NAGDESISYON si Filipino first Olympics gold medalist Hidilyn Diaz na mag-withdraw na sa World Weightlifting Championship na nakatakda sa Disyembre sa Tashkent, Uzbekistan. Sinabi ni Samahang Weightlifting ng Pilipinas (SWP) president Monico Puentevella, kakulangan sa preparasyon ang dahilan sa pag-atras ni Diaz. Higit dalawang taong nag-training sa Malaysia ang Pinay weightlifter bago naiuwi ang pinakaaasam ng bansa na gintong medalya mula sa 2020+1 Olympics ilang buwan na ang nakalilipas. At dahil humigit-kumulang apat na buwan lang ang pagitan ng Tokyo Games at WWC, malabong makapag-compete siya sa mga karibal sa…
Read MoreAuthor: admin 2
PWEDE NANG MAG-ZUMBA
PINAYAGAN din ng IATF ang rekomendasyon na buksan ang group activities ng mga fitness studio, gyms, at iba pang venues para sa non-contact exercise at sports sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 2. “Zumba time na naman po,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque. In-adopt din ng IATF ang panukalang guidelines ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para sa pagsagawa ng limited face-to-face training at assessment program. “As such, TESDA is allowed to conduct training and assessment from 50 percent to 100 percent venue capacity,…
Read MoreHirit ng mga taga-Caloocan DRESS CODE IBASURA
KAYSA pagmulan pa ng kalituhan, abala at kahihiyan sa bahagi ng maniniket na pulis at titiketan, ilang residente sa Caloocan City ang humiling na ibasura na ang Caloocan City Dress Code in Public Places kasunod ng kontrobersya sa pagtiket ng isang pulis sa isang babae dahil sa pagsusuot ng maikling shorts. Ayon sa mga residente, “panggulo” lamang ang ordinansang ipinasa noong 2007. “Wala naman pong winter sa Pilipinas, at kapag summer napakainit. Kaya po kami nagso-short at sando, e ‘yun po ang praktikal na gawin. Hindi naman po kami action…
Read MoreVALENZUELA, KULELAT SA PAGSUGPO SA COVID
KULELAT ang Valenzuela City sa pagsugpo sa COVID-19 sa Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela (CAMANAVA) area kung ang datos ng OCTA Research Service ang pagbabatayan. Ayon sa OCTA, ang Caloocan City ay may average daily attack rate (ADAR) na 1.28; Malabon City, 1.51, at Navotas City, 0.37, habang ang ADAR ng Valenzuela ay 2.38. Ang ADAR ang average na bilang ng tao na nahahawaan ng COVID-19 kada araw sa bawat 100,000 katao. Bunsod nito, naiwan sa kategoryang “low risk” sa COVID-19 ang Valenzuela, habang ang Caloocan, Malabon at Navotas ay nasa…
Read MoreDATING PULIS TIMBOG SA PAWNSHOP ROBBERY
NAARESTO na ng Quezon City Police District ang suspek sa magkasunod na pawnshop robbery sa lungsod ng Quezon. Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, PBGen. Antonio C. Yarra, ang suspek na si ex-Patrolman Dennis Marucut, nakatalaga sa Police Regional Office 3 bago ito natanggal sa serbisyo noong isang taon matapos mag-Absent Without Official Leave (AWOL). Ayon sa ulat, pasado alas-9:05 ng umaga (November 9) nang unang holdapin ng suspek ang Palawan Express branch sa No. 162 Roosevelt Ave. corner Del Monte, Brgy. Del Monte, Q.C. kung saan mahigit…
Read MoreElection violence umarangkada na 4 KANDIDATO PINATAY SA ALBAY AT BATANGAS
HINDI pa man ganap na nagsisimula ang takdang panahon ng pangangampanya, tatlo kataong pawang mga kandidato para konsehal sa bayan ng Donsol sa lalawigan ng Sorsogon ang natagpuang wala nang buhay sa Barangay Busay sa Daraga, Albay makaraang dukutin kahapon ng umaga. Agad namang nagpalabas ng direktiba si PNP Regional Police Office 5 chief Brigadier General Jonnel Estomo para sa malalimang imbestigasyon matapos madakip ang kontrobersyal na whistle blower na si Peter Joemel De Leon Advincula na higit na kilala sa kanyang alyas na “Bikoy.” Sa paunang imbestigasyon ng pulisya,…
Read MorePATAYAN DIN SA BATANGAS
Samantala, patay rin ang isang dating konsehal na kapatid ng pinaslang na dating alkalde, matapos pagbabarilin ng hindi bababa sa limang suspek sa San Juan, Batangas, Huwebes ng umaga. Kinilala ng San Juan police ang biktima na si Francisco Hidalgo Jr., 58-anyos, negosyante, tubong Barangay Quipot, San Juan at residente ng Barangay Santiago, Malvar, Batangas. Si Hidalgo na dati ring miyembro ng Philippine Navy ay dating municipal councilor ng Malvar, Batangas at kapatid ni dating Balete, Batangas Mayor Joven Hidalgo na pinaslang din taong 2017. Batay sa report ng San…
Read MoreLGEN. CENTINO, HINIRANG NA AFP CHIEF OF STAFF
KINUMPIRMA ng Malakanyang na inaprubahan at nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagtatalaga kay LGen. Andres Centino bilang Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP) epektibo ngayong araw, Nobyembre 12, 2021. “We are confident that Gen. Centino will continue the initiatives of his predecessors to bring lasting peace and development in the country while securing the State and upgrading our defense capability,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque. Hangad naman ng Malakanyang ang tagumpay ni Gen. Centino sa bago nitong gampanin bilang AFP Chief. Samantala,…
Read MoreEX-SOLON ABSWELTO SA GRAFT CHARGES
INABSWELTO ngayong araw, (Biyernes) ng Sandiganbayan si dating Caloocan Second District Representative Mitch Cajayon-Uy sa kasong graft kaugnay ng pork barrel scam o ang Priority Development Assistance Fund (PDAF). Inabot ng mahigit kalahating dekada ang paghihintay sa nasabing desisyon. Nabatid sa isang unanimous na desisyon ng Sandiganbayan Second Division, si Cajayon-Uy ay napawalang-sala sa dalawang counts ng Graft, isang count ng Malversation of Funds at isang count ng Malversation thru Falsification para sa “failure of the prosecution to prove her guilt beyond reasonable doubt”. Si Cajayon-Uy ay inakusahan ng umano’y…
Read More