Solon sa pagbasura sa kaso ni Ongpin DRUG WAR NI DU30 PARA LANG SA MAHIHIRAP

TUMIBAY ang duda ng mga kritiko ng administrasyon na para lamang sa mahihirap na Pilipino ang drug war ni Pangulong Rodrigo Duterte nang ibasura ng korte sa La Union ang drug case ni Julian Ongpin. Reaksyon ito ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas matapos ibasura ni Presiding Judge Romeo Agacita Jr. ng San Fernando RTC Branch 27, ang kaso ni Ongpin dahil sa teknikalidad. “The dismissal of Julian Ongpin’s drug case even after testing positive with 12.5 grams of cocaine is proof that the Duterte drug war is aimed to…

Read More

GURO PINASASALANG SA REGULAR COVID TEST

MATAPOS masaksihan nitong Lunes ang simula ng pilot implementation ng limited face-to-face classes, isinusulong ni Senador Win Gatchalian ang regular na COVID-19 testing para sa mga guro. Ipinagpaliban muna ng dalawang paaralan sa Zambales ang pagbubukas ng face-to-face classes matapos magpositibo ang pitong guro sa COVID-19 sa pamamagitan ng rapid antigen kits. “Dapat pag-isipan din natin ang regular na COVID-19 testing ng mga guro. Pati ‘yung pagpapabakuna nila ay dapat nating tutukan nang mabuti. Upang mabawasan ang panganib, kailangan natin ng testing. Kaya dapat mapondohan ang testing ng mga teachers…

Read More

MIDAS MARQUEZ ITINALAGANG SC JUSTICE

KINUMPIRMA ni Executive Secretary Salvador Medialdea na itinalaga ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Jose Midas Pascual Marquez bilang Associate Justice ng Korte Suprema. Pinalitan ni Marquez si Justice Edgardo L. Delos Santos. Ang nominasyon ni Marquez ay inendorso ng iba’t ibang grupo kabilang na ang Philippine Judges Association (PJA), Philippine Trial Judges League (PTJL), the Metropolitan and City Judges Association of the Philippines (MetCJAP), at Philippine Association of Court Employees (Pace) sa Judicial and Bar Council. Si Marquez ang spokesperson ng SC noong panahon nina dating Chief Justices Reynato…

Read More

QC 5th district bet dumulog sa NBI CYBER LIBEL, CHILD ABUSE VS FB USER

MAHAHARAP sa pagkakulong ang isang Facebook user na nagtatago sa pangalang”Boses ng Bayan sa QC,” matapos sampahan ng kasong cyber libel at child abuse ng isang kandidato sa ika-5 distrito ng Quezon City. Sa kanyang 23 pahinang affidavit na inihain sa National Bureau of Investigation,  hiniling ni Rose Nono Lin, ng Quezon City sa ahensiya na kilalanin ang tao o grupong nasa likod ng “Boses ng Bayan sa QC” dahil sa malisyoso at paninira sa kanyang pangalan at pang-aabuso sa mga menor de edad niyang anak. Ayon kay Lin, nilabag…

Read More

MENU LABELING AT NAT’L PSORIASIS CARE TINALAKAY SA KAMARA

TINALAKAY sa House Committee on Health ang panukalang iutos sa food service establishments o restawran ang pagpapakita ng mga nutritional information sa kanilang mga tindang pagkain. Ang panuka na naglalayong maiwasan ang obesity o ang kondisyon kung saan sobra ang taba sa katawan ng isang tao at ang pagkain ng nakasasama sa kalusugan ay dininig sa pangunguna ni Quezon 4th District Representative Angelina “Helen” Tan. Sinabi ni Tan, chairperson ng Committee on Health na “Ang mga panukalang ipakita ang calorie at nutritional information ay tumutugon sa pangangailangan para sa komprehensibong…

Read More

BAGATSING HUMABOL SA MAYNILA

NABULABOG ang mga aspirante para alkalde ng lungsod ng Maynila, makaraang humabol si Manila 5th District Rep. Amado Bagatsing isang oras bago pa tuluyang matapos ang itinakdang deadline ng Commission on Elections (Comelec) para sa last minute substitution. Sa tala ng Comelec, dakong alas 4:00 ng hapon nang dumating si Bagatsing sa tanggapan ng komisyon sa kalye Arroceros sa Ermita, Maynila kung saan naghihintay ang mga tagasuportang miyembro ng “Kabaka” na itinatag mismo ng kongresista may dalawang dekada na ang nakararaan. Paliwanag ni Bagatsing, pinili niyang tumakbong alkalde ng Maynila…

Read More

MALABON, VALENZUELA MAY TIG-ISANG COVID DEATH

SA ikalawang sunod na araw hanggang Nobyembre 15 ay walang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa Malabon City, ayon sa City Health Department. Bunsod nito nananatili sa 21,244 ang positive cases, 53 dito ang active cases. Habang limang pasyente ang gumaling. Ang mga ito mula sa Barangays Baritan (2), Catmon (1), Longos (1), at Niugan (1) at sa kabuuan ay 20,544 ang recovered patients ng lungsod. Sa kasamaang palad, umakyat sa 647 ang COVID death toll matapos na isang pasyente sa Barangay Santulan ang binawian ng buhay. Mula naman sa…

Read More

LOTTO 6/42 JACKPOT WINNER!

Congratulations! Lotto 6/42 Jackpot Winner PHP 8,489,696.40 – Jackpot Prize 09 – 25 – 35 – 21 – 15 – 37 : Winning Combination Draw Date: Saturday, November 13, 2021 Winner Ticket Was Bought in Calamba City, Laguna Prize above 10,000.00 are subject to 20% tax pursuant to TRAIN LAW Prizes not claimed by the public within one year from date of draw shall be considered forfeited. (RA 1169) #LarongMayPuso #PCSOCares #IpaalamKayGM #ConqueringCOVID19 207

Read More

GRAFT VS ALBAYALDE IBINASURA NG OMB

IBINASURA ng Office of the Ombudsman ang kasong katiwaliang isinampa laban kay dating Philippine National Police (PNP) director-general Oscar Albayalde kaugnay ng kontrobersyal na “ninja cops” at “drug recycling.” Sa kalatas na ipinalabas ng Office of the Ombudsman, naging basehan ng pagbabasura ng kasong graft laban kay Albayalde ang umano’y kakulangan ng mga ebidensiyang magdidiin sa retiradong heneral. “It is thus, insufficient to establish proof of any unlawful act or omission,” ayon pa sa dokumentong nilagdaan ni Ombudsman Samuel Martires base sa rekomendasyon nina Lucielo Ramirez at Bonifacio mandrilla na…

Read More