NGAYONG nakikita na ang unti-unting pag-ahon ng sektor ng turismo, para kay Presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ito na ang pagkakataon para sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa tourism industry na maka-recover matapos na lubhang maapektuhan dahil sa pandemya. Ayon kay Marcos, halos lahat ng sektor sa bansa ay naghirap dahil sa krisis na dulot ng pandemya kaya ngayong ang mga tourist sites ay nagsisimula nang tumanggap ng mga fully vaccinated na turista, nangangahulugan aniya ito na ang bansa ay patungo na sa tuluyang pag-ahon. “This is good news for…
Read MoreAuthor: admin 2
NCR ALERT LEVEL 2 HANGGANG NOV. 30
MANANATILI sa Alert Level 2 ang National Capital Region, epektibo Nobyembre 15, 2021 hanggang Nobyembre 30, 2021. Bukod sa NCR, Alert Level 2 rin sa Nueva Ecija, Bataan, Aurora, Pampanga, Bulacan, Tarlac, Zambales, Olongapo at Angeles City sa Region III; Rizal, Cavite, Laguna, Batangas, Quezon at Lucena City sa Region IV-A; Bacolod City, Iloilo City, Negros Occidental, Capiz, Antique, Aklan, Iloilo Province at Guimaras sa Region VI; Negros Oriental, Lapu-Lapu City, Cebu City, Mandaue City, Cebu Province at Bohol sa Region VII; Cagayan de Oro City, Misamis Occidental, Lanao del…
Read MoreBAGONG POSITIBO SA COVID-19 SA NAVOTAS, NASAWI
BINAWIAN ng buhay ang isang bagong nagpositibo sa COVID-19 sa lungsod ng Navotas noong Nobyembre 13. Hindi na naidagdag sa 25 active cases ang nasabing pasyente habang walang naitalang nakarekober sa pandemya sa lungsod sa nasabing araw. Pumalo na sa 17,600 ang mga tinamaan ng COVID sa fishing capital, at sa nasabing bilang ay 17,032 na ang gumaling, habang umakyat sa 543 ang COVID death toll. Wala namang iniulat na binawian ng buhay dahil sa pandemya sa Malabon City, habang anim ang nadagdag na confirmed cases sa nasabing petsa. Sa…
Read MoreSangkot sa illegal recruitment PEKENG BI LIAISON OFFICER, TIMBOG
IKINATUWA ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente ang pagkakaaresto kamakailan sa isang lalaking nagpapakilalang liaison officer ng ahensya, sa Pasig City. Ayon sa pahayag ni Morente, nagpasalamat siya sa Pasig City Police sa pagkakadakip sa fake officer sa Brgy. San Joaquin, Pasig City. Ayon sa news reports, inalok ng suspek na hindi pinangalanan ni Morente, ang isang babae na magbayad ng mahigit sa P300,000 bilang placement fee para makapagtrabaho sa Africa. Ngunit hindi umano nagpakita sa airport ang suspek sa araw ng flight ng biktima makaraang nagbigay ng…
Read More“BACK TO BASIC” ANG PNP – GEN. DE LEON
PAGPAPATRULYA, pag-iimbestiga, agarang pagresponde at tunay na pagseserbisyo sa taumbayan ang magiging pokus ng bawat pulis sa mga darating na araw. Ayon sa bagong talagang PNP Director for Operations chief na si PBGen. Valeriano de Leon, “back to basic muna ang lahat ng mga tauhan natin kasi tila nawawala na sa kanilang pang-araw-araw na gawain ang mga ito”. “Napapansin kasi natin na puro public relations o PR na lang ang ginagawa ng ilang mga tauhan natin sa halip na gawin ang mandato nila na ‘To protect and to serve’,” ani…
Read MorePAG-IINGAT SA ILALIM NG ALERT LEVEL 2, DOBLEHIN
PINAALALAHANAN ni ACT-CIS Nominee Edvic Yap ang publiko na lalong mag-ingat sa COVID-19 ngayong nasa Alert Level 2 na ang halos lahat ng lugar sa bansa. “Napansin ko na nagiging relax ang lahat pag lumabas ng bahay na parang wala nang COVID,” ayon kay Yap. Dagdag pa niya, “wala na ang social distancing at paggamit ng alcohol o paghugas ng kamay pag nasa labas ang mga tao.” “Hindi porke’t nabakunahan na tayo ay hindi na tayo tatablan ng COVID, mali po yun,” aniya pa. “Ang bakuna kasi ay proteksiyon natin…
Read MorePAGBABAKUNA, PARTE NG ‘RESPONSIBLE TOURISM’
DAPAT ipatupad ng local government units (LGUs) ang “responsible tourism” para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 at protektahan ang mga tourist destination sa bansa. Himok ito ng Turismo Isulong Mo Partylist (TURISMO) habang dumarami ang mga lokalidad na nagbubukas ng pinto sa mga turista. “Nagtitiwala kami na alam ng LGUs ang importansya ng responsible tourism para sa sustainable development ng ating industriya at sa kaligtasan ng mga biyahero at turista,” sabi ni TURISMO Partylist nominee Wanda Tulfo-Teo. Sinabi rin ng dating kalihim ng Department of Tourism (DOT) na ang pagiging…
Read MoreP1.3-M NG MAGLOLA NATANGAY NG HOLDAPER
LAGUNA – Tinatayang umabot sa P1.3 milyong cash ang natangay ng mga holdaper sa maglola na sakay ng kanilang motorsiklo habang pauwi sa kanilang bahay sa Barangay San Jose, San Pablo City sa lalawigang ito, noong Biyernes ng umaga. Kinilala ang mga biktimang sina Lina Arrogancia Garcia at Princess Queenie, isang menor de edad. Batay sa report ng San Pablo City police, tinatahak ng maglola ang barangay road na magkaangkas sa motorsiklo ngunit pagsapit sa lugar nang sumemplang dahil sa nakaharang na lubid sa kalsada. Bunsod nito, nahulog mula sa motorsiklo ang…
Read MoreHOUSE-TO-HOUSE COVID INFORMATION CAMPAIGN SA CALABARZON
UPANG makamit ang herd immunity at mapataas ang bilang ng bakunadong mga residente sa rehiyon ng Calabarzon, nagbahay-bahay na ang mga lokal na pamahalaan sa lalawigan ng Laguna at Rizal upang magbigay-kaalaman at tamang impormasyon hinggil sa bakuna. Ayon sa ulat mula ng Department of Health Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon), ang dalawang probinsya ang may pinakamaraming residente na nag-aalinlangan sa pagpapabakuna. Ayon kay DOH 4-A Regional Director Eduardo Janairo, “Napakahalaga ng tamang impormasyon at tamang komunikasyon upang malabanan ang vaccine hesitancy at misinformation na natatanggap ng eligible recipients. Kailangang…
Read More