“WE just cannot afford to jeopardize our people by being laxed in our implementation of drug operations.” Ito ang inihayag ni PNP-Police Regional Office 5 Director P/BGen. Jonnel C. Estomo matapos madakip ng kanyang mga tauhan ang isang high value target individual na kasama sa talaan ng Regional Recalibrated Database on Illegal Drugs, sa inilatag na anti-narcotics operation ng PNP Bicol sa Brgy. Calatagan Tibang, Virac, Catanduanes. Ayon sa isinumiteng ulat ng Catanduanes Provincial Police Office (CAT PPO), nahuli sa inilunsad na law enforcement operation, katuwang ang mga operatiba ng Philippine…
Read MoreAuthor: admin 2
Naitala sa magkasunod na araw ZERO COVID CASES SA ALAMINOS
LAGUNA – Dalawang araw nang COVID-free ang bayan ng Alaminos matapos na wala nang naitalang aktibong kaso roon. Ito ay dahil sa aktibong pagtutulungan ng lokal na pamahalaan ng Alaminos at Rural Health Unit na closely monitoring sa sakit na COVID-19 sa bawat barangay. Nauna rito, inihayag ni Mayor Ruben Alvarez noong araw ng Martes sa FB Page na “zero” o wala nang kaso ng COVID-19 sa kanilang bayan. Ngunit patuloy pa rin aniya ang kanyang paghihikayat sa mamamayan na sumunod sa lahat ng itinalagang public health standards upang mapanatiling…
Read MoreKababayan pwersahang pinagtrabaho 3 CHINESE TIMBOG SA CAVITE
CAVITE – Arestado ang tatlong Chinese national dahil sa puwersahang pagpapatrabaho at pagmamaltrato sa dalawa nilang kababayan, makaraang makatakas ang isa sa mga biktima sa Bacoor City, nitong Huwebes ng madaling araw. Inaresto ng mga awtoridad sina Wen Bo Zhou, Hanlu Chen, kapwa lalaki at Bing Bing, babae, dahil sa reklamo ng biktimang si Tao Zhang, 23-anyos. Ayon sa ulat ni Pat. Marco Romero Cupo, ang biktima, kasama si Zhao Qinglin, 25, ay puwersahan umanong pinagtatrabaho sa Shuang Ma Enterprise sa Brgy. Niog 3, Bacoor City, Cavite habang pinagbabantaan na…
Read MoreTuwing rush hours NUMBER CODING IBABALIK NG MMDA
MALAPIT na sa pre-pandemic numbers ang dami ng bilang ng mga sasakyan sa EDSA. Ito ang dahilan, ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos kung kaya’t kinonsidera ng ahensya na magpatupad ng panibagong number coding scheme sa panahon ng rush hours. Sinabi ni Abalos, na mahigit 399,000 sasakyan ang bumagtas o dumaan sa major thoroughfares noong Nobyembre 3 nang ang NCR ay ilagay sa ilalim ng Alert Level 2. “Ang huli naming talaan dati po ay pre-pandemic ay 405,000. Ngayon, itong nag-Alert Level 2, nasabik ang tao.…
Read More2 BATA PATAY SA CALOOCAN FIRE
DALAWANG bata ang namatay sa insidente ng sunog sa Barangay 185, Caloocan City nitong Huwebes ng umaga. Ayon sa impormasyong nakalap, ang mga namatay ay isang 7-anyos na batang babae at isang 2-anyos na lalaking paslit. Natagpuan ang mga labi ng mga bata dakong alas-7:00 ng umaga sa natupok nilang bahay. Nabatid mula sa Bureau of Fire Protection (BFP) Public Information Office, umabot sa unang alarma ang sunog dakong 1:05 am, idineklarang under control dakong 1:47 am at ganap na naapula alas-3:20 ng madaling araw. Hindi kukulangin sa 15 bahay…
Read MoreMga dayuhan binalaan ng BI PEKENG BI AGENTS TARGET MANGOTONG
NAGPALABAS ng babala si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente laban sa fake immigration agents na nangha-harass umano sa foreign nationals sa bansa. Sa isang advisory, inihayag ni Morente na nakatanggap siya ng mga ulat na may “unscrupulous individuals” na nagpapakilala bilang mga BI agent at nangha-harass at nanghihingi ng pera sa mga dayuhan. “A victim sent us a letter for verification of a notice he received via courier, inviting him to the BI office in connection to a purported investigation, lest be charged and deported,” ani Morente. Ang nasabing sulat…
Read MorePEACE MEDAL KAY LORENZANA APRUB SA KAMARA
PINAYAGAN na ng House Committee on Foreign Affairs si Department of National Defensor (DND) Secretary Delfin Lorenzana na tanggapin ang peace medal na igagawad sa kanya ng Indonesia. Sa pagdinig ng House Committee on Foreign Affairs na pinamumunuan ni Zamboanga Sibugay Rep. Ann Hofer, inaprubahan ang Concurrent Resolution No. 22 na mismong ang lady solon ang nag-sponsor. Si Lorenzana ay nakatakdang gawaran ni Indonesian President Joko Widodo ng Peace Award bilang pagkilala sa pag-rescue sa dalawang Indonesian fishermen na dinukot ng Abu Sayyaf noong 2019. “The first Filipino to receive the…
Read MoreBABAE NASAMPOLAN SA CALOOCAN DRESS CODE
NASORPRESA ang isang babae nang tiketan ng pulis nang rumampa sa kalsada habang nakasuot ng napakaikling shorts sa Caloocan City. Sa social media ibinuhos ng babaeng si alyas Imee ang sama ng loob sa pangyayaring nag-ugat dahil umano sa kanyang paglabag sa Ordinance 439 o Caloocan City Dress Code in Public Places na ipinasa noon pang 2007. Napag-alamang may ide-deliver si Imee nang maispatan ng parak at inisyuhan ng “warning” ticket dahil “first time” pa lang niyang sumuway sa nasabing ordinansa. Akala umano ni Imee ay may kinalaman sa face…
Read MoreLOPEZ NG MAYNILA TODO NA KAY BONGBONG
MULING nadagdagan ang listahan ng malalaking personalidad na hayagang sumusuporta sa kandidatura ni Presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., at sa pagkakataong ito ay anak naman ni dating Manila Mayor Mel Lopez, Jr., ang nangakong pangungunahan ang lungsod upang magtagumpay ang kandidatura ni BBM. Nitong nakalipas na Miyerkoles ay personal na nanumpa bilang miyembro ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) si Atty. Alex Lopez. Si Atty. Lopez ang opisyal na kandidato ng PFP sa pagka-alkalde sa lungsod ng Maynila. Ka-tandem niya ang aktor na si Raymond Bagatsing na mula naman…
Read More