GRANULAR LOCKDOWN HUMUHUPA NA – DILG

lockdown

KUNG pagbabatayan ang bilang ng mga apektadong indibidwal sa ipinatutupad na granular lockdowns ng pamahalaan, hindi na marahil magtatagal at makababalik na sa normal ang pamumuhay at hanapbuhay ng mamamayan. Sa ginanap na “Talk to the Nation” ni Pangulong Rodrigo Duterte, iniulat ni Secretary Eduardo Año ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na 31,178 katao na lamang ang apektado ng paghihigpit ng gobyerno sa mga piling pamayanang nagtala ng mga kaso ng nakamamatay na COVID-19. Paglalarawan pa ng kalihim, naging epektibo ang paghihigpit sa mga komunidad sa…

Read More

Pinadedeklara ng mga residente TAGKAWAYAN ‘RENEWABLE ENERGY MUNICIPALITY’

energy

IMINUNGKAHI ng mga residente, lokal at national clean energy advocacy groups na ideklarang ‘renewable energy’ ang munisipalidad ng Tagkawayan sa Quezon kasabay ng babala laban sa coal-fired power plant project sa bayan. Ang panawagan ay pinangunahan ng Quezon for Environment (QUEEN), sa kanilang liham para kina Tagkawayan Mayor Carlo Eleazar, Vice Mayor Danny Liwanag, at ng Sangguniang Bayan sa pamamagitan ni Secretary Carlo Magno. “We have been informed through letter exchanges with the Department of Energy (DOE) that the 1,200 MW Quezon Coal-fired Thermal Plant Project by Orion Pacific Prime…

Read More

INTERBANK ATM TRANSACTION IPAKO SA P5 – SOLONS

atm

KUNG mayroong paldo o kumita ng limpak-limpak mula nang magkaroon ng pandemya sa bansa ay walang iba kundi ang digital payment companies kasama na ang mga bangko. Ito ang nabatid mula sa mga militanteng grupo sa Kamara kaya hiniling ng mga ito na ipasa na ang House Bill (HB) 4019 para ipako sa P5 ang interbank ATM transaction kasama na ang bank transactions gamit Gcash, PayMaya at iba pang payment channels. “Consumers who are practically forced by the pandemic to pay online find themselves burdened with even more exorbitant fees from P15…

Read More

Hirit na takeover sa QC COVID-19 response TABLADO SA DILG

WALANG makitang sapat na dahilan ang Department of Interior and Local Government (DILG) para tupdin ang rekomendasyong takeover sa Covid response ng Quezon City na isinusulong ng ilang mambabatas mula sa Kamara. Giit ni DILG Secretary Eduardo Año, kuntento umano siya sa tugon ng pamahalaang lungsod sa pamumuno ni Quezon City Mayor Joy Belmonte. “The Quezon City LGU (local government unit) is doing good in its COVID response compared to other LGUs nationwide,” pahayag pa ng kalihim sa isang Viber message. Binigyang-diin din ng Kalihim bumaba na sa low-risk category…

Read More

PLATE NUMBERS NA GINAMIT SA BATANGAS ABDUCTION, PEKE

plate

GUMAMIT ng mga pekeng license plates ang mga suspek sa nangyaring pagdukot sa anim na magkakabarkada sa Batangas. Ayon kay Laurel Batangas police chief, Capt. Errol Frejas, base sa beripikasyon sa LTO, pawang fake plate numbers ang nakalagay sa apat na sasakyang ginamit ng mga suspek. “Na-verify nga natin kasi meron tayong nakuhang plate numbers dito sa sasakyan na ginamit ng alleged suspects”, ayon kay Frejas. “Kasi ‘yung isa dito, ‘yung plate number na binigay ay naka-register sa isang Nissan Navara at wala naman po tayong nakikitang Nissan Navara sa mga…

Read More

7 PUGANTE NABITAG NG PNP-PRO5

ARESTADO ang pitong pugante sa ikinasang malawakang manhunt operation ng mga tauhan ng PNP Police Regional Office 5 laban sa mga wanted persons mula Nobyembre 1 hanggang Nobyembre 2. Ang pitong nadakip ng mga awtoridad ay nahaharap sa iba’t ibang kaso, ayon sa ulat na isinumite kay Bicol PNP chief, P/BGen. Jonnel C. Estomo. Sa Camarines Sur ay dalawa ang nadakip, ayon kay PNP-PRO5 Information Office chief, P/Major Malou Calubaquib. Batay sa ulat ng Camarines Sur Police Provincial Office, kinilala ang mga ito na sina Jose Emmanuel Tuy y Basco,…

Read More

2 POLICE TRAINEE KALABOSO SA RAPE

RIZAL – Kalaboso ang dalawang police trainee na tumakas sa barracks makaraang ireklamo ng 23-anyos na dalaga na ginahasa umano ng mga ito sa isang motel sa bayan ng Montalban noong Miyerkoles. Kinilala ni P/Col. Marcelino Pipo Jr., hepe ng pulisya, ang mga inaresto na sina Jack Marquez at AJ Magsino, kapwa police trainee sa Rodriguez (Montalban) PNP. Batay sa imbestigasyon ng pulisya, Nobyembre 2 ng madaling araw, off duty ang mga suspek nang tumakas mula sa kanilang barracks. Nakipag-inuman umano ang mga ito sa biktima at nang malasing ay…

Read More

SUSPEK SA PAGPATAY SA LOS BAÑOS MAYOR, ARESTADO

NATIMBOG ng mga tauhan ng Batangas Criminal Investigation and Detection Group sa Baguio City ang isa sa pangunahing suspek sa pagpatay sa dating mayor ng Los Baños, Laguna na si Ceasar Perez, noong Martes. Ayon sa report ni Batangas CIDG chief, Police Lt. Col. Bryan Dexter Andulan, si Norvin Tamisin na dating konsehal ng Los Baños, ay natunton ng kanilang mga tropa sa pinagtataguan nito sa Baguio City dakong alas-5:00 ng hapon noong Martes matapos ang halos isang linggong casing and surveillance operation base sa impormasyon ng mga informant. Si…

Read More

BOC APPRAISER AT EXAMINER TIMBOG SA ENTRAPMENT OPS

WALANG kawala sa mga tauhan ng NBI, BOC at AFP Ang tiwaling BOC appraiser na si Zosimo Sonny Bello at examiner na si Bong Seletaria na dinakip sa entrapment operation sa loob ng Harbor View Restaurant sa Ermita Manila. Nauna rito, nakipag-ugnayan ang complainant na makipag-case conference sa Intel Group ng BOC at NBI’s Special Project Team na silang naghanda ng marked money at complaint sheet para sa isinagawang operasyon laban sa mga suspek. 490

Read More