikordon ang lugar. Agad na nagtungo ang grupo mula sa Coast Guard Special Operations Group Explosive…

Read More

SANGKOT SA PAGPASLANG SA DSWD EMPLOYEE, NASAKOTE

ARESTADO ang 42-anyos na administrator ng barangay na sangkot sa pagpatay sa isang empleyado ng DSWD, sa Justice Hall sa Marikina City noong Miyerkoles. Kinilala ang nadakip na si Reynaldo Mejia Jr. y Rodriguez, barangay administrator, nakatira sa #215 Malaya St., Brgy. Malanday sa lungsod. Dakong alas-3:00 ng hapon noong Nobyembre 17 nang arestuhin ng mga tauhan ng Warrant Section ang suspek sa ground floor ng Justice Hall sa Brgy. Sta. Elena, Marikina City. Nauna rito, naglabas ng warrant of arrest si Judge Acerey C. Pacheco ng RTC Branch 165…

Read More