MAGKAPATID NA DARGANI, NASAKOTE NA

NAARESTO ng mga tauhan ng Senate Sergeant at Arms ang magkapatid na Pharmally Pharmaceutical Corp. executives na sina Twinkle Dargani at Mohit Dargani sa pagtatangkang tumakas papuntang Malaysia. Ayon kay OSAA head Rene Samonte, nasakote ang magkapatid dakong alas-5:00 ng hapon nitong Linggo sa Davao City Airport lulan ng chartered plane patungong Kuala Lumpur. Sinabi naman ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon, patunay ito na hindi maituturing na safe haven para sa dalawa ang Davao City kung saan nila sinubukang tumakas sa pamamagitan ng backdoor. “Glad they captured…

Read More

MGA GUMALING SA TB SA NAVOTAS, MAY AYUDANG P3K

PINAGKALOOBAN ng pamahalaang lungsod ng Navotas ng P3,000 livelihood assistance ang 191 pasyenteng gumaling sa tuberculosis (TB) matapos ang anim hanggang walong buwang gamutan, habang 116 pa ang ipinoproseso na ang cash aid. “TB is deadly, but it can be cured. We want to encourage Navoteños who contracted TB to get themselves treated early and avoid spreading the disease to their family members and community,” ani Mayor Toby Tiangco. Sa ilalim ng City Ordinance No. 2020-05, naglaan ang Navotas ng P3,000,000 kada taon para sa TB Control Program ng lungsod.…

Read More

Sa tulong ng medical and nursing students PAGBABAKUNA SA PINAS BIBILIS

NANINIWALA si House Speaker Lord Allan Velasco na mas mapadadali na ang pagbabakuna ngayong pinayagan na ang pag-deploy sa medical at nursing students bilang volunteer vaccinators. “This development provides a major boost to the government’s critical public health mission of inoculating 90 percent of the population against the deadly coronavirus,” ani Velasco. Unang umapela ang mambabatas sa lider ng Kamara noong May 2021 na gamitin na ang underboard medical at nursing students para mas marami ang mababakunahan. Hindi lingid sa lahat na limitado ang mga tauhan ng Department of Health…

Read More

DRUG COURIER TIMBOG SA HIGH-IMPACT OPERATION NG PNP-PRO5

BILANG pagsuporta sa pamumuno ng bagong itinalagang hepe ng Pambansang Pulisya na si P/Gen. Dionardo Bernardo Carlos, mas pinaigting ng PNP-Police Regional Office 5 ang kanilang kampanya kontra ilegal na droga. Patunay rito ang paglulunsad ng high-impact operation laban sa isang drug personality sa Purok-6, Brgy. Bombon, Tabaco City, Albay. Sa ulat na ipinarating kay P/BGen. Jonnel C. Estomo, pinuno ng PNP-PRO5, ang nasabing operation ay nagresulta sa pagkakatimbog sa suspek na kinilalang si Marion Diaz Rañola, 37, walang asawa at residente ng Brgy. Balogo, Oas, Albay. Ito ay matapos na positibong…

Read More

SUNDALO, 2 PA HULI SA GUN BUY-BUST OPS

ISANG Philippine Army corporal at dalawang sibilyan ang nadakip ng mga awtoridad sa pagbebenta ng baril kasunod ng isinagawang gun buy-bust operation sa Zamboanga City. Kinilala ang mga arestado na sina Corporal Alkhaizer Balboa, 36; Rodolfo LLenado, Jr., 37, at Remar Hadjiri, 43-anyos. Ayon sa ulat, naglatag ng buy-bust operation ang pinagsanib na puwersa mula sa Joint Task Force Zamboanga at local police, kaugnay sa paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, sa La Terazza Hotel, Gov. Camins Avenue. Sa nasabing operasyon ay nadakip ang tatlong…

Read More

BAGONG UNIPORME SA MGA OPERATIBA

HINDI biro ang tungkulin at peligrong sinasagupa ng mga operatiba. Ito ang pagtitiyak ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero, kaugnay ng pagpapamahagi ng mga bago at angkop na tactical field uniforms para sa mga mi­yembro ng Enforcement and Security Service (ESS). Sa lingguhang formation ng ESS, ibinida rin ang kanilang mga bagong unipormeng akma para sa mga kawaning klasipikadong front line workers ng nasabing ahensya. Paliwanag ni Guerrero, malaking bentahe sa kanilang mga operatiba ang wastong kasuotang may kakayahang magbigay ng dagdag proteksyon sa pagganap ng atas ng walang pinipiling…

Read More

GULAY MULA TSINA, HINDI PARA SA TAO

NAGPALABAS ng isang babala ang Department of Agriculture (DA) sa publiko kaugnay ng peligrong dala ng mga inangkat na gulay mula sa bansang Tsina. Sa isang panayam, hayagang sinabi ni Agriculture Assistant Secretary Federico Laciste na hindi ligtas para sa mga tao ang mga produktong agrikultura, partikular ang mga naglipanang bagsak presyong gulay na ipinuslit sa bansa. “Other than price manipulation meron din siyang problema sa food safety, kasi for as long as walang importation permit, meron siyang health hazard, health threat talaga siya,” ayon kay Laciste, kasabay ng malawakang…

Read More

Sa latest SWS Presidential survey TIWALA NG PINOY KAY BONGBONG LALONG TUMIBAY

PATUNAY ng patuloy na pamamayagpag ni Presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., ang pinakahuling Presidential survey ng SWS na lalong tumitibay ang tiwala ng mamamayan sa kanya at sa isinusulong niyang mapagkaisang pamumuno. Ito ay ayon na rin sa resulta ng SWS survey na isinagawa nitong Oktubre 20 hanggang 23 na kinomisyon ng Stratbase ADR Institute Inc. Kasabay nito, nagpasalamat ang kampo ni Marcos sa patuloy na pag-inam ng kanyang numero sa nasabing survey. Saad pa ng kampo ni Marcos na buong kababaang-loob niyang tinatanggap ang resulta at nananatili siyang…

Read More

BOC AT KAPITOLYO SANIB PWERSA KONTRA PIRATA

BILANG na ang araw ng pamimirata ng mga smuggling syndicates sa karagatang sakop ng lalawigan ng Bataan, makaraang lagdaan ng Bureau of Customs (BOC) at ng Bataan Provincial Government ang isang kasunduan para sa mas mabilis na pagresponde at pagtugis sa mga piratang dagat. Sa isang Memorandum of Agreement (MOA), target nina Bataan Gov. Abet Garcia at Port of Limay District Collector Atty. William Balayo na palakasin ang kapasidad ng mga programa sa pagpapatibay at pagpapahusay ng border protection sa karagatang sakop ng nasabing lalawigan. Sa paglagda ng MOA sa…

Read More