SNATCHER NATUNTON SA MAKATI JAIL

BAGAMA’T nakakulong sa Makati Police station, isinilbi pa rin ang warrant of arrest ng mga tauhan ng Manila Police District sa isang 20-anyos na binata sa kasong robbery snatching sa Sta. Ana, Manila. Kinilala ang suspek na si Jonathan Badilla, tambay, ng Dagonoy St., Sta. Ana, Manila. Base sa ulat ni P/Lt. Col. Orlando Mirando Jr., commander ng MPD- Station 6, bandang 4:30 ng hapon noong Huwebes nang isilbi sa suspek ang arrest warrant na inisyu ni Judge Liwliwa Hidalgo-Buco ng Regional Trial Court Branch 34 ng Manila, na may…

Read More

SARI-SARI STORE OWNER TIKLO SA FAKE VAX CARD

ARESTADO ang isang may-ari ng sari-sari store nang mabuking ang pamemeke at pagbebenta ng COVID-19 vaccination card sa isinagawang operasyon ng Caloocan City Police, ayon sa utos ni Mayor Oscar Malapitan. Nasakote dakong alas-11:40 am noong Nobyembre 7 sa entrapment operation si Benjamin Marilao, 52, nakatira sa Phase 7, Package 2, Bagong Silang, Caloocan City, nahaharap sa kasong falsification of public documents. Ayon sa pulisya, dinamba si Marilao matapos mameke at magbenta sa halagang P500 ng fake vaccination card sa isang pulis na nagpanggap na bibili. Ayon kay Malapitan, hindi niya…

Read More

3 PATAY KADA ARAW SA COVID SA CALOOCAN

BAGAMA’T bumaba na sa 240 ang active cases ng COVID-19 sa Caloocan City, halos tatlo pa rin kada araw ang namamatay sa lungsod dahil sa pandemya. Ayon sa City Epidemiology and Surveillance Unit, 1,586 ang total COVID deaths sa lungsod noong Nobyembre 12 mula sa 1,558 noong noong Nobyembre 1, o karagdagang 28 casualties sa loob ng 11 araw para sa average na 2.5 patay kada 24 oras. Pumalo na sa 61,283 ang confirmed cases sa Caloocan, at sa nasabing bilang ay 59,457 na ang gumaling. Samantala, isang COVID patient…

Read More

PARTIDO FEDERAL ADOPTS INDAY SARA AS VP, BONGBONG’S RUNNING-MATE IN 2022

Partido Federal ng Pilipinas (PFP) announced on Saturday that it had adopted Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio as its Vice Presidential candidate and endorsed her as the running mate of party standard-bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. in the upcoming 2022 elections. The Executive Committee of the PFP released a Resolution on Saturday following Duterte-Carpio’s filing with the Comelec of her Certificate of Candidacy (CoC) for Vice President under LAKAS-CMD. “RESOLVED that vice presidential candidate MAYOR SARA DUTERTE CARPIO of the LAKAS-CMD is hereby ADOPTED by the PARTIDO FEDERAL NG PILIPINAS…

Read More

BBM-SARA SA 2022 TULOY NA

TAPOS na ang mga haka-haka sa tandem nina dating Senador Bongbong Marcos Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio para sa 2022 elections nang maghain ngayong araw ng kandidatura sa pagkabise presidente ang kampo ng huli. Nagtungo sa punong tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) ang mga kinatawan ni Mayor Sara bago mag-alas-2:00 ng hapon ngayong Sabado at naghain ng kanyang certificate of candidacy (COC) sa pagka-bise presidente. Nabatid na siya ang magiging substitute candidate ng Lakas-CMD, kung saan siya sumapi matapos magbitiw sa Hugpong ng Pagbabago. Papalitan niya si…

Read More

BONGBONG MAGKAKASA NG PLANO PARA SA MGA NAKATIRA MALAPIT SA TAAL VOLCANO

TINITINGNAN ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ang paglikha ng isang long-term plan para ma-protektahan ang mga residente na naninirahan malapit sa bulkang Taal. Nasa Batangas ang Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer para makipagpulong sa mga lokal na opisyal at taga-suporta na nag-organisa ng serye ng aktibidad para kay Marcos. Natanong naman si Marcos ng mga lokal na mamamahayag kung ano ang dapat gawin ng pamahalaan sakaling muling mag-alburuto ang naturang bulkan. Agad namang tumugon si Marcos na dapat ay magbuo ang gobyerno ng “long-term action plan” para…

Read More

Matapos pagharian US Open Pool ABU DHABI 9-BALL TINUMBOK NI BIADO

MAINIT pa rin ang mga kamay ni Pilipino cue ­artist Carlo Biado na matapos maghari sa US Open Pool ay nakopo rin ang Abu Dhabi Open 9-Ball, Biyernes sa Power Break Billiard Hall sa United Arab Emirates. Diniskaril ng 2021 US Open Pool champ ang kababayang si Jordan Banares, 13-6, sa Abu Dhabi final at ibinulsa ang AED20,000 (P272,000) cash prize. Nakatanggap naman si Banares ng AED10,000 (P136,000) bilang runner-up sa 64-man tourney na ­organisa ni Abu Dhabi-based Pinoy Jayson Nuguid. “I’m very happy to win again, especially in an…

Read More

LIM, TSUKII NASA DUBAI NA

NASA Dubai na sina karatekas Junna Tsukii at Jamie Lim para sa nalalapit na 2021 WKF Karate World Championship. Nitong Biyernes ay ibinahagi ng Filipino-Japanese karateka sa kanyang Facebook account ang paglapag nito sa Dubai matapos ang kanyang training sa Serbia. “Arrived in Dubai in perfect condition. Thank you to everyone who had supported me, I’m really excited” caption ni Tsukii na sasabak sa female kumite -50kg event ng world championship. Sa kanyang Instagram story naman ibinahagi ni Lim ang pagdating sa Dubai. Nag-ensayo siya sa Baguio City at nakatakdang…

Read More

SMB ‘di pa tapos magtapon ng players CABAGNOT BYAHENG DYIP NAMAN

MAKARAANG i-trade sa NorthPort si Arwind Santos, isa pang veteran Beermen na si Alex Cabagnot ang ibinyahe naman sa Terrafirma ng San Miguel. Kasunod ng pagtapon kay Santos kapalit ni Vic Manuel, si Cabagnot naman ang ididispatsa ng SMB tungo sa Dyip, kapalit nina Fil-Am guard Simon Enciso at dating No. 1 draft pick Roosevelt Adams. Kapag nakumpleto na ang negosasyon na naghihintay na lang ng basbas ng PBA Trade Committee, makakasama na ni CJ Perez ang dalawang players mula sa dati niyang koponan. Tinalo ang SMB ni coach Leo…

Read More